Sumuporta sa GOMBURZA, pinasalamatan ng JESCOM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,219 total views

Pinasalamatan ng Jesuit Communications ang lahat ng sumuporta sa pelikulang GOMBURZA na umani ng pitong parangal sa 49th Metro Manila Film Festival.

Ayon kay JesCom Executive Director Fr. Emmanuel Alfonso, SJ. layunin ng media arm ng mga Heswita na maisabuhay at maipakita sa bagong henerasyon ang kasaysayan nina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na nanindigan laban sa paniniil ng mga Espanyol dahilan upang maparusahan ng kamatayan.

“Hindi namin iniisip ang mga award ang iniisip namin kung paanong maikuwento ang kasaysayan nitong tatlong pari,” pahayag ni Fr. Alfonso sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng pari na isinasabuhay lamang ng JesCom ang panawagan ng simbahan na gamitin ang larangan ng media para sa ebanghelisasyon.

“Iniisip namin ang media evangelization na magamit natin itong plataporma ng pelikula, we should use media, we should use social communications to evangelize,” giit ni Fr. Alfonso.

Sa gabi ng parangal nakamit ng GOMBURZA ang Best Sound Design, Best in Production Design, Best in Cinematography, Gatpuno Antonio Villegas Award, at Best Picture habang itinanghal na Best Actor si Paul Cedrick Juan na gumanap bilang Padre Burgos at Best Director naman si Pepe Diokno.

Ibinahagi rin ng Veritas Pilipinas anchor na ito rin ay handog ng mga Heswita sa 500 Years of Christianity ng Pilipinas na itampok ang ginampanang tungkulin ng mga pari na nanindigan sa katotohanan kahit nangangahulugan ng kamatayan.

Nabuo ang kwento ng GOMBURZA sa gabay ng aklat sa kasaysayan ng tatlong paring martir sa komprehensibong pananaliksik ni Jesuit priest Fr. John Schumacher gayundin ang paggabay ng iba pang historian sa bansa.

Nagpasalamat si Fr. Alfonso sa mga natanggap na parangal kasabay ng paghimok sa mamamayan na panuorin ang pelikulang GOMBURZA sa mga sinehan sa buong bansa upang malinang ang karunungan hinggil sa kasaysayan ng bansa lalo na sa panahon ng mga Espanyol.

Suportado ng simbahan sa pangunguna ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang GOMBURZA at hinikayat ang mamamayan na tangkilikin ito upang mag-alab ang diwa ng pagiging maka-Diyos at Makabayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 10,367 total views

 10,367 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,718 total views

 38,718 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 106,448 total views

 106,448 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 129,599 total views

 129,599 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 199,043 total views

 199,043 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top