3,328 total views
Naihatid na sa huling hantungan siyam na labi ng mga bilanggo ng New Bilibid Prison.
Ang mga unclaimed cadavers ay inilibing sa New Bilibid Cemetery sa Muntinlupa City noong March 3 matapos ang misa na pinamunuan ni BuCor Chaplain and Chief, Moral and Spiritual Division CTSInsp. Dominic R. Librea.
Ayon sa pamunuan ng BuCor ang hakbang ay bahagi ng pangako ni BuCor Acting Director General, General Gregorio Catapang Jr. sa pagbibigay halaga sa dignidad at buhay ng mga bilanggo hanggang sa kanilang pagpanaw.
“The Bureau of Corrections (BuCor) through its Acting Director General, General Gregorio Catapang Jr., AFP (Ret.), CESE remains faithful to its mandate, which includes providing compassionate corrections service to our clientele,” Dagdag pa ng BuCor.
Paliwanag ng BuCor ang mga labi ng siyam na bilanggo ay natuklasang matagal ng nakalagak sa isang punerarya na nasawi sa iba’t ibang mga karamdaman at walang umangking mga pamilya.
Sa tala, 157-labi ng mga bilanggo ang inilagak na sa sementeryo ng NBP mula noong Nobyembre ng taong 2022.
Unang ng inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang nakalulungkot na kalagayan ng mga bilanggo na marami ay pinabayan na ng kanilang pamilya.