LINGGO, ENERO 14, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,000 total reads

Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

1 Samuel 3, 3b-10. 19
Salmo 39, 2 at 4ab. 7-8a. 8b-9. 10

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

1 Corinto 6, 13k-15a. 17-20
Juan 1, 35-42

Second Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Samuel 3, 3b-10. 19

Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, si Samuel nama’y natutulog sa Templo, sa may Kaban ng Tipan. Nang magmamadaling-araw na, siya’y tinawag ng Panginoon, “Samuel, Samuel!”

“Po,” sagot niya. Patakbo siyang lumapit kay Eli at sinabi, “Bakit po?”

Sinabi ni Eli, “Hindi kita tinatawag. Mahiga ka na uli.” Nagbalik nga siya sa kanyang higaan.

Tinawag siya uli ng Panginoon. Bumangon siya, lumapit kay Eli at itinanong, “Tinatawag po ba ninyo ako?”

Sinabi ni Eli, “Hindi kita tinatawag, anak. Mahiga ka na uli.” Hindi pa kilala ni Samuel ang Panginoon sapagkat hindi pa siya kinakausap nito.

Sa ikatlong beses na tawagin siya, lumapit uli siya kay Eli at sinabi, “Narinig ko pong tinatawag ninyo ako.”

Naisip ni Eli na ang Panginoon ang tumatawag kay Samuel, kaya sinabi niya, “Sige, mahiga ka uli. Kapag narinig mo pang tinawag ka, ganito ang sabihin mo: ‘Magsalita po kayo, Panginoon. Nakikinig po ang inyong lingkod.’” At muling nahiga si Samuel. Ang Panginoon ay lumapit kay Samuel at tinawag ito.

Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, nakikinig po ang inyong lingkod.”

Habang lumalaki si Samuel, patuloy siyang pinapatnubayan ng Panginoon, at nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi niya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 2 at 4ab. 7-8a. 8b-9. 10

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ako ay naghintay sa ‘king Panginoon.
At dininig niya ang aking pagtaghoy;
tinuruan niya ako pagkatapos
ng bagong awiting pampuri sa Diyos.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang mga panghandog, pati mga hain,
at mga hayop na handang sunugin
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;
nasa Kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.”

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y aking inihayag
saanman magtipon ang ‘yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 6, 13k-15a. 17-20

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Ang katawan ay hindi para sa pakikiapid kundi para sa Panginoon, at ang Panginoon naman ay sa katawan. Muling binuhay ng Diyos ang Panginoong Hesus, at tayo ma’y muling bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Hindi ba ninyo alam na kayo’y mga bahagi ng katawan ni Kristo? Ang nakikipag-isa sa Panginoon ay kaisa niya sa Espiritu.

Huwag kayong makikiapid. Sa alinmang ibang kasalanan na ginagawa ng tao, iba ang napipinsala. Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Ang inyong katawan ay hindi talagang inyo kundi sa Diyos; binili niya kayo sa malaking halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 1, 41. 17b

Aleluya! Aleluya!
Natagpuan ang Mesiyas
ng sa kanya’y naghahanap.
Siya’y pag-ibig na matapat.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 35-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nakatayo si Juan at ang dalawa sa kanyang mga alagad. Nakita niya si Hesus na nagdaraan, at kanyang sinabi, “Ito ang Kordero ng Diyos!” Narinig ng dalawang alagad ang sinabi niya, at sumunod sila kay Hesus. Lumingon si Hesus at nang makitang sumusunod sila ay kanyang tinanong, “Ano ang hinahanap ninyo?” Sumagot sila, “Saan po kayo nakatira, Rabi?” Ang kahulugan ng salitang ito’y Guro. “Halikayo at tingnan ninyo,” ani Hesus. Sumama sila at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon nang araw na yaon. Noo’y mag-iikaapat na ng hapon.

Ang isa sa dalawang nakarinig kay Juan at sumunod kay Hesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. Una niyang hinanap ang kapatid niyang ito, at kanyang sinabi sa kanya, “Natagpuan namin ang Mesiyas!” Ang kahulugan ng salitang ito’y Kristo. At siya’y isinama ni Andres kay Hesus. Tiningnan ni Hesus si Simon at sinabi sa kanya, “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Ang ipangangalan ko sa iyo’y Cefas.” Ang katumbas ng ngalang ito’y Pedro.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Yamang naliwanagan tayo ng Salita ng Diyos at napatibay sa ating pasiyang gawin ang nakalulugod sa Panginoon, idalangin natin sa Kanya ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo kami!!

Para sa buong Simbahan: Patuloy nawa siyang maging ilaw ng katotohanan at tagapagtanggol ng kalinisang-puri. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng mga pinunong espirituwal: Nawa’y patuloy tayong maliwanagan sa kanilang pangaral at mabigyang inspirasyon sa pama- magitan ng kanilang kabutihan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga tinawag ng Panginoon upang maglingkod sa ating pamayanan: Nawa’y gampanan nila ang kanilang tungkulin ng bukas-loob at tapat sa pagsunod sa halimbawa ni Hesus. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga sangkot sa paggawa at pagpapakalat ng mga pornograpikong materiyal: Nawa’y mapagtanto nila ang bigat ng pinsalang moral na idinudulot nila sa maraming tao. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga naging biktima ng mga malalaswang pahayagan, palabas, at pelikula: Nawa’y maalaala nilang ang katawan ay hindi ginawa para sa immoralidad kundi upang magbigay kaluwalhatian sa Diyos. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa’y palagi tayong tumugon sa panawagan ng Diyos upang mamuhay bilang mabubuting Kristiyano at responsable at tapat na mamamayan. Manalangin tayo!

Tulungan nawa tayo ng Panginoon upang mapahalagahan natin ang iba-ibang mga kaloob na karisma ng Espiritu Santo, upang matuklasan natin ang iba-ibang trandisyon at ritwal sa Simbahang Katolika, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, patuloy mo kaming tinatawag upang maging “asin ng lupa” at “liwanag ng mundo.” Ipagkaloob Mo nawa sa amin ang biyayang tuwina’y maging “asin at liwanag” sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 6,168 total reads

Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering his wife, Ashley, while their two young daughters were at home. Evidence presented at the trial also revealed an extramarital relationship. He has now been sentenced to life imprisonment without parole.

It is difficult to imagine the wounds left behind, especially in the lives of the children: a mother violently taken from them, and a father responsible for her death.

The story struck me because I am presently in Rome for our meeting marking ten years of Amoris Laetitia, reflecting precisely on how the Church proclaims the Gospel with families today.
Earlier, Pope Leo XIV asked us: “What kind of Church do people encounter precisely when they are most fragile?”

Cases like this remind us that “family fragility” is not an abstract pastoral category. Sometimes behind the doors of a seemingly Christian home are relationships already being torn apart by infidelity, deception, abuse, violence, loneliness or despair.

And accompaniment cannot mean simply keeping a family together at all costs. It must also mean learning to recognize danger, protecting the vulnerable, especially children, confronting wrongdoing with truth, and helping wounded people find justice, healing and hope.

Perhaps this too is part of proclaiming the Gospel to and with families: helping our homes become places where love is not merely preached, but truly lived—and where those who are wounded know that the Church will not look away

ULTIMATE GOAL

 7,303 total reads

Gospel Reading for October 09, 2026 – Luke 11: 15-26

ULTIMATE GOAL

When Jesus had driven out a demon, some of the crowd said: “By the power of Beelzebul, the prince of demons, he drives out demons.” Others, to test him, asked him for a sign from heaven. But he knew their thoughts and said to them, “Every kingdom divided against itself will be laid waste and house will fall against house. And if Satan is divided against himself, how will his kingdom stand? For you say that it is by Beelzebul that I drive out demons. If I, then, drive out demons by Beelzebul, by whom do your own people drive them out? Therefore they will be your judges. But if it is by the finger of God that I drive out demons, then the Kingdom of God has come upon you. When a strong man fully armed guards his palace, his possessions are safe. But when one stronger than he attacks and overcomes him, he takes away the armor on which he relied and distributes the spoils. Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters. “When an unclean spirit goes out of someone, it roams through arid regions searching for rest but, finding none, it says, ‘I shall return to my home from which I came.’ But upon returning, it finds it swept clean and put in order. Then it goes and brings back seven other spirits more wicked than itself who move in and dwell there, and the last condition of that man is worse than the first.”

————

One thing is certain—Beelzebul/Satan can never be more powerful than God. Therefore, he would be of no use to Jesus, the Son of God.

Satan’s ULTIMATE GOAL is always to destroy what belongs to God, which is why he possesses humans who are created by God in his image and likeness. He is SO DESPERATE to destroy God’s image. Why, then, would he destroy himself? It would defeat his ULTIMATE GOAL.

St. Michael the Archangel, defend us from the evil one!

TRUTH AWARDS

 76,051 total reads

Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan ang kahirapan, nagiging kultura na ang korapsyon at katiwalian na kinasasangkutan mismo ng mga opisyal ng gobyerno at mga halal ng bayan., lumalala ang kawalang katarungan, hindi na halos makahinga ang maraming Pilipino sa epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo na nagdudulot ng mahal na halaga ng mga bilihin at tumataas na bayarin sa serbisyo publiko.

Hindi pa rin natatapos ang multi-bilyong pisong flood control projects scam.,nahaharap na naman tayong mga Pilipino sa kinatatakutang matinding epekto ng climate change tulad ng El Nino phenomenon na nagdudulot ng matinding init at tagtuyot. Sa kasalukuyan, 106 na lungsod at munisipalidad sa buong bansa ang apektado ng tagtuyot.

May pag-asa ba tayong mga Pilipino? May nababanaag pa kaya tayong liwanag?

Kapanalig, sa kabila ng mga agam-agam na ito., mayroon pa bang matapang na tatayo, haharap “head on” sa mga suliranin nating mga Pilipino?

Sa hangaring ito, binuo ng Radyo Veritas 846 katuwang ang Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila, OneGodly vote-Catholic Advocates for Responsible Electorate (C.A.R.E) ang Truth Awards 2026 “Standing Tall in a World of Shadows”.

Misyon ng Radyo Veritas Truth Awards 2026 na kilalanin ang mga indibidwal at organisasyong nagsusulong ng katotohanan, pananagutan, transparency, at integridad sa kanilang paglilingkod sa lipunan.

Nakapaloob sa Truth Awards ang mga kategorya:
T—Triump of Integrity Award
R—Rays of Light in Darkness Award
U—Unwavering Voice of Conscience Award
T—Testimony of Life Award
H—Heart for Justice and truth award

Ang “highest recognition” ay ang Summum Veritatis award na ipagkakaloob sa isang institusyon na nagpapakita ng katatagang moral, dedikasyon sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at katarungan at dalisay na paglilingkod at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Kapanalig, ang Veritas Truth Awards 2026 ay sumailalim sa rigorous screening at selection process ng pitong(7) kapitag-pitagang hurado na binubuo ng mga lider ng simbahan, academe at civil society.

Ang mapipiling awardee mula sa mahigit-kumulang na 100 nominee at 30-finalists ay nagtataglay ng “light of truth” o buhay na testamento ng faithfulness at katotohanan na siyang magpapalaya sa atin.

Kapanalig, sinasabi ng JOHN 18:37-38: “You are a king, then!” said Pilate. Jesus answered, “You say that I am a king. In fact, the reason I was born and came into the world is to testify to the truth. Everyone on the side of truth listens to me.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,052 total reads

 76,052 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 170,922 total reads

 170,922 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,190 total reads

 215,190 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 238,299 total reads

 238,299 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,010 total reads

 310,010 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 12, 2026

 1,672 total reads

 1,672 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 2,336 total reads

 2,336 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 4,882 total reads

 4,882 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

Biyernes, Oktubre 9, 2026

 5,968 total reads

 5,968 total reads Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Dionisio, obispo, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Huwebes, Oktubre 8, 2026

 7,379 total reads

 7,379 total reads Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top