Mahalagang Responsibilidad ng Lehislatura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,079 total reads

Isang malaking irony o kabalintunaan ang ating nararanasan ngayon. Ang ating kongreso, kapanalig, sa halip bigyang prayoridad ang pangangalaga ng kabataan, ay nagsusulong pa na pababain ang minimum age of criminal responsibility o MACR sa edad na siyam na taon mula 15.

Habang sinusulong ito ng ating mga mambabatas, hindi naman nila binibigyang prayoridad ang isyu ng child labor. Sa ating bayan, maraming mga bata ang nagtatrabaho na mula limang taong gulang pa lamang. Ibig ba sabihin nito, ang mga bata ay dapat na ituring ng ating lipunan bilang mga ganap na “adults” —trabahante na at maaring maging kriminal?

Ayon sa 2011 Survey on Children, tinatayang nasa 3.3 million ang bilang ng mga nagtatrabahong batang may edad 5 hanggang 17. Ito ay 12.4% ng mga 26.6 milyong batang nasa naturang edad sa ating bansa. Isa sa sampung bata ang nagtatrabaho na sa labing-apat ng labing-pitong rehiyon sa ating bansa. Ang nakakalungkot pa dito kapanalig, dalawang milyon sa 3.3 milyong nagtatrabahong bata sa ating bansa ay nasa mapanganib na sitwasyon o hazardous working conditions.

Ito ang masalimuot na realidad ng maraming bata sa ating bansa. Ito ay mga datos na dapat tingnan ng ating mga mambabatas. Isa ito sa mga dapat isa-prayoridad ng ating administrasyon. Dapat bang hayaan nating magtrabaho ang mga batang limang taon pa lamang? Ayon sa International Labour Organization, karamihan sa mga child workers na ito ay makikita sa sakahan at plantasyon, sa mga minahan, sa kalye, sa mga factories o sa mga kabahayan kung saan sila ay nagpapakatulong.

Ang mga ganitong trabaho ay natural na lampas sa kakayahan ng bata. Tinatanggal nito ang karapatan at kalayaan ng mga bata na maglaro, mag-aral, at magpahinga. Marami pa sa kanila ay verbally at physically abused.

Kapanalig, ang respeto sa dignidad na hinihingi natin para sa ating sarili ay dapat din nating hingin para sa mga bata. Sila ay bulnerable. Sila ay isa sa pinakamahirap na batayang sektor sa ating bansa. Nasa 35.3% ang poverty incidence sa kanilang hanay.

Ayon kay Hesus sa Matthew 19:14, Let the little children come to me. Pero sa ating bansa, ang mga bata ay ating tinutulak o hinahayaan sa buhay na walang dignidad. Isang paalala para sa ating mambabatas mula sa Gospel of Life ni Pope John Paul II: Ang batas ay may mahalagang papel hindi lamang sa pagprotekta ng buhay kundi sa paghulma ng ugali at pag-iisip ng mamamayan. Ang mga nasa pwesto ay may obligasyon na magiting na sumuporta sa pagsulong ng buhay ng tao, mula sa sinapupunan hanggang sa kanyang pagtanda. Ito ay isang responsibilidad na hindi dapat isantabi, lalo na kung kailangan nitong gumawa ng desisyong panglehislatura. Sa huli, tayong lahat ay mananagot sa Diyos at sa ating sariling konsensya.  

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 21,612 total reads

 21,612 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 55,850 total reads

 55,850 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,332 total reads

 92,332 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 110,544 total reads

 110,544 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 193,734 total reads

 193,734 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 21,613 total reads

 21,613 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 55,851 total reads

 55,851 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,333 total reads

 92,333 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 110,545 total reads

 110,545 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top