Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawain sa pagdiriwang ng Nazareno 2024, isinapubliko ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

 27,451 total views

Isinapubliko ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene ang mga gawain sa pagdiriwang ng Nazareno 2024.

December 30, 2023 ng 11:30 ng gabi ay isasagawa ang nakagawiang Thanksgiving procession sa paligid ng Quiapo habang December 31, 2023 hanggang January 8, 2024 ang misa nobenaryo kung saan ngayong taon itinalaga ng dambana ang lahat ng misa para sa paghahanda sa kapistahan.

Ang misa nobenaryo ay live na mapapakinggan sa Radio Veritas 846AM mula December 31, 2023 hanggang January 8, 2024 ng alas 6 ng gabi.

Isasagawa ang barangay visitation sa paligid ng Quiapo mula January 1 hanggang 6 habang sa 3 at 4 naman ang replica blessing at procession sa ala 1:30 ng hapon.

Sa January 6 ganap na ikaanim ng gabi isasagawa ang misa para sa volunteer’s ng Nazareno 2024 na susundan ng pagbubukas sa Pahalik sa ikapito ng gabi na magpapatuloy hanggang January 8 sa Quirino Grandstand.
Sa January 8 ng alas 5:30 ng hapon isasagawa ang Panalangin sa Takipsilim na susundan ng vigil at ilang palatuntunan sa ikaanim ng gabi.

Magsisimula ang Fiesta Mass sa January 8 ng alas tres ng hapon hanggang alas 11 ng gabi habang sa January 9 ng hatinggabi isasagawa ang Misa Mayor sa Quirino Grandstand na pamumunuan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na susundan din ng prusisyon ng imahe ng Poong Nareno pabalik sa dambana ng basilica.

Bagamat ibabalik ang tradisyunal na prusisyon ay natatangi ito ngayong 2024 sapagkat ilalagay sa glass case ang imahe upang mabigyang proteksyon at magkaroon ng pagkakataon ang mga debotong makita ito habang ipinuprusisyon.

Live na mapapakinggan sa Radio Veritas 846AM, DZRV facebook page, Cignal channel 313 at Sky cable channel 211 ang fiesta mass, misa mayor ni Cardinal Advincula sa Quirino grandstand at prusisyon ng imahe ng Poong Hesus Nazareno hanggang sa makabalik ito sa Minor Basilica of the Black Nazarene.

Magpapatuloy naman ang fiesta masses sa Quiapo Church mula alas dose ng hatinggabi hanggang alas onse ng gabi kung saan sa kabuuan may 33 misa sa kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.
Tema sa Nazareno 2024 ang “Ibig naming makita si Hesus” na hango sa ebanghelyo ni San Juan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,903 total views

 73,903 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,898 total views

 105,898 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,690 total views

 150,690 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,637 total views

 173,637 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 189,035 total views

 189,035 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 1,053 total views

 1,053 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 12,105 total views

 12,105 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top