Alisin ang kultura ng karamutan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,686 total reads

Pinaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mga mananampalaya na patuloy na magpadama ng habag ng Diyos lalo na sa mga pulubing nanlilimos sa daan ngayong Kapaskuhan taliwas sa banta ng DSWD o Department of Social Welfare and Development na iwasan ang mga ito.

Ayon kay Arsobispo Emerito ng San Fernando, Pampanga Paciano Aniceto, dating chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Family and Life, talamak ang kahirapan sa bansa dahil na rin sa kawalan ng opurtunidad at trabaho kaya’t napipilitan ang iba na manlimos.

“Talagang mayroong rampant poverty ang ating bansa. Kawawa tayo walang jobs at umuwi pa iyong ibang OFWs. We are poor dahil walang hanap buhay na may dangal ang ating mga kababayan. Kaya ang pamilya dapat mabigyan ng probisyon ang mga miyembro. Ang mga anak na iyan nagpapalimos kung minsan talagang hindi kakain iyan kung hindi magpapalimos,” pahayag ni Archbishop Aniceto sa panayam ng Veritas Patrol.

Sinabi pa ni Archbishop Aniceto na hindi masusugpo ng DSWD ang mga nanlilimos kung hindi nito tutugunan ang kahirapan na umiiral sa bansa.

Iginiit pa ng Arsobispo na umiiral pa rin ang kultura ng karamutan sa pamumuhay ng pamilyang Pilipino kaya’t hinimok nito ang 88-porsiyento ng Romano Katoliko sa bansa na matutong magbahagi ng biyaya ngayong Pasko.

“Hindi rin masugpo ng DSWD iyan kailangan tayong lahat sa pamilya tulungan natin yung ating mga kababayan na mahihirap… Ang kultura rin natin ang ating social living ay maramot siguro this is a basic human value, this is inclined in our name as a Christian nation. Pinakamarami ang Kristiyano, sana sa ating kakayahan mag – share tayo gawin natin ito during Christmas at kahit hindi pasko,” giit pa ni Archbishop Aniceto sa Radyo Veritas.

Sa datos naman ng Philippine Statistics Authority o PSA na 12.1 percent ng populasyon ng bansa o 12.18 milyong Pilipino ang hindi sapat ang kanilang kinikita upang makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Ilan naman sa mga kumakalinga ng mga batang kalye sa Metro Manila ay ang Tulay Ng Kabataan Foundation na magugunitang binisita ng kanyang Kabanalan Francisco noong bumisita ito sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 44,945 total reads

 44,945 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 82,460 total reads

 82,460 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 117,758 total reads

 117,758 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 344,028 total reads

 344,028 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 234,832 total reads

 234,832 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 293,850 total reads

 293,850 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,401 total reads

 406,401 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top