Walang manggagawang maiiwan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 661 total reads

Mga Kapanalig, mismong si National Economic and Development Authority (o NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang nagsabing kailangang ayusin ang kalidad ng trabaho at maitaas ang kita ng mga Pilipino. Ito ay sa harap ng nagpapatuloy na epekto ng pandemya sa ating ekonomiya, kabilang ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation. Ayon sa kalihim, hindi lamang tungkol sa pagtataas ng gross domestic product (o GDP) ang dapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomiya. Kasabay din dapat nito ang pagtugon sa kahirapan ng mga mamamayan sa pamamagitan pagpapabuti ng kalidad ng mga trabaho.1  

Ang mababang kalidad ng mga trabaho ay binanggit din ng World Bank sa isang report na inilabas nito noong Marso.2 Halimbawa ng tinatawag na “low quality jobs” ang mga hanapbuhay sa impormal na sektor katulad ng pag-e-extra sa construction, paglalako ng paninda sa bangketa, at pagmamaneho ng pedicab o tricycle. Sa mga kanayunan, low quality jobs ang mga nasa maliliit na minahan at nagtatrabaho sa mga sakahan at pangisdaan. Itinuturing ding may low quality jobs ang mga self-employed o mga hindi nagtatrabaho sa isang partikular na tao o kumpanya.  

Kapag sinabing low quality, hindi naman nito ibig sabihing walang halaga ang mga hanapbuhay na ito. Sa totoo lang, malaki ang kontribusyon nila sa ating ekonomiya. Ang mga trabahong ito ang nagbibigay ng oportunidad sa marami nating kababayan, lalo na noong kasagsagan ng pandemya kung kailan maraming negosyo ang nagsara at nagtanggal ng mga manggagawa. Ang problema lamang sa mga hanapbuhay na ito, hindi sapat ang kita upang matustusan ang pangangailangan ng mga manggagawa at ng mga umaasa sa kanila. Karamihan din ay hindi qualified sa mga social protection programs katulad ng SSS, PAG-IBIG, at PhilHealth.  

Walang malinaw na datos ang ating gobyerno kung ilan talaga ang mga kababayan nating may low quality jobs. At ito ang nakalulungkot: hindi sila nakikita sa ating mga opisyal na datos kahit pa kitang-kita natin ang kanilang malaking kontribusyon sa ekonomiya. Ang resulta, hindi makalikha at makapag-abot ang gobyerno ng akma at napapanahong tulong sa mga katulad nila. Kaya katulad ng sinasabi ng mga institusyong katulad ng World Bank, mainam na paigtingin ang mga programang skills training, job search assistance, wage subsidies, public works programs, at entrepreneurship promotion.3 Sa halip na hintayin ng gobyerno ang mga manggagawang lumapit at sumali sa mga programang ito, kailangang maging mas maagap at mas masigasig ang gobyerno sa pagtukoy sa mga kababayan nating dapat makinabang sa ganitong mga programa. Makatutulong din ang pagpapalawig ng mga social protection programs kung saan makatatanggap ng ayuda ang mga manggagawa sakaling may mangyari sa kanilang hindi inaasahan katulad ng pagkakasakit. 

Madalas ipanawagan ni Pope Francis ang pagtiyak ng disente at marangal na kalagayan sa paggawa ng mga manggagawa, lalo na ng mga nasa laylayan ng tinatawag na labor market, katulad ng mga manggagawang may low quality jobs. Ito sana ang maging tunguhin ng ating pamahalaan, mga nasa sektor ng negosyo, at mga nag-eempleyo (kabilang ang Simbahan) ngayong bukás na muli ang pandaigdigang ekonomiyang pinilay ng pandemya. Sa pagkilos para sa ekonomiyang walang iniiwan, paliwanag ng Santo Papa, nagagawa nating pairalin ang kapayapaan at patatagin ang tiwalang pundasyon ng kabutihang panlahat o common good.4 

Mga Kapanalig, ngayon ay Araw ng Paggawa o Labor Day. Maging imbitasyon sana ito upang makiramay tayo sa mga kapwa nating manggagawang tila ba iniiwan sa kabila ng malaki nilang ambag sa ating ekonomiya. Tandaan natin ang nasasaad sa 1 Corinto 12:26, “Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat.” Kung may mga manggagawang kinakalimutan o binabalewala, hindi natin ganap na makakamit ang kaunlaran para sa lahat. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 41,862 total reads

 41,862 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 127,268 total reads

 127,268 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 191,111 total reads

 191,111 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 276,429 total reads

 276,429 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 357,362 total reads

 357,362 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Special treatment?

 41,863 total reads

 41,863 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 127,269 total reads

 127,269 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 191,112 total reads

 191,112 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 276,430 total reads

 276,430 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »
Scroll to Top