Synodal book, inilunsad ng Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,293 total reads

Inilunsad ng Archdiocese of Lipa ang synodal book na ‘Enlarging the Space of Our Tent’ upang higit na palawakin ang pagmimisyon ng simbahan sa pamayanan.

Pinangunahan ni Lipa Archbishop Gilebrt Garcera ang paglunsad sa Parish and National Shrine of Saint Padre Pio nitong January 13, 2024.

Ayon sa arsobispo, hango ang pamagat ng aklat sa Synod on Synodality ni Pope Francis na naglalayong abutin ang bawat nasasakupang kawan lalo na ang mga naisasantabing sektor ng lipunan.

“Enlargement is the encouragement to think big, hindi makitid, to dream big and to get a bigger perspective kung kaya’t ang book pong ito na ‘Enlarging the Space of Our Tent,’ I call this a synodal book,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Garcera.

Binigyang diin ni Archbishop Garcera na bawat detalye ng aklat ay pinagnilayan ng mga pari at layko gayundin ang nilalamang kuwento ng 48 contributors na mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na magiging gabay ng arkidiyosesis sa pagpapalawak ng misyon.

Nakabatay din aklat sa mahalagang pundasyon ng simbahang sinodal ang ‘communion, participation and mission’.

Tinukoy ng arsobispo ang pahayag ni noo’y Santo Papa St. John Paul II na mahalagang magbalik tanaw sa nakaraan na puno ng pasasalamat, mamuhay sa kasalukuyan na puno ng sigasig, at; tingnan ang kinabukasang puno ng pagtitiwala sa tulong at gabay ng Panginoon.

Ilan sa mga sumulat sa aklat sina CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, mga pari, layko mula sa iba’t ibang sektor at kilalang personalidad ng lipunan na nagbahagi ng kanilang karanasan.

Kasabay ng paglunsad sa aklat ang paglunsad din ng Pastoral Visitation ni Archbishop Garcera sa 66 mga parokya at nasasakupang institusyon na gaganapin sa Abril hanggang Agosto bago ang retreat ng mga pari sa Roma at nakatakdang pakikipagpulong kay Pope Francis mula Setyembre.

Pinasalamatan ni Archbishop Garcera ang mga tumulong upang mailimbag ang synodal book gayundin ang bawat isang sumuporta para sa ikatatagumpay ng simbahang lingapin ang nasasakupang kawan.

Bago ang Book Launching pinangunahan ni Bishop Vergara ang Banal na Eukaristiya bilang isa ang obispo sa apat na kinatawan ng Pilipinas sa ginanap na Synod of Bishops sa Vatican noong Oktubre kasama sina Bishop David, Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula at Filipino Lay Theologian Dr. Estela Padilla.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 49,330 total reads

 49,330 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,696 total reads

 134,696 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 181,431 total reads

 181,431 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 229,303 total reads

 229,303 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,894 total reads

 330,894 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top