Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

SHARE THE TRUTH

 85,668 total views

July 16, 2020, 1:38PM

Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City.

Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko.

Ito ay matapos pahintulutan ng Inter-Agency Task Force ang mga simbahan na tumanggap ng mga dadalo sa misa na 10-porsyento lamang ng kanilang kabuuang kapasidad.

Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish Priest ng Katedral, malaking hamon para sa simbahan ang pandemyang COVID-19.

Gayunman tinitiyak ng katedral na hindi ito malayo sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga online mass, pamimigay ng pagkain sa mga nasa lansangan at pamamahagi ng mahigit P300,000 na halaga ng mga relief items sa mga barangay na nasasakupan nito.

“A parish is a community of love. Now more than ever, we are called to take care of the poor. Before this crisis, the Philippines is a poor country, now we have become poorer. Joblessness, hunger, and poverty will become severe. We do not know yet how, but we have to do something,” mensahe ni Fr. Soriano.

Nangako si Fr. Soriano na patuloy na maglilingkod ang simbahan lalo na ngayong panahon ng krisis kung saan marami ang nawalan ng hanapbuhay at lalo pang naghirap ang mamamayang Pilipino.

Taong 1935 nang itatag ng mga pari ng Society of the Divine Word ang maliit na simbahan na ngayon ay nagsisilbing katedral ng Diyosesis ng Cubao.

July 15,1950 nang pormal itong maideklara bilang Parokya ng Inmaculada Concepcion at nalipat sa pangangalaga ng Archdiocese of Manila noong April 30, 1990.

Ika-28 ng Agosto 2003 naman ng maiproklama ito bilang katedral ng Diocese of Cubao sa ilalim ng pamumuno ni Bishop Honesto Ongtioco.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,919 total views

 72,919 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,694 total views

 80,694 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,874 total views

 88,874 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,472 total views

 104,472 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,415 total views

 108,415 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 85,602 total views

 85,602 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD

 116,313 total views

 116,313 total views PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD   My dear people of God in the Archdiocese,   We, in the NCR, are now placed under General

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

CBCP Circular Letter No. 20-20

 19,889 total views

 19,889 total views Circular No. 20-20 April 7, 2020 TO THE LOCAL ORDINARIES Your Excellencies,and Reverend Administrators: RE: SIMULTANEOUS RINGING OF THE PARISH CHURCH BELLS ON

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top