Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Resignasyon ni Robredo as HUDCC head, tinanggap kaagad ni PD30

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 347 total views

Opisyal ng hindi kabilang sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo kasunod ng pagtanggap ng Pangulo sa resignation nito bilang Chairperson ng Housing And Urban Development Coordinating Council o HUDCC.

Kaugnay nito, bago ang Cabinet Meeting kahapon, isinumite na ng panig ni Vice President Robredo sa Office of the Executive Secretary ang kanyang Resignation Letter sa naturang posisyon na agad rin inaksyunan ng Pangulo sa isinasagawang Cabinet Meeting.

Bukod kay Vice President Robredo, hindi na rin dumalo sa isinagawang Cabinet Meeting kahapon sa Malakanyang si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan matapos nitong aminin na nakatanggap din siya ng text message mula kay Cabinet Secretary Leoncio Evasco na huwag ng dumalo.

Samantala, nilinaw naman ng Malacanang ang pagrespeto sa National Address ni Vice President Robredo kahapon, kung saan inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na karapatan ni Vice President Robredo na ihayag sa bayan ang kanyang panig matapos ang kanyang pagbibitiw bilang Chairperson ng HUDCC.

Kaugnay nga nito, tiniyak pa rin ni Robredo ang patuloy na pagsisilbi sa mga Filipino sa pamamagitan ng paggamit sa kanyang kapasidad bilang Pangalawang Pangulo ng bansa, kung saan matatandaang una na niyang ipinangakong magpatayo ng nasa 5.5-milyong pabahay sa buong bansa para sa mga mahihirap.

Sa report ng grupong Habitat for Humanity mahigit 44 na porsyento ng Urban Population ng Pilipinas ang walang permanenteng tahanan kung saan 70,000 ng mga ito ay matatagpuan sa Metro Manila.

Samantala, ayon nga sa Kanyang Kabanalan Francisco “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa…” dahil sa pagtutuk sa common good o ang mas makabubuti para sa lahat sa kabila ng pagkakaiba-iba ng partido at pananaw pang-politika ng mga opisyal ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 11,417 total views

 11,417 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 32,482 total views

 32,482 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 55,504 total views

 55,504 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 94,784 total views

 94,784 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top