Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,873 total reads

Ang Mabuting Balita, 09 Disyembre 2023 – Mateo 9: 35 – 10: 1, 6-8

PAGHAHALILI

Noong panahong iyon, nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga may sakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang anihin.”
Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Sila’y pinagbilinan ni Jesus: “Hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.”

————

Si Jesus ay tunay na DALUBHASANG TAGAPLANO. Maaari iniwan na lang niya ang mundo noong siya’y namatay, ngunit lahat ay naiplano niya ng mabuti. Ang misyon niya ay hindi isang pansamantalang bagay. Sa loob ng 3 taon, hinubog niya ang 12 disipulo na hindi nabibilang sa mga may kaalaman. Bakit sila? Marahil sapagkat mas madaling punuin ang basyo? Nagturo siya hindi lamang sa salita, ngunit ginawa niya silang saksi sa kanyang mga kawang-gawa, at bago nilisan ang mundo, binigyan niya sila ng karapatan at kapangyarihang ipangaral ang kanyang mga itinuro, at gawin ang mga bagay na kanyang ginawa. Tiniyak niya na magkakaroon ng PAGHAHALILI sapagkat ang kanyang misyon ng kaligtasan ay kailangang maipagpatuloy hanggang sa kadulo duluhan ng panahon kung kailan siya ay babalik at uupo bilang Hukom ng lahat ng mga bansa.

Harinawa, tayo ay higit na nagpapasalamat na bagama’t ang tao ay lumayo sa Diyos, hindi nawala ang lahat, sapagkat pinadala ng Diyos ang kaisa-isahang anak niya upang mabuhay dito sa mundo, nang sa pamamagitan niya maaari tayong mamuhay ng lubos-lubusan!

Panginoong Jesus, nawa’y lagi naming ibigay ng lubos lubusan ang aming sarili para sa pagtatatag ng iyong Kaharian dito sa mundo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 58,879 total reads

 58,879 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 91,924 total reads

 91,924 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 193,750 total reads

 193,750 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 234,308 total reads

 234,308 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 252,419 total reads

 252,419 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GREAT BLESSING

 7,428 total reads

 7,428 total reads Gospel Reading for October 03, 2026 – Luke 10: 17-24 GREAT BLESSING The seventy-two disciples returned rejoicing and said to Jesus, “Lord, even

Read More »

GREAT TRUST

 11,656 total reads

 11,656 total reads Gospel Reading for October 02, 2026 – Matthew 18: 1-5, 10 GREAT TRUST The disciples approached Jesus and said, “Who is the greatest

Read More »

FAMILY UPBRINGING

 4,975 total reads

 4,975 total reads Gospel Reading for October 01, 2026 – Luke 10: 1-12 FAMILY UPBRINGING Jesus appointed seventy-two other disciples whom he sent ahead of him

Read More »

NOT ALL CROSS AND SUFFERING

 4,454 total reads

 4,454 total reads Gospel Reading for September 30, 2026 – Luke 9: 57-62 NOT ALL CROSS AND SUFFERING As Jesus and his disciples were proceeding on

Read More »
Scroll to Top