HUWEBES, HULYO 6, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,685 total views

Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir

Genesis 22, 1-19
Salmo 114, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

Mateo 9, 1-8

Thursday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Maria Goretti, Virgin and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
Genesis 22, 1-19

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya ng Diyos at tumugon naman siya.

Sinabi sa kanya, “Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo, at ihandog mo siya sa akin.”

Kinabukasan, maagang bumagon si Abraham, at sumakay sa asno, kasama si Isaac at ang dalawang aliping lalaki. May dala silang kahoy na panggatong. Matapos ang tatlong araw na paglalakbay, natanaw nila ang dakong kanilang patutunguhan. Kaya’t sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin, “Bantayan na ninyo rito ang asno at kami na lamang ni Isaac ang magtutuloy. Sasamba lamang kami sa dako roon, at babalikan namin kayo.”

Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang kahoy na panggatong, dala naman niya ang apoy at patalim, at magkasama silang lumakad. Tinawag ni Isaac ang pansin ng ama, “Ama!”

“Ano iyon, anak?” tugong patanong ni Abraham.

“Mayroon na tayong apoy at panggatong, ngunit nasaan ang korderong ihahandog?” tanong ni Isaac.

Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos ang magbibigay niyon sa atin.” Kaya’t nagpatuloy sila sa paglakad.

Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos, gumawa ng dambana si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong at inihiga si Isaac, matapos gapusin. Nang sasaksakin na niya ang bata, tinawag siya ng anghel ng Panginoon at mula sa langit ay sinabi: “Abraham! Abraham! Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.”

Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog kapalit ng kanyang anak. Ang lugar na iyo’y tinawag ni Abraham na, “Ang Panginoon ang Nagkaloob.” At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao: “Sa bundok ng Panginoon ay may nakalaan.”

Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon. Wika nito, “Akong Panginoon ang nangangako sa iyo: yamang hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita. Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat. Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.” Binalikan ni Abraham ang kanyang mga alipin, at sama-sama silang umuwi sa Beer-seba.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 114, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

o kaya: Aleluya.

Ang bayang Israel sa bansang Egipto’y doon inilabas,
nang ang lahing ito sa bansang dayuhan ay pawang lumikas;
magmula noon ang lupaing Juda’y naging dakong banal,
at yaong Israel ginawa ng Diyos na sariling bayan.

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

Ang Dagat ng Tambo, nang ito’y makita ay tumakas na rin,
magkabilang panig ng Ilog ng Jordan, noon ay humimpil.
Maging mga bundok, katulad ng tupa, ay pawang nanginig,
pati mga burol, nanginig na parang tupang maliliit.

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

Ano ang nangyari, at ikaw, O dagat wala nang daluyan?
Ikaw naman Jordan, bakit ang tubig mo’y hindi na dumaloy?
Kayong mga bundok, nanginginig kayong tupa ang kapara,
at ang mga burol, natakot na parang maliit na tupa?

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

Ikaw, O daigdig, ngayon ay manginig sa harap ng Diyos,
dapat kang matakot sapagkat darating ang Diyos ni Jacob.
Siyang sa dalisdis ay nagpapabukal ng saganang tubig,
at magmula roon, ang tubig na ito ay nagiging batis.

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

ALELUYA
2 Corinto 5, 19

Aleluya! Aleluya!
Pinagkasundo ni Kristo
ang Diyos at mga tao;
kaya’t napatawad tayo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sumakay si Hesus sa bangka, tumawid sa kabilang ibayo at tumuloy sa sariling bayan. Pagdating niya roon, dinala sa kanya ng ilang katao ang isang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.” Isinaloob ng ilang eskribang naroon, “Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos.” Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip kaya’t sinabi niya, “Bakit kayo nag-iisip nang ganyan? Alin ba nag mas madali: ang sabihing, ‘Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka at lumakad,’? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa ang Anak ng Tao’y may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka.” Tumindig nga ang lalaki at umuwi. Nang makita ito ng mga tao, sila’y natakot at nagpuri sa Diyos na nagbigay ng ganitong kapangyarihan sa mga tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Taglay ang buong pananalig ng mga kaibigan ng paralitiko, dalhin natin sa Panginoon ang ating mga pangangailangan at ang mga dalamhati ng Simbahan at ng mundo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palakasin at ibangon mo kami.

Ang Simbahan nawa’y palagiang isagawa ang mapagligtas na misyon ni Kristo sa pamamagitan ng pagpapatawad ng mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari na nagdiriwang ng Sakramento ng Pakikipagkasundo nawa’y laging magpakita ng habag at pang-unawa sa lahat ng mga nagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging laging handang magpatawad ng ating kapwa sapagkat bahagi ito ng ating tungkulin sa pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatagpo ng kasiyahan at pag-asa sa gitna ng kanilang pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y makasalo sa walang hanggang kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa kapatawaran na dulot ng iyong Anak sa amin. Kami nawa’y makapagpatawad sa mga nagkakasala sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 12,714 total views

 12,714 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 30,514 total views

 30,514 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 30,514 total views

 30,514 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 143,942 total views

 143,942 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 165,480 total views

 165,480 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Abril 22, 2026

 769 total views

 769 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Abril 21, 2026

 2,270 total views

 2,270 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Anselmo, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 7, 51 –

Read More »

Lunes, Abril 20, 2026

 2,270 total views

 2,270 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Linggo, Abril 19, 2026

 1,875 total views

 1,875 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 2, 14. 22-23 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11 Ituro mo

Read More »

Sabado, Abril 18, 2026

 1,183 total views

 1,183 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top