Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 125,242 total views

Sa kabila ng patuloy na urbanisasyon at pag-usbong ng teknolohiya sa ating bansa, ang makabagong konsepto ng “smart city” ay tila mahirap pang ipalaganap sa ating bayan. Ang smart city, kapanalig, ay isang lungsod na gumagamit ng teknolohiya at data upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan. Tinataglay nito ang mga sistema at proyektong nagbibigay daan sa mas epektibong transportasyon, maayos na serbisyong pampubliko, at mas ligtas na pamayanan.

Isa sa mga pangunahing aspeto ng smart city na maaaring pagtuunan ay ang transportasyon. Sa pamamagitan ng modernisasyon ng transportasyon, maaaring mapabuti ang daloy ng trapiko, mas maginhawa ang biyahe, at mababawasan ang oras natin sa kalye. Mga sistema tulad ng intelligent traffic management at real-time na monitoring ay maaaring maging sandigan para sa mas mabilis at mas matalinong transportasyon.

Ang matalinong pamamahala ng enerhiya ay isa ring mahalagang bahagi ng konsepto ng smart city. Ang paggamit ng mga teknolohiyang nagtitipid ng enerhiya, ng renewable energy, pati ng smart grids ay maaaring magbawas ng masamang epekto ng climate change. Magbibigay daan ito sa mas sustainable na paggamit ng enerhiya.

Sa larangan ng serbisyong pampubliko, maaaring magtaglay ang smart city ng mga apps at systems na naglalayong mapadali ang transaksyon at komunikasyon sa pagitan ng mamamayan at ng gobyerno. Ang mga serbisyo tulad ng e-governance, e-health, at e-education ay maaaring makatulong sa mas mabilis at mas epektibong paghatid ng serbisyong publiko.

Ang smart city kapanalig, ay nagbibigay din ng mga job opportunities. Maaaring magsimula ito ng mas mataas na digital literacy sa bayan, na magbibigay daan sa mas malawakang kaalaman at kasanayan para sa mga mamamayan.

Pero bago maging smart city ang ating mga lungsod, napakarami pa nating bubunuin. Ngayon pa nga lamang, nakakasulasok na ang traffic sa ating paligid. Ang mga pamayanan natin, halos walang mga drainage. Baha na sa lungsod, konting ulan lamang. Kailangan na ng kolektibong pagkilos upang tunay na maging smart ang ating mga lungsod. Pangarap na lamang ba ito, kapanalig?

Ang pagtataguyod ng smart cities sa Pilipinas ay hindi lamang para sa kaunlaran, ito ay para sa ating mas magandang kinabukasan. Noong nakaraang Nobyembre lamang, nabanggit ni Pope Francis sa isang meeting sa Vatican kasama ang mga  town mayors ng Italya na ang mga syudad ay nagiging “unlivable” na dahil sa polusyon, gulo, isolation, marginalization, at kalungkutan. Nawa’y bagao natin ito, at hindi lamang maging smart ang ating mga syudad, kundi maging sentro ng authentic human development.

Paalala ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si: Ang tunay na pag-unlad ay ukol sa pagpapabuti sa kalidad ng buhay ng tao. Kasama nito ang pagsasaalang-alang sa kapaligiran kung saan siya nabubuhay. Ang tinitirhan natin ay nakakaimpluwensya sa ating pag-iisip, pakiramdam, at pagkilos… Kapag magulo o puspos ng ingay at kapangitan ang ating kapaligiran, mahirap abutin ang tunay na saya at kaunlaran.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 46,214 total views

 46,214 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 78,209 total views

 78,209 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 123,001 total views

 123,001 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 146,181 total views

 146,181 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,580 total views

 161,580 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 46,215 total views

 46,215 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 78,210 total views

 78,210 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 123,002 total views

 123,002 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 146,182 total views

 146,182 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,581 total views

 161,581 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 133,833 total views

 133,833 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 144,257 total views

 144,257 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 154,896 total views

 154,896 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 91,435 total views

 91,435 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 89,725 total views

 89,725 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top