Divine Mercy Chapel for 24/7 confessions, bubuksan ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,859 total views

Bubuksan ng Archdiocese of Manila ang Divine Mercy Chapel for 24/7 Confessions upang bigyang pagkakataong makipag-ugnayan sa Panginoon ang mga naghahanap ng kapahingahan at kapatawaran.

Sa ginanap na groundbreaking ceremony sinabi ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula na isa ito sa hakban ng arkidiyosesis sa pagpapalawig ng mga programang pang espiritwal kung saan bukas anumang oras ang kapilya sa mga magbabalik loob at makipagkasundo sa Panginoon.

“God has always been waiting for the preeminent moment when a person can feel, can do, and can approach the sacrament of reconciliation. So, we envisioned that this can be a place where anytime a person can avail himself of the sacrament of reconciliation,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Ayon pa sa cardinal na hindi lamang ito mapakikinabangan ng arkidiyosesis kundi bukas ito para sa lahat ng nagnanais mangumpisal at maging ng counseling.

Itatayo ang 24/7 confession chapel sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary Complex sa Makati City sa gawi ng EDSA malapit sa MRT Guadalupe Station upang mas madaling puntahan ng mga tao.

Bukod sa kapilya itatayo rin sa lugar ang Shrine of St. Joseph of the flight to Egypt para sa mananampalatayang naglalakbay at nalalayo sa bayang sinilangan upang maghanapbuhay para tustusan ang pangangailangan ng pamilya.

“We will soon also be inaugurating the Shrine of St. Joseph of the flight to Egypt for our brothers and sisters who are in another island working for their families; This will be also a place where they can pray and find consolation as they feel homesick and miss their families,” ani ng cardinal.

Dito rin napagkasunduan ng arkidiyosesis ang pagtatayo ng retirement home para sa mga retirado at may karamdamang pari ng arkidiyosesis upang magkaroon ng pagkakataon na makisalamuha sa mga kabataang hinuhubog ang bokasyon sa pagiging lingkod ng simbahan.

Tiniyak ni Cardinal Advincula ang pagpapalawak sa mga programang tutugon sa pangangailang pisikal, mental at higit sa lahat sa espiritwal na buhay ng mananampalataya kaisa sa misyon ng simbahan na paigtingin ang paglilingkod lalo’t higit sa nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 41,461 total views

 41,461 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 69,466 total views

 69,466 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 87,266 total views

 87,266 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 85,468 total views

 85,468 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 194,800 total views

 194,800 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 11,269 total views

 11,269 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top