Proyektong gagawin ng administrasyong Duterte, bantayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total reads

Kailangang maging mapagmatyag at bantayan ng mamamayan ang mga proyekto at polisiyang gagawin ng administrasyong Duterte.

Ito ang panawagan ni dating CBCP – president at Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz matapos sabihin ng kasalukuyang administrasyon na gagastos ito ng 9-na bilyong piso sa susunod na anim na taon para lamang sa imprastraktura.

Pahayag ni Archbishop Cruz na hindi ito salungat sa hangarin ng economic council ni Pangulong Rodgrigo Duterte kung ito para sa ikauunlad ng bansa at common good ng taumbayan.

Ngunit pinaalalahanan ng Arsobispo ang gobyerno na maging transparent sa gagastusin sa mga infrastructure projects na dapat ay nakikita at napapakinabangan ng taumbayan at hindi naibubulsa ng iilang tiwaling opisyal.

“Magandang balita iyan at nasa lugar naman iyang mga iyan. Siyempre bagaman sinasabi natin na wasto itong mga programang itong mga agenda na ito ay siyempre sa kahuli – hulihan niyan ang titingnan natin ay kung anong nangyari pagkatapos kung ano ang ginawa at kung ano ang natapos. Tama yung mga plano, tama yung mga adhikain pero siyempre, titingnan natin kung saan ang kahihinatnan niyan kung iyan ay magiging totoo, kung iyan ay magiging wasto,” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Magugunitang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na aprubado na ang proposed 3.35 trillion pesos national budget para sa 2017 sa Senado.

Iginiit ni Diokno na target nilang maipatupad ang 24 hours na konstruksyon sa infra projects para sa Manila, Cebu at Davao, upang makalikha ng 1-milyong trabaho sa susunod na taon.

Nabatid na nakasaad sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika na ang pondo ng bayan ay dapat ay napapakinabangan ng lahat lalo ng mga mahihirap sa mga proyektong magpapa – angat ng kanilang kabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 44,930 total reads

 44,930 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 82,447 total reads

 82,447 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 117,745 total reads

 117,745 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 344,015 total reads

 344,015 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 234,819 total reads

 234,819 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 293,848 total reads

 293,848 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,400 total reads

 406,400 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top