Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsusuot ng nakakatakot, hindi kaugalian sa paggunita ng All Saints day

SHARE THE TRUTH

 30,552 total views

Pinaaalalahanan ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na gunitain ang All Saints Day sa angkop na pamamaraan.

Ayon sa Obispo, hindi kaugalian ng isang kristiyano ang pagsusuot ng mga nakakatakot na mga kasuotan para ipagdiwang ang halloween kundi ilaan ang panahon para parangalan ang mga banal ng simbahan.

“Ang halloween ay hindi selebrasyon ng katatakutan. Dress like saints and emulate them. Isabuhay natin ang kanilang mga halimbawa, yan ang tunay na pagdiriwang sa All Saints Day,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na ito ang akmang panahon na tularan ang kasuotan ng mga santo para sa maringal na pagdiriwang at paggunita sa kanilang araw hindi para sa mga walang kabuluhang pagtitipon.

Matatandang mariing kinundena ng kristiyanong pamayanan ang pagsusuot noon ni Pura Luka Vega ng kasuotan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa isang party habang inaawit ang Ama Namin.

Sinabi ni Bishop Pabillo na bilang binyagan nawa’y higit maunawaan ang mga banal na pagdiriwang ng All Saints at All Souls Day kung saan ito ay araw ng mga panalangin para sa mga namayapa.

“Tulad ng pag-alala natin sa mga banal, sa All Souls Day naman alalahanin natin ang ating mga yumaong kaanak, ipagdasal natin ang kanilang kaluluwa. Dapat magtipon ang mga pamilya para gunitain ang mga masayang alaala ng kanilang namayapang mahal sa buhay,” giit ni Bishop Pabillo.

Tinuran ng opisyal na sa pagdalaw sa mga sementeryo ay iwasan ang pagkakaroon ng mga kasiyahan sa halip ay taimtim na manalangin para sa mga nakahimlay.

Naglabas na rin ng kopya ng panalangin ang mga diyosesis na magagamit ng mga pamilya sa pagdalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Una nang sinabi ni Cebu Archbishop Jose Palma na mahigpit sundin ang mga panuntunan sa pagdalaw sa mga sementeryo upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 101,496 total views

 101,496 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 114,036 total views

 114,036 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 136,418 total views

 136,418 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 155,484 total views

 155,484 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

I-ayon ang buhay kawangis ng Birheng Maria

 10,347 total views

 10,347 total views Hinimok ni Father Roy Bellen – pangulo ng Radyo Veritas ang mananampalataya na palalimin ang pagdedebosyon at i-ayon ang buhay kawangis ng Birheng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 47,745 total views

 47,745 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top