Death penalty bill, babantayan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total reads

Babantayan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care ang pagtalakay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa death penalty bill.

Iginiit ni CBCP-ECPPC Executive Sec. Rudy Diamante na hindi dapat maging kampante ang taumbayan sa pagdelay ng mga mambabatas sa pagtalakay ng panukala sa plenaryo.

Nangangamba si Diamante na taktika lamang ang delay upang lituhin ang mga grupong tutol sa parusang kamatayan.

Tiniyak ni Diamante na patuloy ang kanilang lobbying laban sa death penalty upang bantayan at tiyakin na hindi mai-railroad o biglang maipasa ang panukala ng palihim tulad ng ginawa ng House Committee on Justice.

“We strategized na ma-delay nga yung discussion at siguro naman nakonsensya kasi Christmas diba, pero ngayon you can never tell within this Congress kasi baka mamaya nililito lang kami kaya tuloy pa rin yung Lobbying 12, 13 and 14 pupunta sa Kamara, para ng sa ganun baka bigla silang magbotohan. Ganyan sila, ganyan ang ginawa nila diyan sa Mother Committee biglang nagbotohan na lang hindi na tinawag yung iba pa para magsalita kasi meron pa dapat, meron pang magsasalita pero ayun nga bigla nilang ipinasa,” pahayag ni Diamante sa panayam sa Radio Veritas.

Read: http://www.veritas846.ph/pag-asang-makapagbagong-buhay-ibigay-sa-mga-nagkasala/
http://www.veritas846.ph/may-ibang-sagot-laban-sa-kasamaan/

Bukod dito, kinakailangan rin aniyang maipaliwanag ang pangunahing dahilan sa pagsusulong ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa sa kabila ng sinasabi ng Philippine National Police na pagbaba ng antas ng krimen sa lipunan.
“Hindi maipaliwanag na bakit nila irerestore yung death penalty ganun ang statistics naman ay nagsasabing bumababa yung krimen eh anong reason. Wala, walang maibigay mismo ang PNP tungkol dun sa issue na yan…” dagdag pa ni Diamante.

Unang inihayag ng PNP na bumaba ng 31-porsyento ang krimen sa bansa mula noong nakalipas na taong 2015.

Una nang tinukoy ng Simbahang Katolika na dapat igalang ang dignidad at buhay ng bawat isa na tanging ang Diyos lamang ang may karapatang bumawi, dahil dito mariing kinukondena ng Simbahang Katolika ang pagbabalik ng Death Penalty sa bansa na nagpaparusa ng kamatayan sa mga nagkasala na nararapat bigyan ng pangalawang pagkakataon upang makapagbagong buhay.

Matatandaang taong 2006 ng opisyal na lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbuwag sa Death Penalty sa bansa habang batay sa tala ng Amnesty International, nasa higit 140- mga bansa na rin ang nag-abolish sa kanilang parusang kamatayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,101 total reads

 79,101 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,268 total reads

 157,268 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,716 total reads

 190,716 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,012 total reads

 226,012 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,379 total reads

 449,379 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top