Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,053 total views

Ang Mabuting Balita, 12 Nobyembre 2023 – Mateo 25: 1-13
MAPAGBANTAY
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’t inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e!’ ‘Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,’ tugon ng matatalino. ‘Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.’ Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.
Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”
————
Ang Kaharian ng Diyos ay MAPAGBANTAY, kaya’t walang lugar para sa mag taong kampante o hangal. Ang ating Diyos ay Tagabigay ng Buhay, kaya’t laging aktibo at alerto sa mga pangangailangan ng kanyang mga nilikha at sa lahat ng nagaganap sa kanyang sinasakupan. Ito ang dahilan kung bakit kailangang mamuhay ang isang Kristiyano na bukas lagi ang mga mata, walang takip ang mga tainga, mga paa at kamay laging handang kumilos sa t’wing may panganib sa Pananampalataya. Ang Kristiyano ay hindi nag-iisip ng “bahala na” sapagkat maaaring huli na ang lahat. Maaaring wala ng pangalawang pagkakataon na dumating.
Ipadala mo sa amin ang iyong Espiritu, O Panginoon, nang kami ay maging laging gising at alerto sa Pananampalataya!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 7,400 total views

 7,400 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 30,552 total views

 30,552 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 100,665 total views

 100,665 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 175,278 total views

 175,278 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 254,879 total views

 254,879 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

HEAVEN

 5,295 total views

 5,295 total views Gospel Reading for July 15, 2026 – Matthew 11: 25-27 HEAVEN At that time Jesus exclaimed: “I give praise to you, Father, Lord

Read More »

OUR MISSION

 6,057 total views

 6,057 total views Gospel Reading for July 14, 2026 – Matthew 11: 20-24 OUR MISSION Jesus began to reproach the towns where most of his mighty

Read More »

INNER PEACE

 6,413 total views

 6,413 total views Gospel Reading for July 13, 2026 – Matthew 10: 34 – 11: 1 INNER PEACE Jesus said to his Apostles: “Do not think

Read More »

TRUE AND DEEP

 5,675 total views

 5,675 total views Gospel Reading for July 12, 2026 – Matthew 13: 1-23 TRUE AND DEEP On that day, Jesus went out of the house and

Read More »
Scroll to Top