221 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan, inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagbibigay sa mga empleyado ng Senado ng ayudang tinawag nilang “inflationary assistance.” Sa darating na Agosto, makatatanggap ang bawat empleyado ng aabot sa limampung libong piso at karagdagang limampung libong piso ulit sa Setyembre para naman sa medical assistance. Huhugutin daw ang perang ito sa savings ng Senado.

“Sana all” ang naging bukambibig ng mga nakarinig ng balitang ito. Malaking tulong nga naman ang ayudang ito para sa mga manggagawa sa Senado. Para sa mga grupong-manggagawa, pagkilala ito sa kalbaryong dinaranas ng mga kawani ng Senado dahil sa mataas pa ring presyo ng mga bilihin. Magsilbing halimbawa raw sana ang Senado sa iba pang ahensya ng gobyerno at bigyan din ng ayuda ang kanilang mga kawani.

Samantala, hindi limampung libong piso kundi limandaang piso lamang ang plano namang ipamahagi ng gobyerno sa tinatayang 9.3 milyong pinakanangangailangang mga pamilya. Sa loob ng dalawang buwan, makatatanggap ang bawat kuwalipikadong pamilya ng limandaang piso kada buwan upang makaagapay daw sa mabilis pa ring pagtaas ng presyo ng mga bilihin.3 Nitong Pebrero nga, bahagyang bumagal ngunit mataas pa rin ang tinatawag na inflation. Nasa 8.6% ito, mataas pa rin sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4%. Ngunit para sa mga nasa tinatawag na “bottom 30% households”, na kinabibilangan ng mga pinakamahihirap na pamilya, ang inflation ay nasa 9.7%, at malaking bahagi nito ay mula sa mataas na presyo ng pagkain.4  

Sa hirap ng buhay ngayon, malaking bagay ang mga ganitong tulong mula sa ating pamahalaan. Limampung libo o limandaang piso man ‘yan, tiyak na magpapasalamat ang mga kababayan nating maabutan ng pinansyal na ayuda. Katulad nga ng ipinahihiwatig sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ang gobyerno, bilang may pangunahing tungkuling tiyakin ang kapakanan ng mga mamamayan, ay inaasahang tulungan ang mahihirap at mahihinang kasapi ng lipunan.5 Dagdag naman ng yumaong Pope Benedict XVI sa Caritas in Veritate, responsabilidad din ng pamahalaang pangalagaan ang karapatan ng lahat sa mga benepisyong hatid ng ekonomiya at bawasan—kung ‘di man pigilan—ang mga nakapipinsalang aspeto nito—katulad nga mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ngunit maging mapagmasid at mapagbantay sana tayo sa mga pinansyal na ayudang ipinamamahagi ng pamahalaan. Huwag sana itong gamitin ng mga pulitiko upang mapabango ang kanilang pangalan sa mga botante o upang paboran ang mga kakampi nila. Noong kasagsagan nga ng pandemya at sinimulan ng pamahalaan ang pamamahagi ng ayuda sa mga pinakaapektado ng ilang buwang lockdown, nakita naman natin kung paano ginamit ng mga pulitiko ang programang iyon upang pagtakpan ang kanilang mga pagkukulang o upang makuha ang suporta ng mga nakatanggap para sa darating na eleksyon. Masasabi nating nakatulong ang ayudang iyon upang pansamantalang malimutan ng mga tao ang mga kakulangan ng pamahalaan, katulad ng hindi pagsasagawa ng mass testing. At sa kabila ng mabagal at minsan ay magulong pamamahagi ng ayudang iyon, nagpasalamat pa rin ang marami, dahil iyon marahil ang unang pagkakataon nilang makatanggap ng pera mula sa gobyerno. 

Ganito rin ang posibleng kahinatnan ng inflationary assistance, lalo na sa mga makatatanggap ng gapatak na ayuda. Kulang na kulang kung tutuusin ang limandaang piso, ngunit hindi imposibleng magamit ito ng mga pulitikong sasamantalahin ang programa upang iangat ang kanilang sarili. Huwag sanang maging kasangkapan ang ayuda para sa pamumulitika. 

Mga Kapanalig, masasabi nating ang pagbibigay ng ayuda ay isang paraan ng pagtugon sa pangangailangan ng kawang itinalaga sa ating mga lider, katulad ng sinasabi sa mga Kawikaan 27:33. Ngunit ang mga lider na may tunay na malasakit sa kanilang mga pinamamahalaan ay higit pa sa gapatak na ayuda ang kayang ibigay. 

Sumainyo ang katotohanan.   

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 37,065 total views

 37,065 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 42,483 total views

 42,483 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 49,190 total views

 49,190 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 63,984 total views

 63,984 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 70,140 total views

 70,140 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 37,066 total views

 37,066 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 42,484 total views

 42,484 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 49,191 total views

 49,191 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 63,985 total views

 63,985 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 70,141 total views

 70,141 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,789 total views

 40,789 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,373 total views

 51,373 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,590 total views

 59,590 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,823 total views

 43,823 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,799 total views

 49,799 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,892 total views

 52,892 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,597 total views

 42,597 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,485 total views

 43,485 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,788 total views

 58,788 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,197 total views

 71,197 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top