BIYERNES, MAYO 12, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,835 total reads

Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o kaya Paggunita kina San Nereo at San Achilles, mga martir
o kaya Paggunita kay San Pancrasio, martir

Mga Gawa 15, 22-31
Salmo 56, 8-9. 10-12

Sa gitna ng mga bansa
sabihing “D’yos ay Dakila!”

Juan 15, 12-17

Friday of the Fifth Week of Easter (White)
or Optional Memorial of Sts. Nereus and Achilleus, Martyrs (Red)
or Optional Memorial of St. Pancras, Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 15, 22-31

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, minabuti ng mga apostol, ng matatanda, at ng buong simbahan na pumili ng ilan sa kanila upang suguin sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. At sinugo nila ang mga pangunahin ng mga kapatid: si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas. Ipinadala nila ang sulat na ganito ang nilalaman:

“Kaming mga apostol at matatanda ay bumabati sa mga kapatid na Hentil sa Antioquia, sa Siria at Cilicia. Nabalitaan naming ginugulo kayo ng ilang kasamahang galing dini, bagamat hindi namin sila inutusan. Di-umano’y binabagabag kayo sa pamamagitan ng kanilang sinasabi. Kaya’t napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating minamahal na Bernabe at Pablo, na di nag-atubiling itaya ang kanilang buhay sa paglilingkod sa ating Panginoong Hesukristo. Sinusugo nga namin sa inyo sina Judas at Silas upang ipaliwanag sa inyo ang nasasaad sa sulat na ito. Sa udyok ng Espiritu Santo, ang naging pasiya namin ay huwag na kayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na talagang kailangan: huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyusan, ng dugo, at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga bagay na ito, at mapapabuti kayo. Paalam.”

Pinayaon ang mga sugo. Pagdating sa Antioquia, tinipon nila ang mga kapatid at ibinigay ang sulat. Pagkabasa sa liham, ang mga tao’y nagalak dahil sa kanilang narinig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 56, 8-9. 10-12

Sa gitna ng mga bansa
sabihing “D’yos ay Dakila!”

o kaya: Aleluya!

Naghahanda ako, O Diyos, ako ngayon ay handa na,
purihin ka at awitan, ng awiting masisigla.
Gumising ka, katawan ko, gumising ka, kaluluwa,
gumising ka’t tugtugin mo yaong lumang lira’t alpa;
tumugtog ka at hintayin ang liwayway ng umaga.

Sa gitna ng mga bansa
sabihing “D’yos ay Dakila!”

Sa gitna ng mga bansa kita’y pasasalamatan;
Poon, ika’y pupurihin sa gitna ng mga hirang.
Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan,
nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.
Ihayag mo sa itaas ang taglay mong kabantuga’t
dito naman sa daigdig ay ang iyong kaningningan!

Sa gitna ng mga bansa
sabihing “D’yos ay Dakila!”

ALELUYA
Juan 15, 15b

Aleluya! Aleluya!
Aking mga kaibigan,
alam na ninyo ang tanan
na mula sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 15, 12-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo’y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayun, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang inuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Biyernes

Tinatawag tayo ni Kristo na kanyang mga kaibigan at inuutusan tayong ibigin ang isa’t isa. Ipakita natin ang ating pag-ibig sa katapatan ng ating mga panalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, panatilihin Mo kami sa Iyo.

Ang mga tinawag upang mangaral ng Ebanghelyo sa anumang paraan nawa’y magpahayag ng Mabuting Balita ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namumunong pulitiko nawa’y matakot sa Diyos at gawin ang nararapat ayon sa mga Salita ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y isapuso ang utos ng Diyos na mag-ibigan kahit sa mga pagkakataon ng pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatagpo ng pagmamahal sa mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kapatid nating yumao nawa’y pagkalooban ng Diyos ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, dinggin mo ang aming mga panalangin at loobin mong lumago sa amin ang iyong pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,111 total reads

Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon.

Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides ang rumagasa sa border ng Nepal at Tibet. Nagdulot ito ng malawakang pagkawasak sa mga komunidad sa paligid ng mga magkarugtong na ilog. Habang sinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa halos 600 ang nasawi, higit sa 2,400 ang nawawala, at nasa 10,000 na pamilya ang nawalan ng tirahan. Kasama sa mga nawawala ay isang kababayan natin.

Batay sa pagsusuri ng United States Geological Survey, isang glacial collapse sa Himalayas mountain range ang nagdulot ng avalanche o pagguho ng niyebe at bato na tumamâ sa ilog, na siya namang nagdulot ng malakas na pagyanig at mabilis na pagbaha ng tubig at putik. Sa madaling salita, ang pagguho ng isang napakalaking tipak ng yelo sa bulubundukin ang naging mitsa ng trahedya.

Pero ano ang nagdulot ng glacier collapse?

Pinag-aaralan pa ang direktang sanhi ng pagguho, pero maraming eksperto na ang iniuugnay ito sa climate change. Dahil sa mga aktibidad ng tao na nagbubuga ng greenhouse gases gaya ng pagsusunog ng petrolyo, nagkakaroon ng global warming o pag-init ng mundo na nagreresulta sa pagbabago ng klima. Nakikita natin ang epekto nito sa tumitinding bagyo sa Pilipinas, heatwaves sa Europe, forest fires sa North America, at pagkalusaw ng mga glaciers sa buong mundo.

Ayon sa World Bank, wala pang 1% ang kontribusyon ng Nepal sa kabuuang greenhouse gas emissions sa mundo, pero isa ito sa mga bansang pinakalantad sa mga panganib ng climate change. Patunay ang trahedyang nangyari sa Nepal ng kawalan ng katarungan sa usapin ng klima. Ang pinakamahihirap na bansa ang may pinakamaliit na ambag sa krisis sa klima, pero sila ang pinakanganganganib sa mga epekto nito. Samantala, yumayaman ang mga bansang ilang siglo nang nagsusunog ng likas na yaman na siyang sanhi ng pag-init ng mundo. Nasaan ang hustisya?

Sa Pilipinas, damang-dama rin natin ang inhustisyang ito. Sa katunayan, ang bansa natin ang pinakananganganib sa mga kalamidad na pinalalalâ ng climate change. Pero kung ang krisis sa klima ay dulot ng mga aktibidad ng tao, mahirap sabihing “natural” ang mga nangyayaring trahedya sa bansa gaya ng baha at landslide. Hindi natural ang mga ito, lalo na’t malawakan ang katiwalian sa ating pamahalaan, gaya ng nakikita natin sa mga maanomalyang flood control projects. Napupunta lang sa bulsa ng mga ganid na pulitiko, opisyal ng gobyerno, at negosyante ang pondong ginagamit dapat sa pagtugon sa mga nakaambang panganib at pagprotekta sa mga mamamayan. Patuloy na yumayaman ang mga gahaman samantalang pinapasan ng ordinaryong Pilipino ang pinsala ng mga kalamidad.

Gaya ng wika sa Catholic social teaching na Laudato Si’, dapat pakinggan natin ang sigaw ng mundo at ng mahihirap sa pagtugon sa mga krisis na kinahaharap natin. Nananawagan tayo sa international community na magtulungan para pigilan ang pagtindi ng climate change. Kailangan ang kooperasyon ng buong mundo sa pagpapababa ng greenhouse gas emissions at pagpapalakas ng disaster resilience, lalo na sa mga pinakabulnerableng bansa at sektor. Kailangang ding mag-step up, ‘ika nga, ng mayayamang bansa sa pagtugon sa climate crisis dahil sila naman ang may pinakamalaking ambag sa paglalâ nito. Dito nakaugat ang panawagan para sa tinatawag na climate justice.

Mga Kapanalig, nag-iisa lang ang ating mundo—ang ating “common home”—kaya dapat natin itong pangalagaan. Ipagdasal natin ang mga biktima ng trahedya sa Nepal. Higit pa rito, pairalin natin ang climate justice, gaya ng paalala sa Amos 5:24: “padaluyin [natin] ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.”

Sumainyo ang katotohanan.

THEIR LOSS IS OUR GAIN

 5,362 total reads

Gospel Reading for August 31, 2026 – Luke 4: 16-30

THEIR LOSS IS OUR GAIN

Jesus came to Nazareth, where he had grown up, and went according to his custom into the synagogue on the sabbath day. He stood up to read and was handed a scroll of the prophet Isaiah. He unrolled the scroll and found the passage where it was written:

The Spirit of the Lord is upon me,
because he has anointed me
to bring glad tidings to the poor.
He has sent me to proclaim liberty to captives
and recovery of sight to the blind,
to let the oppressed go free,
and to proclaim a year acceptable to the Lord.

Rolling up the scroll, he handed it back to the attendant and sat down, and the eyes of all in the synagogue looked intently at him. He said to them, “Today this Scripture passage is fulfilled in your hearing.” And all spoke highly of him and were amazed at the gracious words that came from his mouth.

They also asked, “Is this not the son of Joseph?” He said to them, “Surely you will quote me this proverb, ‘Physician, cure yourself,’ and say, ‘Do here in your native place the things that we heard were done in Capernaum.’” And he said, “Amen, I say to you, no prophet is accepted in his own native place. Indeed, I tell you, there were many widows in Israel in the days of Elijah when the sky was closed for three and a half years and a severe famine spread over the entire land. It was to none of these that Elijah was sent, but only to a widow in Zarephath in the land of Sidon. Again, there were many lepers in Israel during the time of Elisha the prophet; yet not one of them was cleansed, but only Naaman the Syrian.” When the people in the synagogue heard this, they were all filled with fury. They rose up, drove him out of the town, and led him to the brow of the hill on which their town had been built, to hurl him down headlong. But he passed through the midst of them and went away.

————

Jesus’ homecoming to Nazareth, the town where he grew up, should have been a hero’s welcome—much like the celebration recently given to Alex Eala upon her return to the Philippines. By this time, news of Jesus had already spread throughout Galilee. The people had heard about his mighty works and extraordinary miracles in Capernaum. One would have expected his own town to be the first to rejoice and be proud of their “kababayan.”

Sadly, the opposite happened.

Instead of celebrating him, they questioned his credentials and looked down on his humble family background. “Is this not the son of Joseph?” they asked. Rather than seeing God at work in him, they allowed familiarity and prejudice to blind them to the truth.

What should have been a blessing became a tragedy. The very people who had the privilege of knowing Jesus from his childhood rejected him. As the Word of God is like a double-edged sword, it revealed the hardness of their hearts. In their anger, they drove Jesus out of town and even tried to hurl him headlong off a cliff.

Here we see the wisdom of God’s plan. God chose his Son to be born into a poor and ordinary family, not into the household of the elders, chief priests, scribes, or Pharisees. Because Jesus lived among ordinary people, he could speak to them in a language they understood, reveal the true meaning of God’s Word, correct distorted interpretations of the Law, and reach out with compassion to the poor, the sick, the sinners, and all those in need.

Their rejection did not stop God’s saving plan. In fact, THEIR LOSS BECAME OUR GAIN. Because Nazareth rejected Jesus, the Good News continued its journey beyond one town, beyond Israel, and eventually reached the ends of the earth—including us.

Lord Jesus, their loss is truly our gain. We praise and thank you for entrusting your disciples with the mission of bringing the Gospel to the ends of the earth, so that we, too, may come to know, love, and follow you. Amen.

Only Jesus, always Jesus

 4,856 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 31 August 2026
1 Corinthians 2:1-5     <*((((><  +  ><))))*>    Luke 4:16-30
Photo by author, St. Paul Spiritual & Renewal Center, Bgy. Tanyawak, Alfonso, Cavite, 19 August 2026.
Teach me Lord
to "know nothing except
Jesus Christ crucified" like St. Paul,
not just "looked intently at you"
like your folks in Nazareth 
when you preached in your synagogue;
it is not enough to just look
intently at you,
imitating you and your manners
and style but not your life,
your self-sacrifice on the Cross;
what a shame in this age of social media
we speak and preach about you
merely to chase clout for ourselves
using sublimity of words
or persuasive words of wisdom
used by demagogues and
influencers for followers
and shameful profits.
Help us realize,
Jesus, that our faith
rests on the power of God
best shown in your Crucifixion,
not in our personality
nor eloquence in speech
nor being savvy with new
technologies that blind us from
the realities of life
like love and sacrifice,
kindness and patience,
justice and truth.
Amen.
Photo by author, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 June 2026.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,112 total reads

 11,112 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 46,013 total reads

 46,013 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 82,495 total reads

 82,495 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 100,707 total reads

 100,707 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 184,465 total reads

 184,465 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Setyembre 3, 2026

 963 total reads

 963 total reads Paggunita kay Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang

Read More »

Miyerkules, Setyembre 2, 2026

 2,614 total reads

 2,614 total reads Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang

Read More »

Martes, Setyembre 1, 2026

 4,041 total reads

 4,041 total reads Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa

Read More »

Lunes, Agosto 31, 2026

 5,083 total reads

 5,083 total reads Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang

Read More »

Linggo, Agosto 30, 2026

 5,905 total reads

 5,905 total reads Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Jeremias 20, 7-9 Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 8-9 Aking kinasasabikan, Panginoon, Ikaw lamang. Roma 12, 1-2

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top