Mahigit 400 mga bata bininyagan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 908 total reads

Hayaang lumapit ang mga bata kay Hesus.

Mula sa ebanghelyo ngayong araw na ito ang buod ng mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagbibinyag sa mahigit 400 bata na inaalagaan ng Tulay ng Kabataan Foundation Incorporated na isinagawa sa Minor Basilica of Immaculate Concepcion o Manila Cathedral.

Ayon kay Cardinal Tagle, napakahalaga ng araw na ito sa mga batang bininyagan dahil ito ay araw ng muling pagsilang o birthday para sa mga bata at mga sanggol bilang bagong kasapi ng Simbahang Katolika at pakikibahagi bilang anak ng Diyos at kapatid ni Kristo.

Ipinaalala ng Kardinal na tungkulin ng mga magulang na akayin at arugain ang mga bata sa kanilang paglaki, ilapit at gawing huwaran si Hesus.

“Ituro kung papano si Hesus naging masunurin sa Diyos, paano nagmalasakit sa kapwa. Ituro kung papano si Hesus tumanggap sa iba-ibang tao lalung-lalo sa mga hindi minamahal ng lipunan. Ipakilala si Hesus.”pahayag ni Cardinal Tagle

Sinabi ni Cardinal Tagle na sa pamamagitan ng pagbibinyag na ito ay magiging templo ng banal na esperitu santo ang katawan ng mga bagong binyag na bata na katulad ni Hesus.

Hinimok ng Kardinal ang mga magulang na huwag hayaan ang kanilang mga anak na lumaking hindi nakilala si Hesus na ngayon ay kabilang na ng mas malawak na pamilya ang simbahan.

“Sabi ni Hesus sa ebanghelyo, hayaan niyong lumpit ang mga bata sa akin, huwag niyo silang pigilan, sila ang malaking pamilya, ilapit natin sila kay Hesus. Huwag hayaan na ang mga bata ay lumaking hindi nakikilala si Hesus. Akayin at ipakilala sila sa kanilang kapatid na si Hesus”pahayag ng Kardinal

Pinaalalahanan din ni Cardinsl Tagle ang mga ninong at ninang na ang pagiging pangalawang magulang ay hindi lamang pang- komersiyo na kailangan lang magbigay ng material na bagay sa inaanak.

“Tayong mga Filipino,akala natin ang papel ng ninong at ninang ay magbigay ng pakimkim, sobre, regalo. Ang ninong at ninang hindi lamang taga-bigay ng regalo, sila ay katuwang ng magulang na kahit walang pakimikm o regalo ang inyong pagtulong sa magulang ay panalangin at mabuting halimbawa at asal”paalala ni Cardinal Tagle

Iginiit ni Cardinal na ang pagbibinyag ay hindi lamang tungkol sa komersiyo kundi ang paglago sa buhay pananampalataya.

Katuwang ni Cardinal Tagle ang 10- pari sa pagbibinyag sa may 400 mga bata at sanggol na galing sa slum area ng Aroma at Market 3 Port of Navotas na nasunugan noong nagdaang araw.

Ipinahayag naman ni Father Matthieu Dauchez, executive director ng T-N-K na kung mahirap dalhin sa Diyos ang mga sugatang bata ay napakadaling dalhin si Hesus sa kanila sa pamamagitan ng mga sakramento.

Ang Tulay ng Kabataan ay nagsisilbi sa may 1,500 mga kabataan mula sa pinaka-mahihirap na pamilya at pinaka-mahihirap na lugar sa Metro Manila noong pang 1998 sa paamagitan ng apat na programa upang maibalik ang dignidad ng mga street children, street children with special needs at mga magbabasura.

Ang TNK ay mayroong 24 na mga centers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,190 total reads

 67,190 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 145,913 total reads

 145,913 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,360 total reads

 179,360 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,657 total reads

 214,657 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,424 total reads

 438,424 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 95,585 total reads

 95,585 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 73,135 total reads

 73,135 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 111,619 total reads

 111,619 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top