CHR, nabahala sa bantang papatayin ang mga drug user at pushers.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 434 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala ang Commission on Human Rights sa panibagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan binalaan nito ang mga drug users at pushers na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan kung ayaw nilang mamatay.

Ayon kay Atty. Jacqueline Ann C. de Guia, tagapag-salita ng C-H-R, ang naturang pahayag ng Pangulo ay maaaring makaapekto sa “Right to Liberty” o kalayaan ng mga mamamayaan na mamuhay ng malaya sa ating bansa.

Paglilinaw naman ni Atty. De Guia, buo ang suporta ng C-H-R sa layunin ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga, ngunit nararapat pa rin ipatupad ng mga otoridad ang rule of law at due process sa lahat ng uri ng kaso upang mapanatili ang paggalang sa karapatang pantao ng bawat mamamayang Filipino.

“We support the drug campaign being launch by the government but we of course want the government to stay within the bounds of law and in his latest statement of course again the Right to Liberty is at for and we are also very much again would like to emphasize that the Right to Liberty may only be broken only upon conviction or upon determination of guilt beyond reasonable doubt…” pahayag ni de Guia sa panayam sa Radio Veritas.

Ginawa ng Pangulong Duterte, ang pahayag at banta matapos na matuklasang aabot sa 216-bilyong piso ang industriya ng illegal na droga sa bansa kada taon kung saan nasa 200-piso kada araw ang tinatayang ginagastos ng nasa 3-milyong drug-addicts na hindi magkakasya sa 400 kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology sa buong bansa.

Dahil dito, giit ni Atty. De Guia napakahalagang tutukan ng pamahalaan ang pagkakaloob ng mga naaangkop na detention facilities na makatutulong upang matulungan ang mga drug surrenderers na muling makapagbagong buhay mula sa kanilang adiksyon sa ipinagbabawal na gamot.

Sa tala sa buong bansa, nasa 44 lamang ang bilang ng rehabilitation center ng pamahalaan habang dadalawa lamang ang kabilang sa DOH Accredited Treatment and Rehabilitation Centers ng Dangerous Drugs Board na pinamamahalaan ng religious congregations ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 11,969 total reads

 11,969 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,230 total reads

 93,230 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,455 total reads

 187,455 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,945 total reads

 247,945 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 261,253 total reads

 261,253 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,676 total reads

 17,676 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top