Mamamayan, binalaan sa pekeng FB account ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,735 total reads

Nagbabala ang Archdiocese of Manila Office of Communications sa publiko laban sa pekeng Facebook Account gamit ang pangalan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ayon kay Fr. Roy Bellen ng Office of Commmunications isang FB account na Jose F. Cardinal Advicula ang ginagamit ng mapanamantalang indibidwal para sa pansariling interes.

“The Archdiocese of Manila Office of Communications would like to inform the public that the FB Account with the name Jose F. Cardinal Advicula is not an official acccount nor in anyway connected to the Archbishop of Manila. Please help us report this account that misrepresent the Cardinal and is sadly only being used to sell products for profit,” pahayag ni Fr. Bellen.

Apela nito sa mamamayan na maging mapagmatyag sa mga sinusundang social media account lalo’t maraming mapanamantalang indibidwal ang ginagamit ang pangalan ng simbahan, mga pari, obispo at iba pang lider nito para online scam.

Iginiit ng opisyal na suriing mabuti ang mga ibinabahagi online upang maiwasan ang fake news.

“We encourage everyone to be very careful in liking, sharing and following dubious accounts that misrepresent church leaders and organizations so as not to aid in the proliferation of false information,” ani ng opisyal.

Una nang nabiktima si Cardinal Advincula ng pekeng account nang maitalagang arsobispo ng Maynila noong 2021.

Bukod sa Cardinal ilang lider pa ng simbahan ang ginamit ang pangalan tulad nina Cardinal Luis Antonio Tagle, Cardinal Orlando Quevedo, Archbishop Jose Palma, Bishop Honesto Ongtioco at iba pa.

Palagiang paalala ng simbahan sa mamamayan na maingat sa pakikipag-ugnayan sa social media at ugaliing beripikahin sa tanggapan ng mga simbahan at diyosesis ang anumang matatanggap na solicitation o donation online.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 42,964 total reads

 42,964 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 128,328 total reads

 128,328 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 175,065 total reads

 175,065 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 222,937 total reads

 222,937 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,911 total reads

 324,911 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top