Taongbayan, kailangang manindigan laban sa EJK

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total reads

Nilinaw ng Social Action Center Director ng Diocese of Legazpi na ang inilabas na “open letter” ng diyosesis ay hindi lamang panawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa Extra-Judicial Killings kundi maging sa bawat mamamayan at lahat ng sektor ng lipunan na gumawa ng hakbang para tuluyang matigil ang mga kaso ng EJK sa bansa.

Paliwanag ni Fr. Rex Arjona, Social Action Director ng Diocese of Legazpi, bukod sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Extra-Judicial Killings sa bansa ay nakababahala rin ang tila pagsasawalang bahala ng mga mamamayan sa naturang usapin.

Giit ng Pari, tuwirang paglabag sa batas ng tao at batas ng Diyos ang pagkitil ng buhay ng sinuman.

Paliwanag ni Fr. Arjona, hindi dahil sa kriminal o makasalanan ang isang tao ay may karapatan na ang mga otoridad na kitilin ang buhay ng mga ito para sa ikapapayapa ng lipunan.

“Kasi isa sa mga worrisome na nangyayari, of course worrisome talaga yung patayan at aabot na sa limang libo, isa pa sa nakakapag-worry dito yung mga tao natin, ang pamayanan, ang sambayanan ay parang normal na lamang ito parang katanggap tanggap na, na ‘ okey lang na patayin sila kasi kriminal naman, drug addict naman parang mabawasan na nga buti nga yan para mas mapayapa tayo sa ganito..’ so illegal yata, hindi talaga ito tama kaya kailangan na nating magpahayag, magsalita at gumawa ng aksyon…” pahayag ni Fr. Arjona sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunitang, nasasaad sa Open Letter ng Diocese ng Legazpi ang pag-apela kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pagpapatigil at pagpanagot sa batas ng mga sangkot sa extra-juducial killings sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police, tinatayang umaabot na sa higit 4,600 ang napatay sa patuloy na War on Drugs ng pamahalaan na nagsimula noong buwan ng Hulyo.

Kaugnay nito, bilang tugon ng Diyosesis ng Legazpi sa kasalukuyang War on Drugs ng pamahalaan ay pagtatag ng House of Hope o ‘Harong Paglaom’, isang rehabilitation center para sa libreng rehabilitasyon sa mga substance users at drug addicts sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 11,984 total reads

 11,984 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,245 total reads

 93,245 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,470 total reads

 187,470 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,960 total reads

 247,960 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 261,267 total reads

 261,267 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,678 total reads

 17,678 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top