Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 995 total reads

Ang Mabuting Balita, 15 Oktubre 2023 – Mateo 22: 1-14

NAPAKALAKING BIYAYA

Noong panahong iyon, muling nagsalita si Jesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: naghandog ng isang piging ang isang hari sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Sinugo niya ang kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin at kanyang pinagbilinan, ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!’ Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa’y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa. Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin, hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari. Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lungsod. Sinabi niya sa kanyang mga alipin, ‘Nakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Kaya’t pumunta kayo sa mga lansangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’ Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masama’t mabuti, anupa’t napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

“Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan?’ tanong niya. Hindi nakaimik ang tao. Kaya’t sinabi ng hari sa mga katulong, ‘Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.’ Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang.”

————

Isipin natin ang piging na inihanda ng hari para sa kasal ng kanyang anak. Isipin natin ang mga paghahanda na ginawa para dito, pati na ang pagpapadala ng mga imbitasyon sa mga taong nais ng hari at ng anak na imbitahin. Isipin natin ang lahat ng ginastos para dito. Marahil, labis-labis ito sapagkat ito ay napakahalaga at pambihirang okasyon dahil bihirang ikasal ang anak ng dalawang beses. Iisipin natin na napakalaking pribilehiyo o karangalan ang maimbita sa ganitong okasyon (tulad ng nangyayari sa U.K.), ngunit sa talinhaga ni Jesus, hindi pinahalagahan ng mga kinumbida ang imbitasyon sapagkat mas mahalaga dito ang mga personal na bagay na nais nilang gawin. Ito ay isang napakalaking insulto sa hari, kaya’t ganoon na lang ang kanyang naging reaksyon. Ngunit, sapagkat ang piging ay handa na, naisip niyang kumbidahin kahit sinong makumbida ng kanyang mga alipin, at pinuno nila ang bulwagang pangkasalan. Kaya lang, napansin niya ang isa sa kanila ay hindi nakasuot ng damit pangkasalan, at ito ay ipinatapon niya sa kadiliman sa labas.

Kung matalino at sensitibo ang mga punong saserdote at mga matatanda ng bayan, natanto sana nila na sila ang itinutukoy ni Jesus sa kanyang talinghaga. Dapat sana, nadama nila na sila ay nabigyan ng natatanging karapatan at naparangalan bilang unang tatanggap ng mapagmahal na awa ng Diyos. Ngunit, ang kanilang kapalaluan at matigas na puso ay naging hadlang. Sa Lukas 19: 41-44, tinangisan ni Jesus ang Jerusalem at sinabi, “Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makakapagdulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit ito’y lingid ngayon sa iyong paningin. Darating ang mga araw na magkakampo sa paligid mo ang iyong mga kaaway, palilibutan ka nila at gigipitin sa kabi-kabila. Wawasakin ka nila at lilipulin ang lahat ng iyong mamamayan. Wala silang iiwanang magkapatong na bato sapagkat hindi mo pinansin ang pagdalaw sa iyo ng Diyos.”

Tayong mga Kristiyano, ay maihahambing sa mga taong wala sa listahan ng mga kinumbida ng hari at nanggaling kung saan-saan. NAPAKALAKING BIYAYA ang matawag kahit na pangalawang pinagpilian, kaya’t hindi natin ito maaaring bale-walain. Hindi maaaring bawasan ang ating pakikilahok sa piging sapagkat tayo ay pangalawang pinagpilian. Sa paghahari ng Diyos, inaasahang makilahok tayo ng tulad sa inaasahang pakikilahok ng mga unang inimbita.

Panginoong Jesus, tulungan mo kaming mapabilang sa mga hinirang!

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 23,210 total reads

 23,210 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,761 total reads

 43,761 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 118,674 total reads

 118,674 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 204,044 total reads

 204,044 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 250,779 total reads

 250,779 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 298,651 total reads

 298,651 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 396,571 total reads

 396,571 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEGALISTIC

 7,020 total reads

 7,020 total reads Gospel Reading for October 26, 2026 – Luke 13: 10-17 LEGALISTIC Jesus was teaching in a synagogue on the sabbath. And a woman

Read More »

LOVING OFFERING

 6,841 total reads

 6,841 total reads Gospel Reading for October 25, 2026 – Matthew 22: 34-40 LOVING OFFERING When the Pharisees heard that Jesus had silenced the Sadducees, they

Read More »

IT IS NEVER TOO LATE.

 9,433 total reads

 9,433 total reads Gospel Reading for October 24, 2026 – Luke 13: 1-9 IT IS NEVER TOO LATE. Some people told Jesus about the Galileans whose

Read More »

RENDERED USELESS

 9,174 total reads

 9,174 total reads Gospel Reading for October 23, 2026 – Luke 12: 54-59 RENDERED USELESS Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising

Read More »
Scroll to Top