MIYERKULES, MARSO 29, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,716 total views

Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Daniel 3, 14-20. 91-92. 95
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Juan 8, 31-42

Wednesday of the Fifth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Daniel 3, 14-20. 91-92. 95

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Haring Nabucodnosor: “Sadrac, Mesac, at Abednego, totoo bang hindi kayo sumasamba sa rebultong ipinagawa ko?” tanong ng hari. “Iniuutos ko sa inyong sumamba kayo sa ipinagawa kong rebulto sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng mga instrumento. Kung hindi, ipahahagis ko kayo sa naglalagablab na pugon. Tingnan ko lang kung may diyos na makapagliligtas sa inyo.”

Sinabi nina Sadrac, Mesac at Abednego, “Mahal na hari, wala po kaming itututol sa inyo tungkol sa bagay na ito. Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa pugong iyon at sa inyong kapangyarihan. At kung hindi man niya gawin ito, hindi pa rin kami sasamba sa rebultong ipinagawa ninyo.”

Namula si Haring Nabucodnosor sa tindi ng galit kina Sadrac, Mesac at Abednego. Kaya, iniutos niyang painiting makapitong ibayo ang pugon. Iniutos din niya sa pinakamalalakas niyang tauhan na gapusin sina Sadrac, Mesac at Abednego at ihagis sa apoy.

Walang anu-ano’y napalundag si Haring Nabucodnosor. Pamanghang itinanong niya sa kanyang mga tagapayo, “Hindi ba’t tatlo lamang ang inihagis sa apoy?”

“Opo, kamahalan,” sagot nila.

“Bakit apat ang nakikita kong lalakad-lakad sa apoy at hindi nasusunog? At yaong isa, ang tingin ko’y diyos!”

Dahil dito, sinabi ng hari, “Purihin ang Diyos nina Sadrac, Mesac at Abednego! Nagsugo siya ng anghel upang iligtas ang mga lingkod niyang ito na ganap na nanalig sa kanya. Hindi sinunod ng mga ito ang aking utos; ginusto pa nilang sila’y ihagis sa apoy kaysa sumamba sa diyus-diyosan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Pinupuri ka namin, Panginoon;
Diyos ng aming mga ninuno;
karapat-dapat kang ipagdangal at dakilain magpakailanman.
Purihin ang iyong banal at maluwalhating pangalan,
nararapat purihin at ipagdangal magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;
lubhang karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka, na nakaluklok sa maringal mong trono,
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,
nakikita mo ang kalaliman, ang daigdig ng mga patay.
Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

Purihin ka sa buong sangkalangitan;
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.

Purihin at ipagdangal
ang Diyos magpakailanman.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Lucas 8, 15

Mapalad ang nag-iingat
sa kanyang pusong matapat
ng Salitang nagbubuhat
sa Poong D’yos ng liwanag,
sa t’yaga’y aaning ganap.

MABUTING BALITA
Juan 8, 31-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, “Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo’y mga alagad ko; makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” “Lahi kami ni Abraham,” tugon nila, “at kailanma’y di kami naalipin ninuman. Paano mo masasabing palalayain kami?” Sumagot si Hesus, “Tandaan ninyo: alipin ng kasalanan ang lahat ng nagkakasala. Ang alipin ay hindi kabilang sa sambahayan sa habang panahon, subalit ang anak ay kabilang magpakailanman. Kapag kayo’y pinalaya ng Anak, tunay nga kayong malaya. Nalalaman kong lahi kayo ni Abraham; gayunma’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, sapagkat walang pitak sa inyong puso ang aral ko. Sinasabi ko ang aking nakita sa aking Ama; ginagawa naman ninyo ang inyong narinig sa inyong ama.”

Sumagot sila, “Si Abraham ang aming ama.” “Kung kayo’y mga anak ni Abraham, tutularan ninyo ang kanyang ginawa,” ani Hesus. “Ngunit pinagsisikapan ninyo akong patayin, gayong sinasabi ko lamang ang katotohanang narinig ko sa Diyos. Hindi ganyan ang ginawa ni Abraham. Ang ginagawa ninyo’y tulad ng ginawa ng inyong ama.” “Hindi kami mga anak sa labas,” tugon nila. “Ang Diyos ang aming Ama.” Sinabi ni Hesus, “Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama, iibigin ninyo ako, sapagkat nagmula ako sa Diyos. Hindi ako naparito sa ganang sarili ko lamang, kundi sinugo niya ako.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Miyerkules

Ang Diyos ang walang hangganang pinagmumulan ng katotohanan, kalayaan, at lakas. May hangganan ang ating isip, espiritu, at katawan. Hilingin natin sa Diyos na loobin niyang matamo natin at ng lahat ng tao ang kaganapang ninanais niya para sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin Mo kaming ganap.

Ang lahat ng naghahanap sa katotohanan nawa’y maging bukas at malaya ang isip sa mensahe ni Jesus at ng kanyang Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga taimtim na gawain ngayong Kuwaresma nawa’y makatulong upang palayain tayo sa pagkaalipin ng labis na pagpapahalaga sa sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating pagkaabala sa materyalismo na umiiral sa ating panahaon nawa’y hindi makahadlang sa ating paghahanap sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga dukha, mga bilanggo, mga walang kaalaman, at lahat ng nagdurusa nawa’y makatagpo ng paglaya mula sa mga pasanin nila sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nang tapat sa kanya nawa’y kalagan ng Panginoon at bayaan silang maging malaya sa Kaharian ng kanyang kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Butihing Ama, namatay ang iyong Anak upang makilala ng mga tao ang katotohanan at mamuhay nang naaayon dito. Palayain mo kami sa aming makikitid na pag-iisip at pagkamakasarili upang ang aming mga isip at puso ay lumagong patungo sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 19,269 total views

 19,269 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 25,425 total views

 25,425 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 29,787 total views

 29,787 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 40,379 total views

 40,379 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 48,602 total views

 48,602 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

Related Story

HUWEBES, MAYO 9, 2024

 61 total views

 61 total views Huwebes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 1-8 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Juan 16, 16-20 Thursday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 18, 1-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon,

Read More »

MARTES, MAYO 7, 2024

 670 total views

 670 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 22-34 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8 Ligtas ako sa ‘yong piling, lakas ko’y sa ‘yo nanggaling. Juan 16, 5-11 Tuesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, MAYO 6, 2024

 1,018 total views

 1,018 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Juan 15, 26 – 16, 4a Monday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga

Read More »

LINGGO, MAYO 5, 2024

 1,245 total views

 1,245 total views Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. 1 Juan 4, 7-10 Juan 15, 9-17 Sixth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Read More »

SABADO, MAYO 4, 2024

 1,245 total views

 1,245 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Juan 15, 18-21 Saturday of the Fifth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, MAYO 3, 2024

 1,228 total views

 1,228 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Juan 14, 6-14 Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red) UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y

Read More »

HUWEBES, MAYO 2, 2024

 986 total views

 986 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas. Juan 15, 9-11 Memorial of St. Athanasius, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA

Read More »

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

 851 total views

 851 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16 Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. Mateo 13, 54-58 Memorial of Saint Joseph the Worker (White) UNANG PAGBASA Genesis 1, 26 – 2, 3 Pagbasa mula sa aklat ng

Read More »

MARTES, ABRIL 30, 2024

 2,855 total views

 2,855 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 3,073 total views

 3,073 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 3,348 total views

 3,348 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 3,642 total views

 3,642 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 4,320 total views

 4,320 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »

HUWEBES, ABRIL 25, 2024

 3,987 total views

 3,987 total views Kapistahan ni San Marcos, Manunulat ng Mabuting Balita 1 Pedro 5, 5b-14 Salmo 88, 2-3. 6-7. 16-17 Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin. Marcos 16, 15-20 Feast of Saint Mark, evangelist (Red) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 5b-14 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, magpakababa kayong lahat

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 24, 2024

 3,565 total views

 3,565 total views Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8 Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao. Juan 12, 44-50 Wednesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional

Read More »
Scroll to Top