BIYERNES, MARSO 31, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,904 total reads

Biyernes sa Ika-5 Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Jeremias 20, 10-13
Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Juan 10, 31-42

Friday of the Fifth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Jeremias 20, 10-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.
Tinagurian nila akong “Kilabot saanman.”
Sinasabi nila, “Isuplong natin! Isuplong natin!”
Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan.
Wika pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;
pagkatapos, dakpin natin at paghigantihan.”
Subalit ikaw’y nasa panig ko, Panginoon, malakas ka’t makapangyarihan;
madarapa ang lahat ng umuusig sa akin,
hindi sila magtatagumpay kailanman.
Mapapahiya sila sapagkat hindi sila magwawagi.
Mapapahiya sila habang panahon,
at ito’y hindi na makakalimutan.
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao,
Panginoon, Diyos na Makapangyarihan,
alam mo ang laman ng kanilang mga puso’t isip.
Kaya’t ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko, ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Awitan ninyo ang Panginoon, inyong purihin ang Panginoon
sapagkat inililigtas niya ang mga api mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

O Panginoon kong aking kalakasan,
minamahal kita nang tunay na tunay.
Panginoo’y batong hindi matitibag,
matibay kong muog at Tagapagligtas.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

D’yos ko ang sa akin ay s’yang nag-iingat,
Tagapagtanggol ko at aking kalasag.
Sa ‘yo, Panginoon, ako’y tumatawag,
sa mga kaaway ako’y ‘yong iligtas.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Gapos ako ng tali ng kamatayan;
siniklot ng alon ng kapahamakan.
Nabibingit ako sa kamatayan,
nakaumang na sa labi ng libingan.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Kaya’t ang Poon ay tinawag ko;
sa aking kahirapan, humingi ng saklolo.
Mula sa templo n’ya, tinig ko’y narinig,
umabot sa kanya ang aking paghibik.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 6, 63k. 68k

Salita mo, Kristong mahal,
Espiritung bumubuhay,
nagtuturo’t umaakay
sa nagnanais makamtan
ang langit na walang hanggan.

MABUTING BALITA
Juan 10, 31-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, ang mga Judio’y kumuha ng bato upang batuhin si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus:

“Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin ba sa mga ito ang dahilan at ako’y inyong babatuhin?” Sinagot siya ng mga Judio, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang.” Tumugon si Hesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Sinabi ko, mga diyos kayo?’ Mga diyos ang tawag ng Kautusan sa mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring tanggihan ang sinasabi ng Kasulatan. Ako’y hinirang at sinugo ng Ama; paano ninyong masasabi ngayon na nilalapastangan ko ang Diyos sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinagagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayon, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako’y nasa kanya.”

Tinangka na naman nilang dakpin siya, ngunit siya’y nakatalilis.

Muling pumunta si Hesus sa ibayo ng Jordan, sa pook na noong una’y pinagbibinyagan ni Juan. Nanatili siya roon, at maraming lumapit sa kanya. Sinabi nila, “Si Juan ay walang ginawang kababalaghan, ngunit totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito.” At doo’y maraming sumampalataya kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Manalangin tayo na patuloy tayong patnubayan ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga propeta upang maipalaganap natin ang mensahe ni Jesu-Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga patriarka at mga propeta, dinggin Mo kami.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng mga pinuno nito, nawa’y magpatupad ng kanyang misyon na ipahayag ang Ebanghelyo nang walang pagbabago sa anumang aral nito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mensahe ni Jesus, tulad ng lebadura nawa’y magpabago sa bawat aspeto ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y hangarin ang pagsupil sa sarili, lalo na sa panahong ito ng pagsisisi sa kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pagsubok sa buhay nawa’y hindi makasira ng ating loob bagkus makatulong sa paglago natin sa pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aakalang hindi nila kailangan ang Sakramento ng Kumpisal nawa’y mapukaw ang kalooban at magsisi sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, ipinadala mo sa amin ang mga pangaral ng mga propeta upang panatilihin ang aming pag-asa. Loobin mong kami ay maging malakas na makatupad sa iyong kalooban at magpatotoo sa aming pananampalataya sa iyo habambuhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

MODERN-DAY PHARISEES

 760 total reads

Gospel Reading for October 16, 2026 – Luke 12: 1-7

MODERN-DAY PHARISEES

At that time: So many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven–that is, the hypocrisy–of the Pharisees. “There is nothing concealed that will not be revealed, nor secret that will not be known. Therefore whatever you have said in the darkness will be heard in the light, and what you have whispered behind closed doors will be proclaimed on the housetops. I tell you, my friends, do not be afraid of those who kill the body but after that can do no more. I shall show you whom to fear. Be afraid of the one who after killing has the power to cast into Gehenna; yes, I tell you, be afraid of that one. Are not five sparrows sold for two small coins? Yet not one of them has escaped the notice of God. Even the hairs of your head have all been counted. Do not be afraid. You are worth more than many sparrows.”

————

Perhaps there are very few people in the world who would not fear murderers or members of groups operating in the underworld or engaged in criminal activities. For Jesus, however, this fear is secondary to the fear of those who can lead us astray—those who have managed to convince others that what has always been morally right is wrong, and what is wrong is now morally right.

Jesus is not merely speaking about the Pharisees. We have MODERN-DAY PHARISEES who manipulate the Word of God to serve their personal interests or promote their advocacies that run counter to the teachings of Jesus and Sacred Scripture.

If we are to be true Christians who wish to enjoy eternal life with God someday, we have to be wary of these people. They are the ones we must avoid because, although they cannot kill us physically, they can kill us spiritually.

Lord Jesus, help us to always seek the truth in Sacred Scripture and in the teachings of Jesus in the New Testament.

Sealed with the Holy Spirit

 1,064 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October 2026
Ephesians 1:11-14     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 12:1-7
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
What's happening in the world,
Lord where everyone seems to thrive 
in chaos?
Trash talks like cussings,
making fun of other people's
disabilities, smart shaming and
body shaming are so glorified and
imitated especially in social media;
many have no more sense of shame at all,
stretching their rights without any regard
for their responsibilities nor rights of others
that we are like in that gospel scene today:

At that time, so many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven – that is, hypocrisy – of the Pharisees (Luke 12:1).

Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Are we not like those
people crowding together,
already trampling just to hear you
speak, Jesus?
Give us the wisdom,
awaken us from our glorification of
everything that is crass and low,
giving only emphasis on the body
forgetting about the soul,
its dignity and value
along with virtues:
"I tell you,
 my friends,
do not be afraid of those
who kill the body
but after that can do no more"
(Luke 12:4).
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Let us see St. Paul's
alternative vision for the world
in which God's plan is to restore
all things in you, Christ;
let us see more the love and 
mercy you have lavished upon us
when you suffered and died 
on the Cross to save us,
rising from the dead on the third day
to reconcile us to the Father 
and with everyone;
how consoling that we are
not our own,
that despite the chaos 
and darkness all over us these days,
"In Christ we were also chosen,
destined in accord with purpose of
the one who accomplishes all things
according to the intention of his will...
were sealed with the Holy Spirit"
(Ephesians 1:11, 13).
How lovely are
these words, Lord!
May we be like St. Paul
in proclaiming to this sick and dark world
that there is an alternative, 
better vision of the world 
from the Father
in Christ Jesus.
Give us the courage to work on this,
to cooperate with your grace in
showing the world 
life is so beautiful!
Amen.

WALANG KAHIHIYAN

 13,860 total reads

Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan.

Sinasabi sa Philippians 2: 6-7, “Who, being in very nature[a] God, did not consider equality with God something to be used to his own advantage; rather, he made himself nothing by taking the very nature of a servant, being made in human likeness.

Iginiit din ng yumaong Pope Francis na ang “Compassion is the language of God. Let us learn to live with kindness, to love everyone, even when they do not love us.”

Sinususugan naman ni dating South African President Nelson Mandela na “Our human compassion binds us the one to the other — not in pity or patronizingly, but as human beings who have learnt how to turn our common suffering into hope for the future.”

Mayroong kasabihan na “A leader chooses compassion without weakness, correct without cruelty, build people up”.

Pero Kapanalig, tila wala ang katangiang ito sa mga kasalukuyang lider ng bansa, walang natututo sa mga ating pulitiko, walang accountability sa ating mga lider, walang malasakit sa ating bayan.,walang malasakit sa ating mga Pilipino.

Sa ating bansa, ang pera ng bayan…ang pondo ng taumbayan mula sa kanilang pinaghihirapang pagbabayad ng buwis, ay mistulang pag-aari na ng ating mga hinalal na lider o pulitiko. Sila na ang nagsisilbing “opera conductor”, sa bawat kumpas nila, sa bawat naiisin nila sa pera ng taumbayan ay kanilang magagawa. Ang masakit, ang mga politiko na mismo ang nagiging “account holder” ng pondo ng mamamayang Pilipino.

Sa report ng People’s Budget Coalition, “hindi na sila nahiya”, tinukoy dito ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos walang kaabog-abog na ipasa ang 7.2-trilyong pisong national budget para sa taong 2027.

Ipinagbabawal na ng korte suprema ang pork barrel, gayunman nakagawa pa rin ang mga mambabatas ng eskima, natuklasan ang parking scheme., pinalitan ito ng unprogrammed appropriations. Matapos mabunyag ang unprogrammed appropriations sa multi-bilyong pisong budget insertions sa flood control projects ng DPWH, pinalitan naman ang eskima ng “leadership fund”.

Ang tindi ng apog ng mga walanghiya sa Kongreso! Kapanalig, sa inaprubahang 7.2 trilyong pisong national budget ng House of the Representatives., na red-flag o kuwestiyunable ang 1.2-trilyong pisong unprogrammed appropriations na maaring magamit sa political patronage at korapsyon. Natukoy ang 120-bilyong pisong pondo na pang-ayuda o doleouts ng mga pulitiko., 695-bilyong pisong lump sum infrastructure na walang tinukoy na proyekto, 43-bilyong piso sa Office of the President, House of the Representatives at Senado., 112-bilyong pisong unprogrammed appropriations, at merong pang idinagdag na 84-bilyong pisong budget insertions ang House Committee on Appropriations na blangko kung saan gagamitin. Isa itong malalang paglapastangan sa pondo ng bayan.

Kapanalig, ang 1.06-trilyong pisong red-flagged budget allocations ay 15-percent ng kabuuang 7.2-trilyong pisong 2027 national budget. Nasaan ang malasakit ng mga congressman sa taumnbayan? Ang bansa ay nahaharap sa mataas na inflation, laylay na ang balikat ng taumbayan sa mataas na presyo ng langis, mataas na bayarin sa pamasahe, mahal na halaga ng mga bilihin, mahal na serbisyo publiko. Pero Kapanalig, pagdating sa pera ng taumbayan, magagaling sa pagpa-plano., magagaling sa pagkuwenta ang ating mga congressman., magagaling sila gumawa ng paraan kung paano magkapera, magaling guwama ng eskima para manakaw ang pondo ng bayan ng hindi napapawisan.

Ang mga mambabatas natin, magagaling sa kawalanghiyaan!

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,861 total reads

 13,861 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,458 total reads

 95,458 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,907 total reads

 128,907 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,206 total reads

 164,206 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,278 total reads

 390,278 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Oktubre 18, 2026

 1,088 total reads

 1,088 total reads Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 45, 1. 4-6 Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k Dakilang kapangyarihan

Read More »

Sabado, Oktubre 17, 2026

 3,027 total reads

 3,027 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 4,691 total reads

 4,691 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 6,065 total reads

 6,065 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 7,378 total reads

 7,378 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top