May saysay ang strike

SHARE THE TRUTH

 303 total views

Mga Kapanalig, para kay Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte, “pointless” o walang saysay ang malawakang transport strike noong isang linggo. Sinabi niya ito kasabay ng pagbatikos niya sa pagsuporta sa strike ng ACT Teachers, isang party-list na kumakatawan sa mga guro sa Kongreso. Ayon sa bise presidente, sagabal ang strike sa mga ginagawa ng kagawaran upang isaayos ang sektor ng edukasyon.

Isinagawa ng mga tsuper at operators ng dyip ang strike upang mabigyang-pansin ang kanilang mga hinaing sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (o PUVMP). Sa ilalim kasi ng programa, kailangang maging miyembro ng isang samahan o kooperatiba ang mga tsuper at operators. Papalitan din ang mga lumang dyip ng “modernong” yunit na sinasabing mas episyente at makakalikasan. Nagkakahalaga ang isang modern jeep ng 2.8 milyong piso, ngunit hanggang limang prosiyento lamang ng halagang ito ang handang sagutin ng pamahalaan.

Dahil dito, nananawagan ang mga tsuper, operators, at maging mga commuters para sa mas makatarungang transition. Nais nilang dagdagan ng pamahalaan ang subsidiya nito upang makayanan ng mga drivers ang paglipat sa modernong dyip. Sinasabing magiging paborable rin ito sa mga mananakay dahil sila ang sasalo sa pamamagitan ng mas mataas na pamasahe kung hindi ibababa ang presyo ng modernong dyip. Panawagan din ng mga tsuper at operators na mabigyan sila ng sapat na panahong maging miyembro ng samahan o kooperatiba. Sa kabila ng mga lehitimong panawagan na ito, itinuturing ng bise presidenteng walang saysay ang strike 

Tugon ni ACT Teachers Representative France Castro, maging sensitibo sana ang mga opisyal ng gobyerno sa nararanasan ng kanilang mga nasasakupan. Tanong pa niya, naranasan na ba ng mga [opisyal na ito ang maghapong pagtatrabaho ng mga tsuper para sa kakarampot na kita o hindi kaya ang pumila nang mahaba o sumabit sa jeep para lamang makapasok sa trabaho o makauwi? Bagamat sa palagay ng bise presidente ay walang saysay ang strike, naging oportunidad ito upang mapag-usapan at marinig ang hinaing ng mga tsuper, operators, at commuters ukol sa PUVMP. Sa halip na buong linggo, nahinto ang strike noong Miyerkules matapos makipagpulong ng ilang lider ng transport groups kina Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil at Office of the Executive Secretary Undersecretary Roy Cervantes. Sa pamamagitan nila, nangako daw ang pangulong muling pag-aaralan at rerepasuhin ang PUVMP.

Naniniwala ang Simbahang ang pagsasagawa ng strike ay isang lehitimong paraan upang maisulong ang karapatan ng mga manggagawa katulad ng mga tsuper. Ang strike ay isang mapayapa at sama-samang pagtutol ng mga manggagawang maghatid ng serbisyo nang mapilitan ang kanilang mga employers, ang estado, at ang publikong pakinggan ang kanilang mga hinaing at pag-igihin ang kanilang kalagayan sa paggawa. Ito ay isang uri ng ultimatum upang manawagan o ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa.

Kaya naman, hindi maituturing na walang saysay ang nagdaang strike. Isinagawa ito ng mga tsuper at operators para sa kanilang hanapbuhay. Hindi madali ang desisyong magsagawa o makilahok sa strike dahil sila mismo ay walang kikitain, ngunit ginawa nila ito upang maisulong ang kanilang mga karapatan. Bahagi ito ng pagtataguyod nila sa kanilang dignidad, pakikilahok sa buhay ng lipunan, at pag-aambag sa kabutihang panlahat. Hindi ba’t makikinabang din ang maraming mananakay sa mas mababang presyo ng pamasahe?  

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa 1 Corinto 12:26-27, “Kapag naghihirap ang isang bahagi, lahat ay naghihirap na kasama niya…[sapagkat] kayo nga ang katawan ni Kristo, at ang bawat isa’y bahagi nito.” Bantayan natin ang pagrerepaso sa PUVMP. Makinig sana ang pamahalaan sa mga tsuper at operators ng jeep para sa isang mas makatao at makatarungang modernization program. 

Sumainyo ang katotohanan.  

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Catastrophic Diseases

 68,080 total views

 68,080 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »

Arkitektura at Kultura

 82,511 total views

 82,511 total views Ang arkitektura at kultura, kapanalig, ay parang mga hibla ng tela – nakahabi, magkaugnay, at bumubuo ng napakagandang masterpiece o obra. Dito nakikita natin ating pagkakakilanlan o identity at kasaysayan. Ipinakikita nito ang iba ibang yugto ng ating buhay. Halimbawa na lamang, kapanalig, ay ang bahay kubo. Isang tingin lamang, alam mo na

Read More »

Urbanisasyon at Kaunlaran

 98,385 total views

 98,385 total views Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol. Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang

Read More »

Suporta para sa mga pangalawang magulang

 118,340 total views

 118,340 total views Mga Kapanalig, ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga kabataan, ay lugar kung saan mabubuo ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, at paniniwalang dadalhin nila sa kanilang pagtanda. Dahil dito, malaki ang tungkuling hawak ng mga guro bilang mga “pangalawang magulang” ng mga estudyante. Usap-usapan kamakailan ang isang public school teacher na nagalit sa

Read More »

Kanselado na ang PAREx!

 122,433 total views

 122,433 total views Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 68,081 total views

 68,081 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Arkitektura at Kultura

 82,512 total views

 82,512 total views Ang arkitektura at kultura, kapanalig, ay parang mga hibla ng tela – nakahabi, magkaugnay, at bumubuo ng napakagandang masterpiece o obra. Dito nakikita natin ating pagkakakilanlan o identity at kasaysayan. Ipinakikita nito ang iba ibang yugto ng ating buhay. Halimbawa na lamang, kapanalig, ay ang bahay kubo. Isang tingin lamang, alam mo na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Urbanisasyon at Kaunlaran

 98,386 total views

 98,386 total views Ang urbanisasyon ay isa sa mga palatandaan na ang isang lugar o bansa ay umuunlad na. Sa mga urban areas, mabilis umuusbong ang mga negosyo, imprastraktura, pati tao. Sa bilis, ang mga resources minsan, hindi na makahabol. Kapanalig, pagdating sa urbanisasyon at sa pangarap nating kaunlaran, napakahalaga ng balanse at inobasyon. Balanse upang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suporta para sa mga pangalawang magulang

 118,341 total views

 118,341 total views Mga Kapanalig, ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga kabataan, ay lugar kung saan mabubuo ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, at paniniwalang dadalhin nila sa kanilang pagtanda. Dahil dito, malaki ang tungkuling hawak ng mga guro bilang mga “pangalawang magulang” ng mga estudyante. Usap-usapan kamakailan ang isang public school teacher na nagalit sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanselado na ang PAREx!

 122,434 total views

 122,434 total views Mga Kapanalig, hindi na itutuloy ng San Miguel Corporation ang plano nitong pagtatayo ng Pasig River Expressway (o PAREx). Ang PAREx ay isang expressway project na ilalagay sa ibabaw mismo ng Pasig River mula R-10 sa Maynila hanggang sa iminumungkahing South East Metro Manila Expressway sa C-6 sa Taguig. May haba itong 19.4

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalbaryo ng mga maralita

 74,695 total views

 74,695 total views Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus! Nawa’y naging mabunga ang inyong paggunita sa mga Mahal na Araw. Sa katatapos na panahon ng Kuwaresma, isinagawa ng mga urban poor groups ang “Kalbaryo ng mga Maralita.” Taunang tradisyon na ito kung saan sila ay nagmamartsa at nagtatanghal gamit ang mga simbolo ng Semana

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ocean Health

 81,157 total views

 81,157 total views Summer na kapanalig, at halos lahat tayo sa beach na nais magpunta. Ang karagatan ang pangunahing destinasyon ng maraming Pilipino. Sa ating pag-eenjoy sa beach ngayong tag-init, naisip ba natin kahit minsan ang “ocean health”? Ang karagatan ay napakalawak na katawang tubig na umaakap sa maraming barangay, bayan, at bansa. Sa katawang tubig

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Future – Bagong Buhay

 86,788 total views

 86,788 total views Kapanalig, malapit na ang easter, ang pasko ng pagkabuhay. Sa Western World, kasabay ito ng spring, kung saan namumulaklak at nabubuhay muli ang mga halaman, at lumalabas ulit ang mga hayop na nag-hibernate sa haba ng winter o taglamig. Hudyat ng bagong buhay. Ang easter kapanalig, ay simbolo ng bagong pag-asa, ng renewal.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Social Media Fasting

 97,632 total views

 97,632 total views Mahal na Araw, na kapanalig. Ano ba ang ang mga sakripisyo at penance na nilaan mo nitong kuwaresma bilang paghahanda sa nalalapit na easter? Isang magandang ayuno ngayong mahal na araw ay ang social media fasting. Ano ba ito? Kapanalig, ang socal media fasting ay isang gawain kung saan nagpapasya ang isang indibidwal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Batang Ina

 111,200 total views

 111,200 total views Ang kamusmusan ng tao ay panandalian lamang – maikling panahon lamang ito sa kabuuan ng buhay ng tao. Dapat, sa ganitong edad, ang bata ay inaalagaan, ginagabayan, at tinuturuan. Inihahanda para sa magandang kinabukasan. Kaya lamang kapanalig, sa ating bansa, maraming mga bata, sa halip na na-eenjoy ang kanilang pagkabata, ay nae-expose na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit pa sa Katarungan

 136,376 total views

 136,376 total views Kapanalig, malayo na ang narating ng mga kababaihan sa ating bayan, pero malayo pa rin sila sa ideal – sa kaganapan ng kanilang pagkatao at sa pag-abot ng kanilang fullest potential bilang tao. Marami mang Filipina ngayon ang namamayagpag sa iba ibang arena at karera sa loob at labas ng bayan, marami pa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pabahay at Climate change

 116,533 total views

 116,533 total views Ang de kalidad na pabahay ay napakahalaga, kapanalig. Hindi na pwede ang mga nakagawian nating “pwede na” pagdating sa ating mga tahanan. Ngayon, kailangan natin matibay, maasahan, at abot-kayang pabahay. Ang pabahay kasi ngayon ay isang uri ng climate resilience na rin. Eto na ang era ng climate change, at pati ang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Separation of Church and State

 189,374 total views

 189,374 total views Mga Kapanalig, ginamit na dahilan ni Senador Robin Padilla ang prinsipyo ng separation of church and state upang depensahan ang kontrobersyal na televangelist na si Apollo Quiboloy. Ito ang kanyang dahilan kung bakit pinangunahan niya ang paglalabas ng isang written manifestation bilang pagtutol sa pagpapaaresto sa nagtatag sa grupong Kingdom of Jesus Christ. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagbabadyang gun culture?

 207,434 total views

 207,434 total views Mga Kapanalig, pinapayagan nang muli ng Philippine National Police (o PNP) ang pagkakaroon ng mga sibilyan ng semi-automatic rifles. Ito ay matapos amyendahan ng PNP ang implementing rules and regulations ng Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act.  Ipinasá noong 2013 ang naturang batas na naglilimita sa pagmamay-ari ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura at ekonomiya

 218,629 total views

 218,629 total views Mga Kapanalig, hindi pa man tayo umaabot sa tinatawag na peak o pinakamatinding bahagi ng nagpapatuloy na El Niño, umabot na sa 151.3 milyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot nito sa sektor ng agrikultura.  Ito ang pagtataya ng ating Department of Agriculture batay na rin sa datos na libu-libong tonelada ng palay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top