Restorative justice advocacy ng Simbahan, pinalakas pa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 635 total reads

Lumagda ang Caritas Manila Restorative Justice Ministry at Department of Justice sa isang memorandum of agreement upang lalong palakasin ang formation program sa mga bilanggo.

Itinuturing ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual na isang nakapagandang development ng ugnayan ng Simbahan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsanib puwersa upang tulungan ang mga bilanggo na makapagbagong buhay at makabalik sa lipunan.

Ayon kay Father Pascual, pinalalakas ng kasunduan ang adbokasiya ng Simbahan sa pagbibigay ng spiritual at material na gabay sa mga preso.

“Ito’y napakahalaga lalung-lalo na sa administrasyon ni President Digong na na-renew ang partnership sa pagitan ng Caritas Restorative Justice Ministry, Bureau of Corrections at D-O-J for the next 3 years. Ito ay isang napakagandang development sa ating ugnayan sa pamahalaan para matulungan ang ating mga bilanggo na makapagbagong buhay at mabigyan ng bagong pag-asa na maging mabuting mamamayan. Mayroon tayong mga spiritual formation, livelihood program, sacramental appreciation at values formation sa mga bilanggo sa national bilibid.”pahayag ni Father Pascual sa Radio Veritas

Sinabi ng pari na pagpapatunay din ito na ang Simbahan at pamahalaan ay dapat magkaisa at magtulungan para sa common good dahil iisang mamamayan ang pinaglilingkuran nito.

Tiniyak naman ni DOJ undersecretary Atty. Reynante Orceo na ang M-O-A ay tunay na magpapalakas at magpapatibay sa mga programa ng Caritas Manila sa loob ng mga bilangguan.

Nilinaw ni Orceo na mas bibigyan ng malaka na recognition ang mga bilanggo na dumaan sa training at programa ng Caritas Manila para mabawasan ang kanilang sentensiya kapag sila ay maka-graduate.

“Tama po, magkakaroon ng hindi lamang moral and spiritual aspect kundi may legal side na yung ginagawa ng Caritas dahil magkakaroon na ito ng recognition para yung magga-graduate ay babawasan ang prison terms. And at the same time it’s a dual approach yung mga inmates ay pupuwede na magkakaron ng pag-asa na kapag umattend pala ng Caritas trainee meron silang pagkakataon na mabawasan ang kanilang mga sentensiya.”paglilinaw ni Orceo

Naninindigan si Orceo na mahalaga ang formation aspect sa mga bilanggo dahil alam niya na habang may buhay ang tao ay may pag-asa na magbago.

Iginiit din ni Atty. Benjamin de los Santos, director general ng Bureau of Corrections na mahalaga ang memrondum of agreement dahil katuwang ng pamahalan ang Simbahan sa pagbibigay ng formation sa mga bilanggo na maging kapaki-pakinabang kapag sila ay nakalaya na.

Naunang ipinapaalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat na bigyan ng pagp-asa ang mga makasalanan.

See: http://www.veritas846.ph/bigyan-ng-pag-asa-ang-mga-makasalanan-cardinal-tagle/

Bilang pagpapahalaga sa mga bilanggo, pinangunahan ni Cardinal Tagle ang isang thanksgiving mass sa New Bilibid Prison bilang regalo sa ika-80 kaarawan ni Pope Francis.

See: http://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-nagdaos-ng-thanksgiving-mass-sa-new-bilibid-prison-para-sa-kaarawan-ni-pope-francis/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 69,227 total reads

 69,227 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 147,866 total reads

 147,866 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 181,314 total reads

 181,314 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 216,611 total reads

 216,611 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 440,323 total reads

 440,323 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 95,597 total reads

 95,597 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 73,148 total reads

 73,148 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 111,631 total reads

 111,631 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top