Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,506 total views

Ang Mabuting Balita, 09 Disyembre 2023 – Mateo 9: 35 – 10: 1, 6-8

PAGHAHALILI

Noong panahong iyon, nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga may sakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang anihin.”
Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Sila’y pinagbilinan ni Jesus: “Hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.”

————

Si Jesus ay tunay na DALUBHASANG TAGAPLANO. Maaari iniwan na lang niya ang mundo noong siya’y namatay, ngunit lahat ay naiplano niya ng mabuti. Ang misyon niya ay hindi isang pansamantalang bagay. Sa loob ng 3 taon, hinubog niya ang 12 disipulo na hindi nabibilang sa mga may kaalaman. Bakit sila? Marahil sapagkat mas madaling punuin ang basyo? Nagturo siya hindi lamang sa salita, ngunit ginawa niya silang saksi sa kanyang mga kawang-gawa, at bago nilisan ang mundo, binigyan niya sila ng karapatan at kapangyarihang ipangaral ang kanyang mga itinuro, at gawin ang mga bagay na kanyang ginawa. Tiniyak niya na magkakaroon ng PAGHAHALILI sapagkat ang kanyang misyon ng kaligtasan ay kailangang maipagpatuloy hanggang sa kadulo duluhan ng panahon kung kailan siya ay babalik at uupo bilang Hukom ng lahat ng mga bansa.

Harinawa, tayo ay higit na nagpapasalamat na bagama’t ang tao ay lumayo sa Diyos, hindi nawala ang lahat, sapagkat pinadala ng Diyos ang kaisa-isahang anak niya upang mabuhay dito sa mundo, nang sa pamamagitan niya maaari tayong mamuhay ng lubos-lubusan!

Panginoong Jesus, nawa’y lagi naming ibigay ng lubos lubusan ang aming sarili para sa pagtatatag ng iyong Kaharian dito sa mundo!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 31,014 total views

 31,014 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 115,773 total views

 115,773 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 133,390 total views

 133,390 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 178,543 total views

 178,543 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SHAMEFUL

 2,313 total views

 2,313 total views Gospel Reading for May 11, 2026 – John 15: 26 – 16: 4a SHAMEFUL Jesus said to his disciples: “When the Advocate comes

Read More »

EXTRAORDINARY PRIVILEGE

 2,634 total views

 2,634 total views Gospel Reading for May 10, 2026 – John 14: 15-21 EXTRAORDINARY PRIVILEGE Jesus said to his disciples: “If you love me, you will

Read More »

“SUPER MANANG/MANONG”

 2,744 total views

 2,744 total views Ang Mabuting Balita, 09 Mayo 2026 – Juan 15: 18-21 “SUPER MANANG/MANONG” Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung

Read More »

PERFECTLY

 6,576 total views

 6,576 total views Gospel Reading for May 08, 2026 – John 15: 12-17 PERFECTLY Jesus said to his disciples: “This is my commandment: love one another

Read More »
Scroll to Top