Taongbayan, kailangang manindigan laban sa EJK

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 441 total views

Nilinaw ng Social Action Center Director ng Diocese of Legazpi na ang inilabas na “open letter” ng diyosesis ay hindi lamang panawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa Extra-Judicial Killings kundi maging sa bawat mamamayan at lahat ng sektor ng lipunan na gumawa ng hakbang para tuluyang matigil ang mga kaso ng EJK sa bansa.

Paliwanag ni Fr. Rex Arjona, Social Action Director ng Diocese of Legazpi, bukod sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Extra-Judicial Killings sa bansa ay nakababahala rin ang tila pagsasawalang bahala ng mga mamamayan sa naturang usapin.

Giit ng Pari, tuwirang paglabag sa batas ng tao at batas ng Diyos ang pagkitil ng buhay ng sinuman.

Paliwanag ni Fr. Arjona, hindi dahil sa kriminal o makasalanan ang isang tao ay may karapatan na ang mga otoridad na kitilin ang buhay ng mga ito para sa ikapapayapa ng lipunan.

“Kasi isa sa mga worrisome na nangyayari, of course worrisome talaga yung patayan at aabot na sa limang libo, isa pa sa nakakapag-worry dito yung mga tao natin, ang pamayanan, ang sambayanan ay parang normal na lamang ito parang katanggap tanggap na, na ‘ okey lang na patayin sila kasi kriminal naman, drug addict naman parang mabawasan na nga buti nga yan para mas mapayapa tayo sa ganito..’ so illegal yata, hindi talaga ito tama kaya kailangan na nating magpahayag, magsalita at gumawa ng aksyon…” pahayag ni Fr. Arjona sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunitang, nasasaad sa Open Letter ng Diocese ng Legazpi ang pag-apela kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pagpapatigil at pagpanagot sa batas ng mga sangkot sa extra-juducial killings sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng Philippine National Police, tinatayang umaabot na sa higit 4,600 ang napatay sa patuloy na War on Drugs ng pamahalaan na nagsimula noong buwan ng Hulyo.

Kaugnay nito, bilang tugon ng Diyosesis ng Legazpi sa kasalukuyang War on Drugs ng pamahalaan ay pagtatag ng House of Hope o ‘Harong Paglaom’, isang rehabilitation center para sa libreng rehabilitasyon sa mga substance users at drug addicts sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 14,914 total views

 14,913 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 36,918 total views

 36,918 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 61,260 total views

 61,260 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 85,212 total views

 85,212 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 119,900 total views

 119,900 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top