Listahan ng public officials at mga pulis sa operasyon ng droga, inilabas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 415 total views

Umapela ng pang-unawa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Sa pahayag ng Pangulo sa The Outstanding Filipino TOFIL Awards kung saan isa sa ginawaran ng naturang parangal si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual.

Ipinaliwanag ng Pangulo, na ang kasalukuyang mataas na turn-out ng mga nahuhuli at napapatay na mga drug personalities sa war on drugs ng pamahalaan ay bunsod ng napabayaang sitwasyon ng nakaraang administrasyon patungkol sa ipinagbabawal na gamot.

Kaugnay nito, isang listahan pa ang aktuwal na ipinakita ng Pangulo kung saan nilalaman aniya nito ang mga pangalan ng nasa 180 mga pulis, 700 mga barangay captains, city mayors, governors at iba pang public officials na sangkot at may kinalaman sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa mga Pangulo, ito ang mga listahan na nakahanay na papanagutin ng pamahalaan sa batas na lumapastangan sa buhay ng mga inosenteng mamamayang nalulong at naging alipin ng ipinagbabawal na gamot.

Kaugnay nito, Ayon sa United Nations World Drug Report, ang Pilipinas ang may pinakamataas na paggamit ng Shabu sa East Asia kung saan ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency 92-porsyento ng mga barangay sa Metro Manila at 1/5 naman ng mga barangay sa buong bansa ay apektado ng ipinagbabawal na gamot.

Nauna na ring inihalintulad ng Kanyang Kabanalan Francisco na bagong uri ng pang-aalipin ang drug addiction na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon kung saan ang mga lulong sa droga ay mga biktima na nawalan ng kalayaan dahil sa pang-aalipin ng ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 6,704 total views

 6,704 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 180,638 total views

 180,638 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 158,271 total views

 158,271 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 222,197 total views

 222,197 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 241,513 total views

 241,513 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top