Listahan ng public officials at mga pulis sa operasyon ng droga, inilabas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total reads

Umapela ng pang-unawa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Sa pahayag ng Pangulo sa The Outstanding Filipino TOFIL Awards kung saan isa sa ginawaran ng naturang parangal si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual.

Ipinaliwanag ng Pangulo, na ang kasalukuyang mataas na turn-out ng mga nahuhuli at napapatay na mga drug personalities sa war on drugs ng pamahalaan ay bunsod ng napabayaang sitwasyon ng nakaraang administrasyon patungkol sa ipinagbabawal na gamot.

Kaugnay nito, isang listahan pa ang aktuwal na ipinakita ng Pangulo kung saan nilalaman aniya nito ang mga pangalan ng nasa 180 mga pulis, 700 mga barangay captains, city mayors, governors at iba pang public officials na sangkot at may kinalaman sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa mga Pangulo, ito ang mga listahan na nakahanay na papanagutin ng pamahalaan sa batas na lumapastangan sa buhay ng mga inosenteng mamamayang nalulong at naging alipin ng ipinagbabawal na gamot.

Kaugnay nito, Ayon sa United Nations World Drug Report, ang Pilipinas ang may pinakamataas na paggamit ng Shabu sa East Asia kung saan ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency 92-porsyento ng mga barangay sa Metro Manila at 1/5 naman ng mga barangay sa buong bansa ay apektado ng ipinagbabawal na gamot.

Nauna na ring inihalintulad ng Kanyang Kabanalan Francisco na bagong uri ng pang-aalipin ang drug addiction na dapat tugunan ng bawat bansa sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon kung saan ang mga lulong sa droga ay mga biktima na nawalan ng kalayaan dahil sa pang-aalipin ng ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,189 total reads

 79,189 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,346 total reads

 157,346 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,794 total reads

 190,794 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,090 total reads

 226,090 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,447 total reads

 449,447 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top