Restorative justice advocacy ng Simbahan, pinalakas pa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 386 total views

Lumagda ang Caritas Manila Restorative Justice Ministry at Department of Justice sa isang memorandum of agreement upang lalong palakasin ang formation program sa mga bilanggo.

Itinuturing ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual na isang nakapagandang development ng ugnayan ng Simbahan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsanib puwersa upang tulungan ang mga bilanggo na makapagbagong buhay at makabalik sa lipunan.

Ayon kay Father Pascual, pinalalakas ng kasunduan ang adbokasiya ng Simbahan sa pagbibigay ng spiritual at material na gabay sa mga preso.

“Ito’y napakahalaga lalung-lalo na sa administrasyon ni President Digong na na-renew ang partnership sa pagitan ng Caritas Restorative Justice Ministry, Bureau of Corrections at D-O-J for the next 3 years. Ito ay isang napakagandang development sa ating ugnayan sa pamahalaan para matulungan ang ating mga bilanggo na makapagbagong buhay at mabigyan ng bagong pag-asa na maging mabuting mamamayan. Mayroon tayong mga spiritual formation, livelihood program, sacramental appreciation at values formation sa mga bilanggo sa national bilibid.”pahayag ni Father Pascual sa Radio Veritas

Sinabi ng pari na pagpapatunay din ito na ang Simbahan at pamahalaan ay dapat magkaisa at magtulungan para sa common good dahil iisang mamamayan ang pinaglilingkuran nito.

Tiniyak naman ni DOJ undersecretary Atty. Reynante Orceo na ang M-O-A ay tunay na magpapalakas at magpapatibay sa mga programa ng Caritas Manila sa loob ng mga bilangguan.

Nilinaw ni Orceo na mas bibigyan ng malaka na recognition ang mga bilanggo na dumaan sa training at programa ng Caritas Manila para mabawasan ang kanilang sentensiya kapag sila ay maka-graduate.

“Tama po, magkakaroon ng hindi lamang moral and spiritual aspect kundi may legal side na yung ginagawa ng Caritas dahil magkakaroon na ito ng recognition para yung magga-graduate ay babawasan ang prison terms. And at the same time it’s a dual approach yung mga inmates ay pupuwede na magkakaron ng pag-asa na kapag umattend pala ng Caritas trainee meron silang pagkakataon na mabawasan ang kanilang mga sentensiya.”paglilinaw ni Orceo

Naninindigan si Orceo na mahalaga ang formation aspect sa mga bilanggo dahil alam niya na habang may buhay ang tao ay may pag-asa na magbago.

Iginiit din ni Atty. Benjamin de los Santos, director general ng Bureau of Corrections na mahalaga ang memrondum of agreement dahil katuwang ng pamahalan ang Simbahan sa pagbibigay ng formation sa mga bilanggo na maging kapaki-pakinabang kapag sila ay nakalaya na.

Naunang ipinapaalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat na bigyan ng pagp-asa ang mga makasalanan.

See: http://www.veritas846.ph/bigyan-ng-pag-asa-ang-mga-makasalanan-cardinal-tagle/

Bilang pagpapahalaga sa mga bilanggo, pinangunahan ni Cardinal Tagle ang isang thanksgiving mass sa New Bilibid Prison bilang regalo sa ika-80 kaarawan ni Pope Francis.

See: http://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-nagdaos-ng-thanksgiving-mass-sa-new-bilibid-prison-para-sa-kaarawan-ni-pope-francis/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 10,037 total views

 10,037 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 33,189 total views

 33,189 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 103,302 total views

 103,302 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 177,915 total views

 177,915 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 257,317 total views

 257,317 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 77,174 total views

 77,174 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 54,751 total views

 54,751 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 93,170 total views

 93,170 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top