LINGGO, DISYEMBRE 10, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,514 total views

Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B)

Isaias 40, 1-5. 9-11
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

2 Pedro 3, 8-14
Marcos 1, 1-8

Second Sunday of Advent (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 40, 1-5. 9-11

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

“Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos.
“Aliwin ninyo sila.”
Inyong ibalita sa bayang Jerusalem,
na hinango ko na sila sa pagka-alipin;
pagkat nagbayad na sila nang ibayo
sa pagkakasalang ginawa sa akin.
May tinig na sumisigaw:
“Ipaghanda ang Panginoon ng daan sa ilang;
isang patag at matuwid na lansangan para sa ating Diyos.
Tambakan ang mga lambak,
patagin ang mga burol at bundok
at pantayin ang mga baku-bakong daan.
Mahahayag ang kaningningan ng Panginoon
at makikita ng lahat.
Siya mismo ang nagsabi nito.”
At ikaw, O Jerusalem,
mabuting balita ay iyong ihayag.
Ikaw, Sion,
umakyat ka sa tuktok ng bundok.
Ikaw ay sumigaw, huwag kang masisindak, sabihin sa Juda,
“Narito ang iyong Diyos!”
Dumarating ang Panginoong Makapangyarihan
taglay ang gantimpala sa mga hinirang;
at tulad ng pastol,
yaong kawan niya ay kakalingain,
sa sariling bisig.
yaong mga tupa’y kanyang titipunin;
sa kanyang kandungan ay pagyayamanin,
at papatnubayan ang tupang may supling.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Aking naririnig magmula sa Poon ang sinasalita;
sinasabi niyang ang mga lingkod n’ya’y magiging payapa,
kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.
Ang nagpaparangal sa pangalan niya’y kanyang ililigtas,
Sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ang pagtatapatan at pag-iibiga’y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwira’y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupa’y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan nama’y maghahari mula sa itaas.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai’y bubungang mainam;
sa harapan niya yaong maghahari’y pawang katarungan,
magiging payapa’t susunod ang madla sa kanyang daan.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

IKALAWANG PAGBASA
2 Pedro 3, 8-14

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pedro

Huwag ninyong kalilimutan ito, mga pinakamamahal: sa Panginoon, ang isang araw ay sanlibong taon, at ang sanlibong taon ay isang araw lamang. Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako tulad ng inaakala ng ilan. Hindi pa niya tinutupad ang pangakong tulad ng inaakala ng ilan. Hindi pa niya tinutupad ang pangakong iyon alang-alang sa inyo. Binibigyan niya ng pagkakataon ang lahat na makapagsisi at magbalik-loob sa Diyos, sapagkat hindi niya nais na kayo’y mapahamak.

Ngunit ang Araw ng Panginoon ay darating na tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na yaon, ang kalangitan ay biglang mapaparam na may nakapangingilabot na ugong. Matutupok ang araw, buwan, at mga bituin, at ang lahat sa lupa ay malalantad. Yamang ganito ang magiging wakas ng lahat ng bagay, italaga na ninyo sa kanya ang inyong sarili at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban samantalang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos. Magsikap kayong mabuti upang madali ang pagdating ng Araw na iyon – araw ng pagkatupok ng kalangitan at pagkatunaw sa matinding init ng mga bagay na naroon. Ngunit ayon sa pangako ng Diyos, naghihintay tayo ng mga bagong langit at ng bagong lupa na pinaghaharian ng katarungan.

Kaya nga, mga minamahal, samantalang kayo’y naghihintay, sikapin ninyong mamuhay na payapa, walang dungis at kapintasan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 3, 4. 6

Aleluya! Aleluya!
Daan ng Poong nar’yan na
t’wiri’t ihanda sa kanya.
Pagtubos n’ya’y makikita.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 1-8

Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Hesukristo na Anak ng Diyos. Nagsimula ito noong matupad ang hula ni Propeta Isaias:

“‘Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo,
ihahanda niya ang iyong daraanan.’
Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang:
‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’”

At dumating nga sa ilang si Juan, nagbibinyag at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabinyag kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos.” Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan upang makinig. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila’y bininyagan niya sa Ilog Jordan.

Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai’y balang at pulut-pukyutan. Lagi niyang sinasabi sa kanyang pangangaral, “Darating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa sa akin: ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-2 Linggo ng Adbiyento

Dala pa rin ng pagnanasang lubos na makapaghanda sa pagtanggap sa Panginoon, hilingin natin ang tulong ng kanyang biyaya. Ating sambitin:

Halina, Panginoon aming kaligtasan!

Para sa buong Simbahan: Nawa siya’y kilalaning tagapaghatid ng mabuting balita sa mundong pinahihirapan ng kapusukan, kawalan ng katarungan, pagkakahati-hati, at karahasan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, at iba pang ministro sa Simbahan: Sa pagtulad kay Juan Bautista, nawa’y hindi sila magsawang manawagan sa sang- katauhan para sa pagbabalik-loob. Manalangin tayo!

Para sa sangkatauhan: Nawa’y aminin ng lahat ng taong kay Hesus lamang sila makatatagpo ng kahulugan, pagkakasundo, at katuparan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng nahihirapang umiwas sa bisyo: Nawa’y lubos silang manalig sa habag ng Diyos, samantalang nagsisikap na sumunod sa Kanyang mga utos. Manalangin tayo!

Para sa mga taong may malubhang kapansanan: maging sentro nawa sila ng atensyon at pagkalinga ng sanlibutan sa halip na ipagsa isang tabi lamang o ipagtabuyan. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, ikaw ang bukal ng aming pag-asa at kaligtasan. Palayain mo ang aming mga puso sa bawat masamang simbuyo at ipagkaloob mo sa amin ang kagalakan ng iyong pananahan sa amin. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 28,587 total views

 28,587 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 34,005 total views

 34,005 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 40,712 total views

 40,712 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 55,508 total views

 55,508 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 61,664 total views

 61,664 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

Related Story

BIYERNES, MAYO 10, 2024

 1,447 total views

 1,447 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a Friday of the Sixth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. John of Avila,

Read More »

HUWEBES, MAYO 9, 2024

 1,715 total views

 1,715 total views Huwebes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 1-8 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Juan 16, 16-20 Thursday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 18, 1-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon,

Read More »

MIYERKULES, MAYO 8, 2024

 1,323 total views

 1,323 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd Ang kadakilaan ng D’yos sa lupa’t langit ay lubos. Juan 16, 12-15 Wednesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Pagbasa

Read More »

MARTES, MAYO 7, 2024

 2,323 total views

 2,323 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 22-34 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8 Ligtas ako sa ‘yong piling, lakas ko’y sa ‘yo nanggaling. Juan 16, 5-11 Tuesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, MAYO 6, 2024

 2,671 total views

 2,671 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Juan 15, 26 – 16, 4a Monday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga

Read More »

LINGGO, MAYO 5, 2024

 2,334 total views

 2,334 total views Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. 1 Juan 4, 7-10 Juan 15, 9-17 Sixth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Read More »

SABADO, MAYO 4, 2024

 2,260 total views

 2,260 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Juan 15, 18-21 Saturday of the Fifth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, MAYO 3, 2024

 2,141 total views

 2,141 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Juan 14, 6-14 Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red) UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y

Read More »

HUWEBES, MAYO 2, 2024

 1,897 total views

 1,897 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas. Juan 15, 9-11 Memorial of St. Athanasius, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA

Read More »

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

 1,763 total views

 1,763 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16 Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. Mateo 13, 54-58 Memorial of Saint Joseph the Worker (White) UNANG PAGBASA Genesis 1, 26 – 2, 3 Pagbasa mula sa aklat ng

Read More »

MARTES, ABRIL 30, 2024

 3,767 total views

 3,767 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 3,986 total views

 3,986 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 4,261 total views

 4,261 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 4,553 total views

 4,553 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 5,231 total views

 5,231 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »
Scroll to Top