Kapakanan ng alagang hayop at kalikasan, isaalang-alang sa pagsalubong ng New year

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,619 total reads

Nananawagan ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at EcoWaste Coalition sa publiko na isaalang-alang ang kaligtasan ng mga alagang hayop at kalikasan sa pagsalubong sa bagong taon.

Sa ginanap na Iwas Paputoxic event sa isang malaking mall sa Quezon City, binigyang-diin ng dalawang grupo ang negatibong epekto ng malakas na paputok sa mga tao, hayop, at kalikasan.

Ayon kay PAWS executive director Anna Cabrera, labis na pagpapahirap sa mga hayop tulad ng aso’t pusa ang maidudulot ng malalakas na ingay at nakasusulasok na usok mula sa paputok.

Maaari itong magdulot ng anxiety o pagkabalisa, disorientasyon, at kawalan ng ganang kumain, kung saan ang labis na kaawa-awa ay ang mga pagala-galang hayop na walang ligtas na lugar na mapupuntahan at matataguan.

“What is worse is if they accidentally eat remnants of the firecrackers as this will result in gastrointestinal problems – symptoms of which could be abdominal pain, blood diarrhea and vomiting,” ayon kay Cabrera.

Inihayag naman ni Ateneo School of Medicine and Public Health environmental health specialist Dr. Germinn Louis Apostol na magdudulot ng panganib sa kalusugan at kalikasan ang malilikhang usok at polusyon mula sa mga paputok.

Paliwanag ni Apostol na kapag nalantad sa mapanganib na usok, maaari itong magdulot ng asthma, bronchitis, pneumonia at sinusitis lalo na sa mga kabataan, matatanda, at mayroong pre-existing medical conditions.

“The air quality can reach hazardous levels due to the massive use of firecrackers and fireworks before and during the revelry… Among these pollutants are greenhouse gases, particularly carbon dioxide, carbon monoxide and nitrogen oxide, which contribute to global warming and climate change,” pahayag ni Apostol.

Samantala, hinikayat naman ni EcoWaste national coordinator Aileen Lucero ang mamamayan na ilaan na lamang ang salapi sa ihahandang pagkain sa pagdiriwang ng Bagong Taon sa halip na ipambili ng mapanganib na mga paputok.

“Cats and dogs, humans and the ecosystems would be better off without injurious and polluting firecrackers and fireworks. We therefore encourage everyone to think twice before spending hard-earned money for toxic firecrackers and fireworks, which are better used for essential needs like food on the table. Pera para sa paputok ay sa pagkain na lang itutok,” giit ni Lucero.

Patuloy na hinihimok ng simbahan ang lahat na baguhin ang mga nakasanayang nakakapinsala sa kalikasan upang higit na maisulong ang payak na pamumuhay na nagpapakita ng pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 20,291 total reads

 20,291 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 57,155 total reads

 57,155 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 283,425 total reads

 283,425 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 176,892 total reads

 176,892 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 269,844 total reads

 269,844 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,981 total reads

 150,981 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top