Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biktima ng Martial law, tunay na bayani

SHARE THE TRUTH

 1,663 total views

Ang tunay na mga bayani ay ang mga naging biktima ng Batas Militar o Martial Law at hindi si dating Pangulong Ferdinand Marcos na lumapastangan sa karapatang pantao ng mga mamamayan.

Ayon kay Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) Vice Chairman Fr. Eduardo Apugan, tunay na dapat na bigyang parangal ay ang mga indibidwal na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaang tinatamasa ng bansa sa ngayon.

Kaugnay nito, hinimok ng Pari ang lahat na magsama-sama upang tutulan ang nagaganap na pagbabaliktad sa kasaysayan o revision of history”ng bansa at ang pagpaparangal sa maling tao na nagdulot ng malaking kapinsalaan sa bayan.

“ang tunay na bayani ay ang mga naging biktima ng Martial Law, ang mga tunay na dapat bigyan ng parangal ay ang mga tao na nawala na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita, para sa amin kung ito ay ang pagbaliktad ng kasaysayan ay hindi namin ito papayagan”. pahayag ni Father Apugan sa Radio Veritas.

Ika-8 ng Nobyembre ng lumabas ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ngunit makalipas lamang ang 10-araw ay palihim nang inihimlay ng pamilya Marcos ang mga labi ng dating Pangulo sa 103-hektaryang Libingan ng mga Bayani noong ika-18 ng Nobyembre.

Kaugnay rin nito, ika-29 ng Nobyembre ng ipinag-utos ng Supreme Court (SC) sa kampo ng pamilya Marcos at Office of the Solicitor General (OSG) na magkomento sa dalawang inihaing motion for reconsideration (MR) at ilang petisyon ng mga grupong kontra sa paglibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa loob ng 10-araw.

Sa tala, sa ilalim ng Martial Law, aabot sa higit 3,200 ang pinaslang habang higit 75-libong indibidwal ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar at Rehimeng Marcos.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 137,683 total views

 137,683 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 145,458 total views

 145,458 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 153,638 total views

 153,638 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 168,221 total views

 168,221 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 172,164 total views

 172,164 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 16,571 total views

 16,571 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top