MIYERKULES, AGOSTO 23, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,994 total views

Paggunita kay Santa Rosa de Lima, dalaga

Mga Hukom 9, 6-15
Salmo 20, 2-3. 4-5. 6-7

Poon, ang bigay mong lakas,
sa hari’y nagpapagalak.

Mateo 20, 1-16a

Memorial of St. Rose of Lima, Virgin (White)
Secondary Patroness of the Philippines

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Mga Hukom 9, 6-15

Pagbasa mula sa aklat ng mga Hukom

Noong panahong iyon, ang mga taga-Siquem at Betmilo ay sama-samang nagpunta sa may sagradong puno ng encina sa Siquem at itinalagang hari si Abimelec.

Nang mabalitaan ito ni Joatam, tumayo siya sa itaas ng Bundok ng Gerizim, at humiyaw, “Mga taga-Siquem, makinig kayo sa akin at makikinig sa inyo ang Diyos. Noong unang panahon, nag-usap-usap ang mga punongkahoy upang pumili ng hari. Sinabi nila sa olibo, ‘Ikaw ang maghari sa amin.’ Sumagot ang olibo, ‘Kakailanganin kong itapon ang aking langis na gamit sa pagpaparangal sa mga diyos at sa mga tao kung ako ang mamamahala sa inyo.’ Sinabi nila sa igos, ‘Ikaw na ang maghari sa amin.’ Ngunit sumagot ang igos, ‘Kakailanganin kong iwan ang masasarap kong bunga kung pamamahalaan ko kayo.’ Kaya sinabi nila sa ubas, ‘Ikaw na ang maghari sa amin.’ Sumagot ang ubas, ‘Sa akin nanggagaling ang alak na pampasaya sa mga diyos at sa mga tao. Kakailanganin kong iwan yaon kung ako ang maghahari sa inyo.’ Kaya, sinabi nila sa dawag, ‘Ikaw na nga ang maghari sa amin.’ Ang sagot ng dawag, ‘Kung talagang ibig ninyo akong maging hari, sumilong kayo sa akin. Kung ayaw ninyong sumilong, magpapalabas ako ng apoy upang sunugin ang mga sedro ng Libano.’”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 20, 2-3. 4-5. 6-7

Poon, ang bigay mong lakas,
sa hari’y nagpapagalak.

Nagagalak ang hari,
O Poon, dahilan sa lakas mong bigay,
siya’y nagagalak sa kanyang tagumpay.
Binigyan mo siya
ng lahat ng kanyang mga kailangan,
at iyong dininig, kanyang kahilingan.

Poon, ang bigay mong lakas,
sa hari’y nagpapagalak.

Dinalaw mo siya
na ang iyong taglay ay gintong korona,
iyong pinagpala’t pinutungan siya.
Hiling niya’y buhay
at iyon ang iyong ipinagkaloob,
buhay na mahaba’t walang pagkatapos.

Poon, ang bigay mong lakas,
sa hari’y nagpapagalak.

At naging dakila,
pinadakila mo nang iyong tulungan,
naging bantog siya’t makapangyarihan.
Iyong pinagpala ng pagpapala mong walang katapusan,
nagagalak siya sa iyong patnubay.

Poon, ang bigay mong lakas,
sa hari’y nagpapagalak.

ALELUYA
Hebreo 4, 12

Aleluya! Aleluya!
Buhay ang Salita ng Diyos
Ganap nitong natatalos
Tanang ating niloloob.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 20, 1-16a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila’y pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayun din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siya’y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?’ “Wala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!’ sagot nila. At sinabi niya, ‘Kung gayun, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.’

“Pagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila’y upahan, magmula sa huli hanggang sa buong nagtrabaho.’ Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, ‘Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?’ At sinabi niya sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?’ Kaya’t ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ang pamamaraan ng Diyos ay hindi tulad ng sa atin. Dahil ang kanyang katurungan at kagandahang-loob ay higit pa sa ating turing at sukat, lumapit tayo sa kanya habang nananalig na pakikinggan niya tayo at hindi bibiguin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga misyonero at tagapagpahayag, nawa’y maipalaganap ang Ebanghelyo ng Panginoon nang may katapangan at patitiyaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makapaglingkod sa Panginoon at sa isa’t isa nang walang hinihintay na merito at gantimpala, at sa halip gawin lamang ito nang may kabutihan mula sa ating mga puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang trabaho nawa’y dagling makatagpo ng kanilang hanapbuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y masiyahan sa kalinga at unawa ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagtiyagang mamuhay nang mabuti sa mundong ito at namayapa nawa’y makatanggap ng gantimpala sa makalangit na Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon naming Diyos, mapagkumbaba kaming naglilingkod sa iyo sa abot ng aming makakaya nang walang hinihiling kapalt. Naniniwala kami na nasa piling ka namin at binibiyayaan mo kami ng mabubuting bagay dahil sa iyong Ama na si Jesus, aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 115,223 total views

 115,223 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 143,515 total views

 143,515 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 189,446 total views

 189,446 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 222,528 total views

 222,528 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 243,872 total views

 243,872 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Hulyo 29, 2026

 378 total views

 378 total views Paggunita kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro 1 Juan 4, 7-16 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11. Palagi kong pupurihin

Read More »

Martes, Hulyo 28, 2026

 2,202 total views

 2,202 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 3,760 total views

 3,760 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 5,106 total views

 5,106 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 6,195 total views

 6,195 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top