Mahalagang Responsibilidad ng Lehislatura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,034 total views

Isang malaking irony o kabalintunaan ang ating nararanasan ngayon. Ang ating kongreso, kapanalig, sa halip bigyang prayoridad ang pangangalaga ng kabataan, ay nagsusulong pa na pababain ang minimum age of criminal responsibility o MACR sa edad na siyam na taon mula 15.

Habang sinusulong ito ng ating mga mambabatas, hindi naman nila binibigyang prayoridad ang isyu ng child labor. Sa ating bayan, maraming mga bata ang nagtatrabaho na mula limang taong gulang pa lamang. Ibig ba sabihin nito, ang mga bata ay dapat na ituring ng ating lipunan bilang mga ganap na “adults” —trabahante na at maaring maging kriminal?

Ayon sa 2011 Survey on Children, tinatayang nasa 3.3 million ang bilang ng mga nagtatrabahong batang may edad 5 hanggang 17. Ito ay 12.4% ng mga 26.6 milyong batang nasa naturang edad sa ating bansa. Isa sa sampung bata ang nagtatrabaho na sa labing-apat ng labing-pitong rehiyon sa ating bansa. Ang nakakalungkot pa dito kapanalig, dalawang milyon sa 3.3 milyong nagtatrabahong bata sa ating bansa ay nasa mapanganib na sitwasyon o hazardous working conditions.

Ito ang masalimuot na realidad ng maraming bata sa ating bansa. Ito ay mga datos na dapat tingnan ng ating mga mambabatas. Isa ito sa mga dapat isa-prayoridad ng ating administrasyon. Dapat bang hayaan nating magtrabaho ang mga batang limang taon pa lamang? Ayon sa International Labour Organization, karamihan sa mga child workers na ito ay makikita sa sakahan at plantasyon, sa mga minahan, sa kalye, sa mga factories o sa mga kabahayan kung saan sila ay nagpapakatulong.

Ang mga ganitong trabaho ay natural na lampas sa kakayahan ng bata. Tinatanggal nito ang karapatan at kalayaan ng mga bata na maglaro, mag-aral, at magpahinga. Marami pa sa kanila ay verbally at physically abused.

Kapanalig, ang respeto sa dignidad na hinihingi natin para sa ating sarili ay dapat din nating hingin para sa mga bata. Sila ay bulnerable. Sila ay isa sa pinakamahirap na batayang sektor sa ating bansa. Nasa 35.3% ang poverty incidence sa kanilang hanay.

Ayon kay Hesus sa Matthew 19:14, Let the little children come to me. Pero sa ating bansa, ang mga bata ay ating tinutulak o hinahayaan sa buhay na walang dignidad. Isang paalala para sa ating mambabatas mula sa Gospel of Life ni Pope John Paul II: Ang batas ay may mahalagang papel hindi lamang sa pagprotekta ng buhay kundi sa paghulma ng ugali at pag-iisip ng mamamayan. Ang mga nasa pwesto ay may obligasyon na magiting na sumuporta sa pagsulong ng buhay ng tao, mula sa sinapupunan hanggang sa kanyang pagtanda. Ito ay isang responsibilidad na hindi dapat isantabi, lalo na kung kailangan nitong gumawa ng desisyong panglehislatura. Sa huli, tayong lahat ay mananagot sa Diyos at sa ating sariling konsensya.  

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 14,258 total views

 14,258 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 37,410 total views

 37,410 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 107,524 total views

 107,524 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 182,136 total views

 182,136 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 261,231 total views

 261,231 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 14,259 total views

 14,259 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 37,411 total views

 37,411 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 107,525 total views

 107,525 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 182,137 total views

 182,137 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top