Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,168 total reads

Ang Mabuting Balita, 10 Disyembre 2023 – Marcos 1: 1-8

MAHALAGANG KAGANAPAN

Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Jesukristo na Anak ng Diyos. Nagsimula ito noong matupad ang hula ni Propeta Isaias: “‘Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo, ihahanda niya ang iyong daraanan. ’Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’” At dumating nga sa ilang si Juan, nagbibinyag at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabinyag kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos.” Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan upang makinig. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila’y bininyagan niya sa Ilog Jordan.

Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkai’y balang at pulut-pukyutan. Lagi niyang sinasabi sa kanyang pangangaral, “Darating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa sa akin: ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo.”

————

Ang pagbasa sa araw na ito ay laging ginagamit sa panahon ng Adbiyento, ang paghahanda sa panahon ng Kapaskuhan. Ang matunog na sigaw ni Juan Bautista na ihanda ang daraanan ng Panginoon at tuwirin ang kanyang mga landas ay hindi lamang para sa panahon ng Adbiyento sapagkat ang mga Kristiyano ay laging handa sa pagdating ng MAHALAGANG KAGANAPAN o ang “PAROUSIA” (ang ikalawang pagdating ni Kristo). Ang maghanda sa kanyang pangalawang pagdating ay ang papasukin siya sa ating buhay bawat sandali ng bawat araw. Ang pagtuwid ng kanyang mga landas ay ang pagsisi at pagtalikod sa kasalanan at gawin ang lahat upang masundan siya kahit saan siya mapunta. Minsan, iniisip natin na pabigat ang gawin ang lahat upang sundan si Jesus, at magsisi sa tuwing nadarapa tayo. Ito ay sapagkat nakakadismaya ang madapa ng paulit-ulit. Ngunit, kung iisipin natin – mas gugustuhin ba nating malugmok sa kasalanan? Si Jesus ay hindi basta’t nagkatawang-tao. Siya ay nagkatawang-tao upang ipakita sa atin kung ano ang maging tao at kung gaanong kataas ang kaya nating abutin. Tiyak na mas mabuti ang nasa itaas ng bundok kaysa nalulunod sa dagat.

Gawin natin ang Pasko na hindi lamang panahon ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus, kundi isang walang hanggang panahon na maging taong ayon sa kagustuhan ng Diyos na Maylikha. Puno ng utang na loob, pasalamatan natin ang Diyos na hindi niya tayo sinukuhan at binigyan pa ng pagkakataong maging karapat-dapat sa muling pagdating ni Jesus!
Halina O Emmanuel sa aming mga puso!

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 13,133 total reads

 13,133 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 39,454 total reads

 39,454 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 99,952 total reads

 99,952 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 120,079 total reads

 120,079 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 200,733 total reads

 200,733 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 300,609 total reads

 300,609 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LAW OF LOVE

 9,824 total reads

 9,824 total reads Gospel Reading for August 17, 2026 – Matthew 19: 16-22 LAW OF LOVE A young man approached Jesus and said, “Teacher, what good

Read More »

PUREST FORMS OF PRAYER

 6,766 total reads

 6,766 total reads Gospel Reading for August 16, 2026 -Matthew 15: 21-28 PUREST FORMS OF PRAYER At that time, Jesus withdrew to the region of Tyre

Read More »

FALL INTO PLACE

 8,337 total reads

 8,337 total reads Gospel Reading for August 15, 2026 – Luke 1: 39-56 FALL INTO PLACE Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary Mary

Read More »

WORK OF LOVE

 18,110 total reads

 18,110 total reads Gospel Reading for August 14, 2026 – Matthew 19: 3-12 WORK OF LOVE Some Pharisees approached Jesus, and tested him, saying, “Is it

Read More »
Scroll to Top