Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Urban poor, nalungkot sa pagbibitiw ni Robredo sa gabinete

SHARE THE TRUTH

 199 total views

Ikinalungkot ng urban poor communities ang pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo bilang chairman ng Housing Urban and Developing Coordination Council o HUDCC matapos siyang pagbawalan na dumalo sa mga cabinet meetings.

Ayon kay Sikap Laya Incorporated chairman Rev. Fr. Pete Montalla, isang malaking kawalan sa kanilang hanay si Vice President Robredo lalo na sa pagmamalasakit nito sa mga programang makatutulong sa mga maralitang taga – lungsod.

“We need somebody na may puso sa mga mahihirap akala ko yun na yung magiging sagot nung abala ni Digong na siya raw ay para sa mga mahihirap. Pero masyadong nalulungkot ako na sa tingin ko ngayon ang pinakamalapit sa consent ng mga mahihirap ng kinabukasan na bigla nalang siya tinanggal,” bahagi ng pahayag ni Fr. Montallana sa panayam ng Veritas Patrol.

Pinayuhan naman ng urban poor advocate priest si Robredo na ipagpatuloy lamang ang pagtulong sa mga mahihirap lalo na sa pag – oorganisa na igiit ang kanilang pangangailangan at karapatan na manirahan sa siyudad.

“Ang payo ko sa kanya ay tulungan kami sa pag – oorganisa ng mga mahihirap kasi kailangan namin ng pagkakaisa ng mga mahihirap para kanilang karapatan ay maigiit. Dahil marami ngayong nag iisip na ang pinaka – solusyon ng mga mahihirap ay i – demolish lang ang kanilang mga bahay na itapon sila sa mga location sites. Hindi nila nakikita yung kahalagahan ng trabaho na tao iyong idinedemolish at kailangan nila ng hanap – buhay,” giit pa ni Fr. Montallana sa Radyo Veritas.

Iginiit rin ni Fr. Montallana ang nauna na ring naobserbahan ni Robredo na kakulangan sa tubig at potable water sa mga relocation sites na pinaglilipatan ng mga dinedemolish na mga urban poor.

“Maganda iyong kanyang real concern na nakikita niya iyong kalagayan ng mga mahihirap sa pangangailangan ng tubig kasi hangga’t hindi ka lumulubog sa mga tao na talagang nakikipag – usap na sincere ang desisyon kasama ng mga tao mahirap makita iyong kalagayan ng mga mahihirap. Mga judgment lang nakikita mula sa taas na sila ay mga tamad hindi nakikita iyong kaapihan na dinaranas nila. Ako’y saludo sa kanyang inisyatib sa mga maralita,” pahayag pa ni Fr. Montalana sa Rdayo Veritas.

Nabatid mula sa ulat ng NHA o National Housing Authority na mula sa 29, 661 kabahayan na nakumpleto para sa mga biktima ng kalamidad tanging 4, 278 lamang ang na-oocupy o halos 2-porsyento ng kabuuang mahigit na 200 libong kabahayan na kailangan.

Kaisa ang Radyo Veritas ay pinapalakas nito ang hangarin na matulungan ang mga urban poor sa tulong ng SILAI.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,564 total views

 29,564 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,281 total views

 41,281 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,114 total views

 62,114 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,534 total views

 78,534 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,768 total views

 87,768 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 37,391 total views

 37,391 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 36,448 total views

 36,448 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 36,578 total views

 36,578 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 36,557 total views

 36,557 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top