Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 125,283 total views

Sa kabila ng patuloy na urbanisasyon at pag-usbong ng teknolohiya sa ating bansa, ang makabagong konsepto ng “smart city” ay tila mahirap pang ipalaganap sa ating bayan. Ang smart city, kapanalig, ay isang lungsod na gumagamit ng teknolohiya at data upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan. Tinataglay nito ang mga sistema at proyektong nagbibigay daan sa mas epektibong transportasyon, maayos na serbisyong pampubliko, at mas ligtas na pamayanan.

Isa sa mga pangunahing aspeto ng smart city na maaaring pagtuunan ay ang transportasyon. Sa pamamagitan ng modernisasyon ng transportasyon, maaaring mapabuti ang daloy ng trapiko, mas maginhawa ang biyahe, at mababawasan ang oras natin sa kalye. Mga sistema tulad ng intelligent traffic management at real-time na monitoring ay maaaring maging sandigan para sa mas mabilis at mas matalinong transportasyon.

Ang matalinong pamamahala ng enerhiya ay isa ring mahalagang bahagi ng konsepto ng smart city. Ang paggamit ng mga teknolohiyang nagtitipid ng enerhiya, ng renewable energy, pati ng smart grids ay maaaring magbawas ng masamang epekto ng climate change. Magbibigay daan ito sa mas sustainable na paggamit ng enerhiya.

Sa larangan ng serbisyong pampubliko, maaaring magtaglay ang smart city ng mga apps at systems na naglalayong mapadali ang transaksyon at komunikasyon sa pagitan ng mamamayan at ng gobyerno. Ang mga serbisyo tulad ng e-governance, e-health, at e-education ay maaaring makatulong sa mas mabilis at mas epektibong paghatid ng serbisyong publiko.

Ang smart city kapanalig, ay nagbibigay din ng mga job opportunities. Maaaring magsimula ito ng mas mataas na digital literacy sa bayan, na magbibigay daan sa mas malawakang kaalaman at kasanayan para sa mga mamamayan.

Pero bago maging smart city ang ating mga lungsod, napakarami pa nating bubunuin. Ngayon pa nga lamang, nakakasulasok na ang traffic sa ating paligid. Ang mga pamayanan natin, halos walang mga drainage. Baha na sa lungsod, konting ulan lamang. Kailangan na ng kolektibong pagkilos upang tunay na maging smart ang ating mga lungsod. Pangarap na lamang ba ito, kapanalig?

Ang pagtataguyod ng smart cities sa Pilipinas ay hindi lamang para sa kaunlaran, ito ay para sa ating mas magandang kinabukasan. Noong nakaraang Nobyembre lamang, nabanggit ni Pope Francis sa isang meeting sa Vatican kasama ang mga  town mayors ng Italya na ang mga syudad ay nagiging “unlivable” na dahil sa polusyon, gulo, isolation, marginalization, at kalungkutan. Nawa’y bagao natin ito, at hindi lamang maging smart ang ating mga syudad, kundi maging sentro ng authentic human development.

Paalala ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si: Ang tunay na pag-unlad ay ukol sa pagpapabuti sa kalidad ng buhay ng tao. Kasama nito ang pagsasaalang-alang sa kapaligiran kung saan siya nabubuhay. Ang tinitirhan natin ay nakakaimpluwensya sa ating pag-iisip, pakiramdam, at pagkilos… Kapag magulo o puspos ng ingay at kapangitan ang ating kapaligiran, mahirap abutin ang tunay na saya at kaunlaran.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 78,391 total views

 78,391 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 90,931 total views

 90,931 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 113,313 total views

 113,313 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 132,684 total views

 132,684 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 26,666 total views

 26,666 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

PORK BARREL

 78,395 total views

 78,395 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 90,935 total views

 90,935 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 113,318 total views

 113,317 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 132,688 total views

 132,688 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

ICI LIVE

 167,665 total views

 167,665 total views Isang biyaya… blessings in disguise… ipinagkaloob na Kapanalig ng Panginoon, ang kahilingan ng mayorya ng mga Pilipino matapos ang dalawang buwan. Ngayong lingo,

Read More »

CLIMATE CHANGE PERFORMANCE INDEX

 167,886 total views

 167,886 total views Nasaan na nga ba ang Pilipinas sa usapin ng pagbabawas sa banta ng nagbabagong klima? Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumausdos sa ika-19

Read More »

Family drama sa pulitika

 181,630 total views

 181,630 total views Mga Kapanalig, ilang dekada nang itinutulak ng marami ang isang batas na magbabawal sa pagtakbo sa pulitika ng mga magkakamag-anak. Tama na raw

Read More »

Labanan ang violence against women

 190,397 total views

 190,397 total views Mga Kapanalig, ngayon ay ang International Day for the Elimination of Violence Against Women (o VAW). Sa Pilipinas, simula ang araw na ito

Read More »

Klima sa usapin ng kalusugan

 213,692 total views

 213,692 total views Mga Kapanalig, “normal” na sa ating bansa ang mas mainit na panahon at mas malakas na mga bagyo. Dala rin ng mga ito

Read More »
Scroll to Top