34,308 total views

Mga Kapanalig, sa isang misa para sa pagsisimula ng Adbiyento, hindi bababa sa apat na katao ang namatay at mahigit 40 naman ang nasugatan matapos ang pagsabog sa gymnasium ng Mindanao State University (o MSU) sa Marawi. 

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, inaalam pa ng kinauukulan kung sinu-sino ang nasa likod na karumal-dumal na pangyayaring ito. May mga hinalang kaugnay ito ng pagkakapatay ng militar sa labing-isang miyembro ng Dawlah Islamiyah. Ang Dawlah Islamiyah ay itinuturing ng gobyerno bilang isang teroristang grupong konektado sa mga nais magtatag ng isang Islamic State sa Mindanao. Ang pagsabog sa MSU ay baka raw paghihiganti ng grupo sa pagkakapatay sa kanilang mga kasapi.

Pero hindi pa man malinaw kung ang grupong ito nga ang may gawa ng pagsabog, mabilis na naglabasan, lalo na sa social media, ang mga komentong sinisisi ang Islam at ang mga Muslim. Kung saan may kaguluhan, giyera, at terorismo, lagi raw may mga Muslim. Hindi raw totoo ang pagiging “religion of peace” ng Islam. Nakaugat na raw ang paggamit ng karahasan sa relihiyong Islam.

Napakadaling sabihin ang mga bagay na ito ng mga taong hindi lubos na nauunawaan ang relihiyong ito. O kaya naman—at ito marahil ang mas mabigat tanggapin—hindi natin ganap na naiintindihan ang marami, malalim, at kawing-kawing na ugat ng karahasan. At sa isang bansang nasa anim na porsyento lamang ng populasyon ang Muslim, napakadaling ikabit sa kanilang relihiyon ang mga maling gawaing ginagawa ng iilan sa kanila. Hindi ba kayo nagtataka na walang karahasang ginawa ng isang Kristiyano—katulad ng mga Katoliko—ang ikinokonekta ang pangyayari sa kanyang relihiyon? 

Ang mabilis na pag-uugnay sa karahasan at pananampalataya ay parang panggatong na dumadagdag sa apoy ng hindi pagkakasundo. Inililihis tayo nito sa katotohanang ang tinatawag na extremist violence ay bunga ng napakakumplikado at masalimuot na mga kalagayang pampulitika at panlipunan. Magkakaroon ba ng karahasan kung tunay na makatarungan ang ating lipunan? May mananakit ba ng kanilang kapwa kung lubusang naiintindihan ng mga tao ang dignidad ng iba? May magiging marahas ba sa kanilang kababayan kung ang mga istruktura ng ating lipunan ay patas sa lahat at walang pinapaboran? Maaaring may impluwensya ang relihiyon sa mga sangkot sa mga gawaing marahas, ngunit hindi ito dahil iyon ang itinuturo sa mga mananampalataya. Nagiging parte ang relihiyon sa karahasan dahil inaabuso at binabaluktot ito. Ang masama pa, naging kalakaran na, lalo na sa media, ang ipahiwatig na dahilan ang relihiyon ng karahasang nag-uugat talaga sa diskriminasyon, katiwalian, pang-aabuso, at matinding kahirapan. 

Terrorism threatens, wounds, and kills indiscriminately; it is gravely against justice and charity.” Iyan ang mababasa natin sa mga turo ng ating Simbahan. Anuman ang relihiyon ng mga nasa likod ng terorismo, tahasan nilang sinasalungat ang katarungan at pagkakawanggawa. Kaya walang makapagbibigay-katwiran sa karahasan, lalo na sa terorismo, kahit pa ang relihiyon ng mga gumagawa nito. Tayong mga Kristiyano ay inuudyukang tumalikod sa karahasan. 

Sa Mga Kawikaan 6:16-19, ipinaaalala sa ating “kinamumuhian ni Yahweh… ang mga pumapatay sa walang kasalanan, ang pusong sa kapwa’y walang mabuting isipan, [at] mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan.” Mahalagang turo ito para sa lahat—hindi lamang sa mga nagbabalak gumawa ng masama sa iba kundi sa mga taong mabilis husgahan ang kanilang kapwa batay sa relihiyon o paniniwala.  

Mga Kapanalig, ang mga relihiyon, sabi ni Pope Francis sa Fratelli Tutti, ay may malaking ambag sa pagtatatag ng pagkakapatiran at sa pagtatanggol sa katarungan. Hindi ito magiging posible kapag binabaluktot natin ang mga turo ng ating relihiyon o kapag ginagamit natin ito upang kamuhian ang iba.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,781 total views

 75,781 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 87,427 total views

 87,427 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,674 total views

 96,674 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,471 total views

 102,471 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,859 total views

 114,859 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 75,782 total views

 75,782 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 87,428 total views

 87,428 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 96,675 total views

 96,675 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 102,472 total views

 102,472 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,860 total views

 114,860 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 64,787 total views

 64,787 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 99,998 total views

 99,998 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 145,833 total views

 145,833 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 146,851 total views

 146,851 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 120,617 total views

 120,617 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 117,676 total views

 117,676 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 118,718 total views

 118,718 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 123,147 total views

 123,147 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 137,347 total views

 137,347 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 147,800 total views

 147,800 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top