60-taong diplomatic relations ng EU at Pilipinas, ipinagdiwang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,581 total views

Tiniyak ng European Union ang patuloy na pakikipagtulungan sa Pilipinas sa pagdiriwang ng ika – 60 anibersaryo ng diplomatic relations.

Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Luc Veron sa ikaanim na dekadang ugnayan mas paiigtingin ang pagtutulungan sa pagtaguyod sa pagpapahalaga sa nasasakupang pamayanan.

“We have a lot to show about 60 years of diplomatic relations with the Philippines, relationships that are based on shared values of democracy, human rights, equality, and the rule of law, as well as support for multilateralism and international law,” pahayag ni Veron.

Sinabi ng opisyal mas isabuhay ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa sa pagitan ng Pilipinas at EU sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at tradisyon.

Binigyang diin din ni Veron ang buong suporta sa pagpapaunlad sa ekonomiya at pagsusulong ng kapayapaan sa lipunan.
“We also have people-to-people relationships, trade and investment, relationships in terms of cooperation and peacebuilding,” giit ni Veron.

Nitong January 12, 2024 inilunsad ng EU ang yearlong celebrations ng ikaanim na dekadang bilateral relations sa pamamagitan ng pagpapailaw sa logo ng pagdiriwang sa iconic globe ng Mall of Asia sa Pasay City sa pangunguna ni Veron kasama sina Department of Foreign Affairs Undersecretary Theresa Lazaro at SM Supermalls President Steven Tan.

Batay sa kasaysayan 1948 nang magsimula ang de facto relations ng Pilipinas sa European Community at ganap na naitatag noong May 12, 1964 kung saan si Philippine Ambassador Vicente Singian ang naging kauna-unahang kinatawan ng Philippine Mission sa European Union habang 1991 naman nang pormal na magbukas ang EU Delegation sa Pilipinas.

Mula 1991 hanggang 1994 ang Pilipinas ang naging ASEAN country coordinator ng ASEAN-EU Dialogue relations kung saan kabilang sa tinalakay ang usapin ng regional security, human rights, disarmament, non-proliferation, at drug control.

Taong 2018 nang lagdaan ng EU at Pilipinas ang Partnership and Cooperation Agreement (PCA) para sa pagtutulungan sa usapin ng pulitika, lipunan, ekonomiya, kontra terorismo, transnational crime prevention, karapatang pantao, katarungan, usapang pangkapayapaan at iba pang mga usapin na kapakipakinabang sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 34,302 total views

 34,302 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 62,307 total views

 62,307 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 80,107 total views

 80,107 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 78,749 total views

 78,749 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 188,620 total views

 188,620 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 10,385 total views

 10,385 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top