LINGGO, SETYEMBRE 17, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,228 total views

Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Sirak 27, 33 – 28, 9
Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Roma 14, 7-9
Mateo 18, 21-35

Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (A) (Green)
Cathechist’s Day

UNANG PAGBASA
Sirak 27, 33 – 28, 9

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Ang poot at pagngingitngit ay dapat ding kamuhian;
ngunit sa makasalanan, iyan ay pangkaraniwan.
Natatandaan ng Panginoon ang kasalanan ng bawat tao,
at ang mapaghiganti ay paghihigantihan din niya.
Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang,
at pag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman.
Ang nagtatanim ng galit laban sa kapwa,
pag tumawag sa Panginoon, walang kakamtang awa.
Kung hindi ka nahahabag sa iyong kapwa,
paano mong ihihingi ng tawad ang iyong kasalanan?
Kung ikaw na tao lamang, ay nagkikimkim ng galit,
sinong magpapatawad sa iyo sa mga kasalanan mo?
Alalahanin mo ang iyong wakas at pawiin mo ang iyong galit.
Isipin mo ang kamatayan at sundin mo ang Kautusan.
Dili-dilihin mo ang Kautusan at huwag kang magalit sa kapwa;
alalahanin mo ang Tipan ng Kataas-taasan at matuto kang magpatawad.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim;
yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway
di na tayo siningil sa nagawang kasalanan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayon ang pagtingin sa sinumang nagkasala.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 14, 7-9

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay sa kanyang sarili lamang. Kung tayo’y nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayo’y namamatay, namamatay tayo para sa Panginoon. Kaya nga, sa mabuhay o sa mamatay, tayo’y sa Panginoon. Sapagkat si Kristo ay namatay at muling nabuhay upang maging Panginoon ng mga patay at mga buhay.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 13, 34

Aleluya! Aleluya!
Bagong utos, ani Kristo,
mag-ibigan sana kayo,
katulad ng pag-ibig ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 21-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong sa kanya, “Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyong piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka sa utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw – napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Batid nating tayo’y makasalanan at tungkulin nating magpatawad sa mga nagkasala sa atin. Kaya nga, hilingin natin ang biyayang mahabag at magpatawad, tulad ng Diyos. Itugon nati’y:

Mahabaging Panginoon, dinggin mo kami!

Para sa Simbahang panlahat at lokal: Nawa siya’y maging malinaw na tanda at kasangkapan ng mahabaging pag-ibig ng Diyos sa lahat ng tao. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat nating pinunong espirituwal: Nawa patuloy silang maging inspirasyon namin sa kanilang kagandahang-loob sa lahat ng nagkasala sa kanila. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinunong pambayan at iba pang nanunungkulan: Nawa maging mabuti silang halimbawa sa pakikipagbati at pakikipagtulungan sa kalaban sa pulitika alang-alang sa ikagagaling ng bayan. Manalangin tayo!

Para sa iba’t ibang antas ng lipunan: Nawa sila’ y maging makatarungan sa isa’t isa at magtulungan para sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan at kapayapaan. Manalangin tayo!

Para sa mga naapektuhan ng mga pag-uusig at mga gawa ng mga terorista: Nawa mapatawad nila ang mga may pananagutan sa kanilang sinapit at makatagpo ng katahimikan sa mapagpagaling na pagmamahal ng Diyos. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Manahimk saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, ipagkaloob Mo sa amin ang biyayang maging tanda at kasangkapan ng Iyong mapagpatawad na pagmamahal, at sa gayo’y itaguyod ang kapayapaan ng Kaharian kung saan Ka nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 73,156 total views

 73,155 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 96,315 total views

 96,314 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 117,589 total views

 117,588 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 282,612 total views

 282,612 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Abril 17, 2026

 3,190 total views

 3,190 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y makapiling.

Read More »

Huwebes, Abril 16, 2026

 4,285 total views

 4,285 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 27-33 Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20 Dukhang sa D’yos tumatawag

Read More »

Miyerkules, Abril 15, 2026

 4,285 total views

 4,285 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Dukhang sa D’yos tumatawag ay

Read More »

Martes, Abril 14, 2026

 2,402 total views

 2,402 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y

Read More »

Lunes, Abril 13, 2026

 1,733 total views

 1,733 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Martin I, papa at martir Mga Gawa 4, 23-31 Salmo 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top