Pagkamatay ni Degamo pinapa-imbestigahan ng Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,400 total reads

Nanawagan ang liderato ng Kamara sa House Committee on Public Order and Safety na magsagawa ng imbestigasyon sa kaduda-dudang pagkawala ng ilan sa mga security personnel ng napaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo sa araw ng naganap ang pamamaril.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez apat sa anim na police escorts ni Degamo ang hindi pumasok sa trabaho noong March 4, ang araw na napaslang ang gobernador at walo pang katao na karamihan ay pawang mga sibilyan na pinagbabaril kaniyang tahanan.

Ayon pa kay Romualdez, una na ring ipinaalam ni Degamo ang banta sa kanyang buhay, kaya’t dapat lamang na magpatupad ng mas mahigpit na seguridad ang kanyang tagapagbantay.

“It appears that the perpetrators were aware of the fact that Gov. Degamo has practically no protection so they could easily accomplish their mission to assassinate him,” ayon pa kay Romualdez.

Dagdag pa ng mambabatas, tila may pagkakapareho tin ang pagpaslang kay Degamo sa 2018 assassination ni Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe, na sa kabila ng banta sa buhay ay binawi ng Philippine National Police (PNP) ang dalawa sa tatlong police escorts ilang araw bago napaslang.

Una ng hinimok ni Romualdez si Negros Oriental 3rd district Representative Arnolfo Teves na bumalik na sa Pilipinas na itinuturong may kinalaman sa pamamaslang sa gobernador.

“We all want to hear his side of the story. Maraming buhay ang nawala maliban kay Gov. Degamo. Umamin na ang mga nahuling salarin sa partisipasyon nila sa krimen. Hindi titigil ang pamahalaan para kilalanin at papanagutin ang mga nasa likod ng brutal na krimeng ito,” ani Romualdez.

Si Teves ay nagtungo Estados Unidos na ayon sa kaniyang ‘travel authority’ ay mula February 28 hanggang March 9- na humiling na mapalawig pa ang pananatili sa US ng hanggang April 9 ayon kay House Secretary General Reginald Velasco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 30,853 total reads

 30,853 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 251,472 total reads

 251,472 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 286,143 total reads

 286,143 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 302,043 total reads

 302,043 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 336,351 total reads

 336,351 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top