Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 528 total views

Kapanalig, minsan ba ay naitanong mo sa iyong sarili kung saan pupunta ang lahat ng ating nabiling mga gamit sa kalaunan?

Halimbawa, kapanalig, saan napunta ang nabili nating kotse noong mga 1980s? Nakahoy ba sila? Nakatambak lamang ba sila? Gaano kalaking espasyo ang kailangan ng mga scrap at lumang gamit gaya nito?

Kapanalig, naisip mo rin ba kung saan napunta ang mga lumang laruang plastic na ginamit mo at ng marami pang mga bata?  Nabulok lang ba sila? Na-recycle mo ba sila o napamana sa ibang bata?

Habang umaagos ang panahon, dumarami ang tao at ang kanyang mga nililikha at binibiling gamit. Sa kanyang paglikha at pagbili, naging responsible ba ang tao sa pag-gamit at pag-dispose ng mga ito? O patuloy lamang ang paglikha at pagbili, na walang alintana sa kahihinatnan ng mundo?

Ang “The Living Planet” report ng WWF at Global Footprint Network ay nagpapakita na ang tao ay kasalukuyang gumagamit  ng “30% more resources than the Earth can replenish each year.” Ang pag-gamit ng higit pa sa kayang ibigay ng ating mundo ay sumisira na ng kagubatan, lupa, hangin at tubig. Pumapatay na ito ng ibang mga “species,” pati ng tao. Ayon sa isang pag-aaral ng World Health Organization,  tinatayang pitong milyong premature deaths ang dinudulot ng polusyon sa hangin kada taon.

Kapanalig, kailan tayo magigising? Kailan natin makikita na ang mundo ay halos maghingalo na sa paghihirap na dinudulot natin dito. Ang traffic na ating nirereklamo kapanalig, halimbawa, ay hindi lamang kawalan ng oras para sa tao. Ito rin ay araw-araw nagbubuga ng emisyon na sumisira sa ating kalawakan.

Ang ating mahal na si Pope Francis ay lagi sa ating nagpapa-alala ukol sa consumerism at over-consumption. Sa kanyang Laudato Si, sinabi niya na tayo ay konetakdo sa ating mundo. Anya “Ang daigdig ay ating tahanan, ngunit ngayon, ito ay tila nagmumukha ng tambakan ng basura.” Ito ay lubhang nakakalungkot dahil kapanalig, tumingin ka sa iyong paligid, tumingin ka sa langit. “Ang buong mundo ay nagpapakita ng walang hangganang pagmamahal ng Panginoon. Ang lupa, ang mga bundok, lahat ng ito, ay kanyang lambing.”

Kaya kapanalig, bawas-bawasan natin ang ating konsumpsyon, ayon lamang sa pangangailangan, hindi sa kasakiman. Sabi nga ni Pope Francis: “Less is more. A constant flood of new consumer goods can baffle the heart and prevent us from cherishing each thing and each moment.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 26,899 total views

 26,899 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 200,833 total views

 200,833 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 178,466 total views

 178,466 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 241,604 total views

 241,604 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 259,400 total views

 259,400 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi lang ‘for the content’

 26,900 total views

 26,900 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 200,834 total views

 200,834 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 178,467 total views

 178,467 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 241,605 total views

 241,605 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »
Scroll to Top