6,120 total views

2nd Sunday of Advent Cycle B
Is 40:1-5.9-11 2 Pt 3:8-14 Mk 1:1-8

Ang isang gabay natin sa panahon ng Adbiyento ay si Juan Bautista. Tinuturuan niya tayo paano maging handa sa pagtanggap sa darating na Panginoon sa pamamagitan ng kanyang pahayag at ng kanyang buhay. Simple lang ang buhay niya. Nakatira siya sa disyerto. Ang disyerto ay isang lugar ng panalangin at ng penitensiya. Ang damit niya ay balat ng kamelyo. Ito ay magaspang. Talagang pangpenitensiya! Ang pagkain niya ay mga balang at pulut-pukyutan, mga simpleng pagkain na matatagpuan sa disyerto. Kakaiba ito sa mga hinahanap-hanap ng mga tao ngayon – masasarap na pagkain at branded na mga damit.

Ang kanyang panawagan ay magsisisi kayo at talikdan ang inyong mga kasalanan. Ang pagbibinyag niya sa ilog Jordan ay tanda ng pagsisisi. Ang paglulublob sa tubig ay tanda ng kagustuhan ng mga tao na linisin na ang kanilang kasalanan. Ang panlabas na paliligo sa ilog ay pahiwatig ng panloob na paglilinis. Kaya hindi lang basta lumulublob ang mga tao sa ilog Jordan, sila ay nagpapahayag muna ng kanilang kasalanan. Inaamin nila ang kanilang kasamaan.

Ano ba ang kasalanan na dapat tanggalin at linisin? May iba’t ibang kasalanan. May mga kasalanan na dala ng pagmamalabis, tulad ng pagmamalabis sa pag-inom ng alak kaya nalalasing, at pagmamalabis ng paggamit ng bawal na gamot. Pagmamalabis na galit. Inggit, o kayabangan. Ang lahat ng pagmamalabis ay kasalanan, kasama na ang pagmamalabis sa pagkain. Tinatawag din natin ang kasalan na pagkukulang, tulad ng pagkukulang sa paggawa ng ating tungkulin, pagkukulang sa pagdarasal, pagkukulang sa pagtulong sa nangangailangan, pagkukulang sa paggalang at pagsunod sa magulang at nakatatanda, pagkukulang sa pagmamahalan ng mag-asawa. Nakikita din ang kasalanan sa liku-likong pamamaraan. Hindi matuwid ang ginagawa o sinasabi kasi may tinatago o may ikinahihiya. Kaya nandiyan ang pagsisinungaling, ang pagkakalat ng tsismis, ang paninira sa kapwa, ang corruption, ang pagnanakaw. Ang mga ito ay hindi natin ginagawa ng lantaran. Patago natin ito ginagawa. Maitutulad din ang kasalanan sa baku-bakong daan. Hindi stable. Hindi maaasahan ang ugali, pabago-bago. Walang isang salita.

Kaya tama ang panawagan ni Propeta Isaias at ni Juan Bautista. Gumawa ng maayos na daan para sa Panginoon. Straight na daan ng Panginoon patungo sa atin, at straight na daan natin patungo sa Diyoa. Tanggalin na ang mga kasalanan. Patagin ang pagmamalabis, tambakan ang pagkukulang, ituwid ang liku-likong pamamaraan at patagin ang baku-bako at butas-butas na daan. Tingnan po natin sa ating buhay. Ano ba ang mukha ng kasalanan sa atin – pagmamalabis, pagkukulang, liku-liko at baku-bako? Sana po ngayong panahon ng adbiyento makapangumpisal tayo. Ito ay isang magandang gawain para maihanda ang daan ng Panginoon. Ang pagkukumpisal ay paraan ng pagsisisi. Inaamin na natin ang ating kasalanan kasi ito ay tinatanggihan na natin.

Pero baka may iba sa atin na naiinip na sa kaaantay sa pagdating ng Panginoon. Hanggang kailan pa ba tayo maghahanda ng daan? Kailan ba talaga darating ang Panginoon? Ang paskong pinaghahanda natin ay isang ala-ala lang. Inaalaala natin ang unang pagdating ni Jesus. Naging tao siya at nakipamuhay sa atin. Ang unang pagdating ni Jesus ay pahiwatig ng kanyang muling pagdating. Ito ang mas mahalaga sa atin na paghandaan. Darating siya muli. Lahat tayo ay haharap at mananagot sa kanya. Handa ba tayo rito?

Pero kailan ba talaga siya darating? Taon-taon na lang may adbiyento, at tayo ay hinihikayat na maging handa. Pero hindi pa nga ba siya dumadating? Huwag po tayo mainip. Pinapalaala sa atin ni San Pedro sa ating ikalawang pagbasa na iba ang pagbilang at ang pagtingin natin sa panahon kaysa Diyos. Sa Panginoon ang isang araw ay maaaring isang libong taon sa atin, at ang isang libong taon sa atin ay para lang isang araw sa kanya. Tutuparin niya ang kanyang pangako na darating siyang muli. At hindi siya nagpapabaya. Kung natatagalan tayo, gamitin natin ang panahon na wala pa siya na mas lalong maging handa.

Noong tayo ay mga estudyante pa, kung minsan nahuhuli ang teacher na magbibigay ng exam. Sa panahon na wala pa siya, ang iba ay nag-uusap at nagbibiruan, ang iba ay basta na lang nag-aantay. Pero may mga masigasig na mga estudyante na ginagamit ang panahon na mas lalong mag-review pa. Sino ba tayo sa mga ito? Ang mga nag-gu-good time lang at nagbibiruan habang wala pa ang Panginoon? Ang mga nagwawalang kibo? O iyong ginagamit ang panahon para lalo pang gumawa ng mabuti, lalo pang maging madasalin, lalo pang makilala ang Diyos? Kaya nga sinabi ni San Pedro: “Samantalang kayo’y naghihintay, sikapin ninyong mamuhay na payapa, walang dungis at kapintasan.” Mamuhay tayo nang ayon sa kalooban ng Diyos samantalang hinihintay natin ang Araw ng Panginoon.

Ang isang virtue na binibigyan ng diin sa Adbiyento ay pag-asa, hope, paglaum. Tinitingnan natin ang ating buhay na may pag-asa. Ito ay may kahihinatnan, may patutunguhan. Ang patutunguhan nito ay kaligtasan. Kahit na gaano kadilim ang buhay, may liwanag sa bandang huli. Kahit na gaano kahirap, darating ang kasaganaan, kahit na gaano kagulo, may kapayapaan. Saan nakabase ang ating pag-asa? May pag-asa tayo kasi may pananampalataya tayo na nandiyan kasama natin ang Diyos, at sa pamamagitan ni Jesus nagtagumpay siya sa kasamaan, sa kasalanan at sa kamatayan. Nakikiisa tayo sa tagumpay na ito kapag tayo ay nagsisisi sa ating kasalanan. Dito natin natatalo ang kasamaan sa buhay natin. Nakabase din ang ating pag-asa sa paniniwala na hindi tayo iiwanan ng Diyos at babalik siya para sa atin.

Kailangan po natin ang pag-asa sa panahong ito na madaling mawalan ng pag-asa ang marami. Ang tanda nito ay ang maraming suicides, kahit na sa mga kabataan. Kaunting kabiguan lang, wala na silang pag-asa. Marami din ang madaling maghiwalay. Ang pag-ibig ay nawawala na kapag may away o di-pagkakasundo. Kailangan natin ang liwanag ng pag-asa. Kaya ngayong adbiyento isabuhay natin ang pag-asa. Kumapit tayo sa Diyos! Sa mga kahirapan at kadiliman ng buhay abangan natin ang kaligtasan na dadalhin ng Diyos. Magbibigay siya ng liwanag at ng sigla sa ating buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 13,438 total views

 13,438 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 25,862 total views

 25,862 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 41,297 total views

 41,297 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 42,537 total views

 42,537 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 52,548 total views

 52,548 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 1,356 total views

 1,356 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 3,516 total views

 3,516 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 5,674 total views

 5,674 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 6,024 total views

 6,024 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 19,494 total views

 19,494 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 19,923 total views

 19,923 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 23,967 total views

 23,967 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 26,723 total views

 26,723 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 26,723 total views

 26,723 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 26,705 total views

 26,705 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 30,206 total views

 30,206 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 26,705 total views

 26,705 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 26,700 total views

 26,700 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 26,700 total views

 26,700 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 26,701 total views

 26,701 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top