Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,259 total reads

Ang Mabuting Balita, 10 Disyembre 2023 – Marcos 1: 1-8

MAHALAGANG KAGANAPAN

Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Jesukristo na Anak ng Diyos. Nagsimula ito noong matupad ang hula ni Propeta Isaias: “‘Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo, ihahanda niya ang iyong daraanan. ’Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’” At dumating nga sa ilang si Juan, nagbibinyag at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabinyag kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos.” Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan upang makinig. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila’y bininyagan niya sa Ilog Jordan.

Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai’y balang at pulut-pukyutan. Lagi niyang sinasabi sa kanyang pangangaral, “Darating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa sa akin: ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo.”

————

Ang pagbasa sa araw na ito ay laging ginagamit sa panahon ng Adbiyento, ang paghahanda sa panahon ng Kapaskuhan. Ang matunog na sigaw ni Juan Bautista na ihanda ang daraanan ng Panginoon at tuwirin ang kanyang mga landas ay hindi lamang para sa panahon ng Adbiyento sapagkat ang mga Kristiyano ay laging handa sa pagdating ng MAHALAGANG KAGANAPAN o ang “PAROUSIA” (ang ikalawang pagdating ni Kristo). Ang maghanda sa kanyang pangalawang pagdating ay ang papasukin siya sa ating buhay bawat sandali ng bawat araw. Ang pagtuwid ng kanyang mga landas ay ang pagsisi at pagtalikod sa kasalanan at gawin ang lahat upang masundan siya kahit saan siya mapunta. Minsan, iniisip natin na pabigat ang gawin ang lahat upang sundan si Jesus, at magsisi sa tuwing nadarapa tayo. Ito ay sapagkat nakakadismaya ang madapa ng paulit-ulit. Ngunit, kung iisipin natin – mas gugustuhin ba nating malugmok sa kasalanan? Si Jesus ay hindi basta’t nagkatawang-tao. Siya ay nagkatawang-tao upang ipakita sa atin kung ano ang maging tao at kung gaanong kataas ang kaya nating abutin. Tiyak na mas mabuti ang nasa itaas ng bundok kaysa nalulunod sa dagat.

Gawin natin ang Pasko na hindi lamang panahon ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus, kundi isang walang hanggang panahon na maging taong ayon sa kagustuhan ng Diyos na Maylikha. Puno ng utang na loob, pasalamatan natin ang Diyos na hindi niya tayo sinukuhan at binigyan pa ng pagkakataong maging karapat-dapat sa muling pagdating ni Jesus!
Halina O Emmanuel sa aming mga puso!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 55,368 total reads

 55,368 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 88,731 total reads

 88,731 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 190,557 total reads

 190,557 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 231,115 total reads

 231,115 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 249,380 total reads

 249,380 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GREAT BLESSING

 6,904 total reads

 6,904 total reads Gospel Reading for October 03, 2026 – Luke 10: 17-24 GREAT BLESSING The seventy-two disciples returned rejoicing and said to Jesus, “Lord, even

Read More »

GREAT TRUST

 11,450 total reads

 11,450 total reads Gospel Reading for October 02, 2026 – Matthew 18: 1-5, 10 GREAT TRUST The disciples approached Jesus and said, “Who is the greatest

Read More »

FAMILY UPBRINGING

 4,769 total reads

 4,769 total reads Gospel Reading for October 01, 2026 – Luke 10: 1-12 FAMILY UPBRINGING Jesus appointed seventy-two other disciples whom he sent ahead of him

Read More »

NOT ALL CROSS AND SUFFERING

 4,309 total reads

 4,309 total reads Gospel Reading for September 30, 2026 – Luke 9: 57-62 NOT ALL CROSS AND SUFFERING As Jesus and his disciples were proceeding on

Read More »
Scroll to Top