May saysay ang strike

SHARE THE TRUTH

 307 total views

Mga Kapanalig, para kay Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte, “pointless” o walang saysay ang malawakang transport strike noong isang linggo. Sinabi niya ito kasabay ng pagbatikos niya sa pagsuporta sa strike ng ACT Teachers, isang party-list na kumakatawan sa mga guro sa Kongreso. Ayon sa bise presidente, sagabal ang strike sa mga ginagawa ng kagawaran upang isaayos ang sektor ng edukasyon.

Isinagawa ng mga tsuper at operators ng dyip ang strike upang mabigyang-pansin ang kanilang mga hinaing sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (o PUVMP). Sa ilalim kasi ng programa, kailangang maging miyembro ng isang samahan o kooperatiba ang mga tsuper at operators. Papalitan din ang mga lumang dyip ng “modernong” yunit na sinasabing mas episyente at makakalikasan. Nagkakahalaga ang isang modern jeep ng 2.8 milyong piso, ngunit hanggang limang prosiyento lamang ng halagang ito ang handang sagutin ng pamahalaan.

Dahil dito, nananawagan ang mga tsuper, operators, at maging mga commuters para sa mas makatarungang transition. Nais nilang dagdagan ng pamahalaan ang subsidiya nito upang makayanan ng mga drivers ang paglipat sa modernong dyip. Sinasabing magiging paborable rin ito sa mga mananakay dahil sila ang sasalo sa pamamagitan ng mas mataas na pamasahe kung hindi ibababa ang presyo ng modernong dyip. Panawagan din ng mga tsuper at operators na mabigyan sila ng sapat na panahong maging miyembro ng samahan o kooperatiba. Sa kabila ng mga lehitimong panawagan na ito, itinuturing ng bise presidenteng walang saysay ang strike 

Tugon ni ACT Teachers Representative France Castro, maging sensitibo sana ang mga opisyal ng gobyerno sa nararanasan ng kanilang mga nasasakupan. Tanong pa niya, naranasan na ba ng mga [opisyal na ito ang maghapong pagtatrabaho ng mga tsuper para sa kakarampot na kita o hindi kaya ang pumila nang mahaba o sumabit sa jeep para lamang makapasok sa trabaho o makauwi? Bagamat sa palagay ng bise presidente ay walang saysay ang strike, naging oportunidad ito upang mapag-usapan at marinig ang hinaing ng mga tsuper, operators, at commuters ukol sa PUVMP. Sa halip na buong linggo, nahinto ang strike noong Miyerkules matapos makipagpulong ng ilang lider ng transport groups kina Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil at Office of the Executive Secretary Undersecretary Roy Cervantes. Sa pamamagitan nila, nangako daw ang pangulong muling pag-aaralan at rerepasuhin ang PUVMP.

Naniniwala ang Simbahang ang pagsasagawa ng strike ay isang lehitimong paraan upang maisulong ang karapatan ng mga manggagawa katulad ng mga tsuper. Ang strike ay isang mapayapa at sama-samang pagtutol ng mga manggagawang maghatid ng serbisyo nang mapilitan ang kanilang mga employers, ang estado, at ang publikong pakinggan ang kanilang mga hinaing at pag-igihin ang kanilang kalagayan sa paggawa. Ito ay isang uri ng ultimatum upang manawagan o ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa.

Kaya naman, hindi maituturing na walang saysay ang nagdaang strike. Isinagawa ito ng mga tsuper at operators para sa kanilang hanapbuhay. Hindi madali ang desisyong magsagawa o makilahok sa strike dahil sila mismo ay walang kikitain, ngunit ginawa nila ito upang maisulong ang kanilang mga karapatan. Bahagi ito ng pagtataguyod nila sa kanilang dignidad, pakikilahok sa buhay ng lipunan, at pag-aambag sa kabutihang panlahat. Hindi ba’t makikinabang din ang maraming mananakay sa mas mababang presyo ng pamasahe?  

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa 1 Corinto 12:26-27, “Kapag naghihirap ang isang bahagi, lahat ay naghihirap na kasama niya…[sapagkat] kayo nga ang katawan ni Kristo, at ang bawat isa’y bahagi nito.” Bantayan natin ang pagrerepaso sa PUVMP. Makinig sana ang pamahalaan sa mga tsuper at operators ng jeep para sa isang mas makatao at makatarungang modernization program. 

Sumainyo ang katotohanan.  

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Trabaho sa kabila ng init

 12,547 total views

 12,547 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 20,771 total views

 20,771 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 26,617 total views

 26,617 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Resilient Education

 40,018 total views

 40,018 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »

Financial Inclusion

 43,130 total views

 43,130 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 12,548 total views

 12,548 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 20,772 total views

 20,772 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 26,618 total views

 26,618 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 40,019 total views

 40,019 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 43,131 total views

 43,131 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 36,240 total views

 36,240 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 37,128 total views

 37,128 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 52,431 total views

 52,431 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 64,840 total views

 64,840 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 59,184 total views

 59,184 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 60,390 total views

 60,390 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 70,381 total views

 70,381 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 55,766 total views

 55,766 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 70,525 total views

 70,525 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 61,019 total views

 61,019 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top